I

15.3K 191 79
                                    


[Messenger]

Gigi

2:19 p.m.

Gigi
beh may email si direk
kita mo na?

Robin
hala teka
kamumulat ko lang
may muta muta pa ako sandale


Gigi
bilisan mo teh may meeting daw ng 3pm



Robin
online naman diba?
pwede pa ako umidlip ng 5 min hehe


Gigi
kaloka to bumangon ka na!
lalabas pa tayo mamaya
kaya sana mabilis lang tong pa meeting nila


Robin
may reading diba?
sinabi kahapon


Gigi
sa second week lang naman
saka gusto ko bumili ng running shoes bago mag taping sumasakit na paa ko dun sa sandals ko kaya sasamahan mo ko mamaya



Robin
sigeeee



Gigi
sige ka dyan?
bumangon ka na
maligo ka na
para pagkatapos ng meeting larga na tayo


Robin
copy 🫡



[Twitter]

Robin @rosabellanataline
ligaw na ligaw ako dito sa script ah

Robin @rosabellanataline
ay ayun! day 2 sequence 4 pala shutek
| Gigi @gigiyourstruly replied:
teh keri pa ba? join na sa room huy
| Robin @rosabellanataline replied:
ito naaaaa


[Zoom]

SCRIPT READING & CASTING

3:10 p.m.

Arty Ferrer (Director)
All right
Is everyone here?
Present na lahat sa prod?


Zina Sanchez (EP)
Yes, direk.
Complete na tayong lahat.


Arty Ferrer (Director)
Anyway, last minute changes. Scrape muna natin yung script reading ngayon kasi wala rin si Ma'am Lara may trangkaso daw. Brainstorm na lang muna tayo for casting. First up muna dito sa supporting role, mother ni female protagonist. Elegant, early fifties, medyo mataray ang aura.


Gigi Clemente (AD)
Direk, si Dana Rosales po?
Siya talaga napi-picture out ko dito sa role.


Rick Sevilla (AP)
Uy yes, pwede yan si Dana.
Pwede rin si Janine Perez.


Arty Ferrer (Director)
Go kay Dana Rosales basta may anda.
Ma'am Zina?


Zina Sanchez (EP)
Vital itong mother ni female lead kaya yes, go tayo kay Dana Rosales. Mas fit siya.


Rick Sevilla (AP)
Noted for Ma'am Dana Rosales.


Arty Ferrer (Director)
Okay next itong kontrabida natin—


Secretly Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon