LXXVIII

2.1K 165 98
                                    


INT. ROOM - EVENING

6:55 p.m.

Robin
Sa tao ba?
As a friend and partner?



Mikey
I guess?




Robin
Hindi. I mean, na-re-recognize ko naman 'yong talino and achievements nila pati na rin 'yong sikap kasi s'yempre pinaghirapan nila 'yon. Pero kung gagawin ko siyang qualification para sa friend at partner, hindi.



Mikey
Really?



Robin
Oo.



Mikey
Even if it seems more practical?




Robin
Practical in a sense ng ano?




Mikey
Stability.




Robin
Marami namang paraan para ma-achieve'yong stability. Kanya-kanyang paraan lang 'yon. One way lang din siguro 'yon para sa iba, pero kung gagawin kong standard? Hindi. Kaya kong buhayin sarili ko kaya hindi ko iaasa 'yon sa partner ko. Saka ako mismo hindi naman ako achiever no'ng estudyante ako, saktong mag-aaral lang kaya bakit ko 'yon i-re-require sa partner ko? Daig pa niya tatakbo ng presidente?


Mikey
Then what do you prefer?



Robin
Bakit mo tinatanong?




Mikey
I'm just curious and I want to know.




Robin
Bakit, nagselos ka ba?



Mikey
Selos is a big word.
I'm not jealous.




Robin
Ano bang mas maliit do'n?


Mikey
I'm not sure. But I just felt like . . . maybe that's what you prefer from a potential partner.



Robin
Ah, okay. Pero hindi naman mataas standards ko, Mikey.



Mikey
May I know?



Robin
Gusto ko lang ng taong may goal. Hindi naman kailangan malaking goal pero basta may goal na kahit ano, big or small. Gusto ko alam ko kung saan ko siya susuportahan and na may gusto siyang marating. Hindi naman siguro 'yon mahirap 'di ba?



Mikey
No . . . pero what if wala 'yon?




Robin
Kung wala siyang goal?



Mikey
Yup. What would you do?



Robin
Okay lang, kasi at the end of the day ideals ko lang din naman 'yong preferences ko. Hindi ko naman p'wedeng i-expect all the time 'yon sa iba especially kung contented na sila sa buhay nila kasi malaking bagay din 'yong alam mong kontento ka.

Ako kasi sa sarili ko hindi pa ako kontento kaya marami akong gusto. Naisip ko lang na kung sakali, na kung kasing uhaw ko 'yong partner ko, gusto ko rin siya suportahan do'n sa kung anuman 'yong gusto niyang marating. Kasi malaking bagay din para sa akin 'yon.



Mikey
I see . . .



Robin
Bakit, Mikey?



Secretly Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon