ALYSSON
"Umpisahan natin kay Angela," saad ni Mila.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Alam mo, hindi na ako natutuwa, Mila. Itigil mo na 'yang pagbibiro mo!"
Tumawa ng malakas si MIila, habang binalingan naman ako ni Noella. Halatang galit siya. "Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita na hindi siya nagsisinungaling?"
"Tama!" sigaw ni Sassy. "Itigil mo na 'yang pagiging bias mo, Alysson. Kitang-kita naman sa mukha ng kaibigan mo na nagsasabi siya ng totoo."
Bumaling ako kay Sassy, salubong ang mga kilay. "Ikaw ang tumigil! Hindi 'yon magagawa ni Mila. Kaibigan ko siya kaya mas kilala ko siya! Hindi niya kayang gawin ang bagay na 'yon!"
Tama. Hindi iyon kayang gawin ni Mila dahil noong may activity sa school kung saan kailangan namin hanapin ang scroll ng kalaban, takot na takot siya nang makita na may kinitil akong buhay. Kaya paano nila nagagawang paniwalaan ang sinasabi ni Mila? Hindi niya 'yon magagawa!
Baka may nag-utos lang kay Mila na gawin ito. Para malinlang kami at para masira ang tiwala namin sa isa't-isa.
Tumigil sa pagtawa si Mila at tinitigan ako. "Mukha ba akong nagsisinungaling, Alysson?" Tinuro niya ang kaniyang sarili. "Ito ba ang itsura ng nagbibiro?"
Matama ko siyang tinitigan. Hindi matitinag ang tiwala ko sa kaniya, kahit na ano pang sabihin niya dahil kaibigan ko siya.
"Sino ang nag-utos sa'yo na gawin ito? Si Victor ba? Sino?!" sigaw ko.
Muli siyang tumawa. Sobrang lakas no'n at ang sakit sa taenga. Ilang sandali pa bago siya tumigil at lumapit sa'kin. "Ang tanga mo talaga, e 'no? Gano'n na ba kataas ang tiwala mo sa'kin dahil kaibigan mo ako? Gano'n na ba ako ka-importante sa'yo?"
Hindi ako nakasagot dahil sa nagbabadyang luha sa mga mata ko.
Lumapit sa'min si Sam at malakas na tinulak si Mila, pero hindi iyon naging sapat para bumagsak siya sa lupa.
"Hindi ko na talaga nagugustuhan ang ugali mo lately, Mila. Hindi talaga malabo na ikaw ang pumatay sa mga kasama natin!" sigaw ni Sam.
Hinawakan ko ang braso ni Sam at pinaharap siya sa'kin. "Ano bang sinasabi mo? Kilala mo si Mila, hindi niya 'yon magagawa!"
PAK!
Imbes na sumagot siya, malakas niya akong sinampal dahilan para mabaling sa ibang direksyon ang ulo ko. Sa lakas no'n ay nagbigay iyon ng hapdi sa'king pisngi.
Unti-onti akong humarap sa kaniya habang nakahawak pisngi ko. "Sam..." sambit ko sa pangalan niya.
"Ano, gising ka na ba? H'wag ka naman magbulag-bulagan dahil lang sa kaibigan natin siya! Tingnan mo siya!" hinawakan ni Sam ang balikat ko at hinarap ako kay Mila. "Tingnan mo ang naka ngisi niyang mukha habang nagtatalo tayo!"
Nakatingin sa'kin si Mila habang may ngiti sa kaniyang labi. Pinagmamasdan ko siya ng mabuti, pilit hinahanap ang Mila na kilala ko pero hindi ko iyon makita. Ibang-iba ang itsura niya sa dati; sa kung paano niya ako tingnan at kung paano siya ngumiti. Pati ang kislap sa mga mata niya ay nawala na rin.
Anong nangyari sa Mila na kilala ko? Gaano ba ako ka busy para hindi mamalayan na nagbabago na siya, kahit na magkasama lang naman kami?
She took a deep breath, crossing her arms over her chest and tilting her head. "Kung ayaw mo malaman kung bakit ko sila pinatay, okay lang naman sa'kin. Ayoko rin naman mag aksaya ng laway."
Kumuyom ang aking kamay.
Ibang-iba siya sa dati pero ayoko i-consider na baka nga nagsasabi siya ng totoo. Ayoko dahil kaibigan ko siya. Ayoko dahil kilala ko siya pero... kilala ko pa nga ba talaga siya?
BINABASA MO ANG
Shattered Illusions (TLS Book 2)
Misterio / SuspensoWARNING: DON'T READ THIS IF YOU HAVEN'T READ THE FIRST BOOK, WHICH IS "THERE'S NO WAY OUT." As the students of Ravenwood University (the lost school) finally manage to escape from their captors, they find themselves in a world of uncertainty. Is it...