LIII

2K 141 32
                                    


INT. KITCHEN - AFTERNOON

3:14 p.m.

Robin
Mikey!

Mikey
What?


Robin
Anong hiwa ba sa sibuyas 'yang ginagawa mo? Nangingiyak ako dito 'di ko mamulat mata ko.


Mikey
I'm just chopping.
Masakit din mata ko.



Robin
Jusmiyo!


Mikey
Sorry. Do'n ka na lang muna may living room. I'll finish this up.



Robin
Ano ba namang assistant 'to pinaiiyak ako!


Mikey
Sorry!


Robin
Ako na nga d'yan.


Mikey
No, I'm almost done.


Robin
May matatapos ka ba d'yan?
Nakapikit ka na habang naghihiwa. Baka mamaya daliri mo na nandyan hindi na sibuyas ha?


Mikey
No, I said I'll help.



Robin
Sige na, bilisan mo na d'yan.


Mikey
Here.
I think I'm done.


Robin
Lapit ka nga dito.




Robin wiped his eyes with her hand.



Robin
Ayan, tingnan mo ga'no kakalat 'yang hiniwa mo.



Mikey
I still can't open my eyes.
Ang hapdi pa rin.


Robin wiped his eyes again.



Robin
Ayan?



Mikey
Oh . . . ang kalat nga.


Robin
Itabi mo na lang muna sa pinggan.
Isunod mo na 'tong carrots.


Mikey
How do you cut this again?



Robin
Maninipis na pahaba muna.
Saka mo i-cubes. Minced gusto mo 'di ba?


Mikey
Yup.

Robin
Ayon. Gamit ka na lang peeler para mas madali balatan.


Mikey
Okay.


3:21 p.m.


Mikey
Is this correct?

Robin peeked at his carrots and frowned.


Mikey
Why?


Robin
Tingnan mo. Mas makapal 'yong iba, hindi pa uniform.



Mikey
But it's hard to cut.
Hindi sumusunod 'yong knife.


Robin
Sinisi mo pa 'yong kutsilyo.


Mikey
Totoo naman.
If I move it this way, it goes the other way.


Robin
Hay naku! Excuses!
Akin na nga 'yan.


Mikey
No, I'm going to cut my carrots.



Robin
E hindi naman uniform.


Mikey
I'm going to fix it.


Robin
Siguraduhin mo lang ha? Kundi di ko na lalagyan ng pagmamahal 'tong spaghetti na request mo. Baka mabusog ka sa sama ng loob.


Mikey frowned.


Robin
Cute!


She laughed.


Robin
Si simangot ka naman agad. Joke lang, e.

Secretly Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon