SHINING VOICE

27 0 0
                                    

(AN: Good Day Reader/s! Hope you'll enjoy this stuff, Thanks. Let's gaurrr(⁠≧⁠▽⁠≦⁠))

WYN LOPEZ POV

Sobrang tahimik ng mundo para sakin. Well, ganon talaga at sanay na sanay nako. Ikaw ba namang ipanganak na bingi. At ang malungkot pa, walang nakikipagkaibigan sakin. Kaya napakalungkot talaga ng buhay ko kahit pa na babad ako sa internet, 24/7.

Isa pa sa nakakalungkot ay yung pinakakontrabida sa buhay ko, ang madrasta ko. Kung bakit ba kasi ako magaang iniwan ni Mama. Miss na miss kona siya.

Naalala ko tuloy ulit lahat ng nangyare nung inatake si mama sa puso, four years old palang ako non. Dahil sa bata pako ay hindi alam ang gagawin. Humahagulgol akong nilapitan si mama habang siyay nagawa pang ngumiti ng mga sandaling yon. Hindi ko alam yon na pala ang huling ngiti niya sakin at sumenyas na “Anak, mahal na mahal ka ni Mama, paalam”. Mas lalo pakong napahagulgol habang yakap yakap ko si mama na nabuwal sa sahig. Saka pa rumisponde si Nanny Rulla, na naging madrasta ko ngayon.

Gumagalaw yung doorknob. Eto na nga bang sinasabi ko. Andito nanaman ang bruhilda kong nanay nanayan. Kulang nalang eh masira na niyang tuluyan yung pintuan ko kagigil. Kung sabagay wala rin kwenta kung kakatok pa siya.

Pinagbuksan kona siya pero nagulat nalang ako ng sinampal niya ko at kinaladkad palabas ng kuwarto ko. At ang nakakabwisit pa, sinira niya sa harap ko ang mga inorder kong merch pati mga Kpop posters na pinakamamahal ko. No way! Siya pala ang nakaharap ni manong tagadeliver.

May kinuha pa siyang kung ano sa mesa niya at nakita kong mga test papers ko pala yon. Kinusot niya sa harap ko at ang malala ay sinubo nya lahat ng yon saken! Langya. Kung pwede lang na lumayas at magpakalayo layo na sa bruhilda nato ginawa kona. O di naman kayay labanan kona at nang sa ganon ay di na niya ko apihin pa. Kaso hindi yon pwede. Ako lang din ang kawawa. Ang papa ko kase ay walang pake sakin dahil isa akong pipi at bingi.

Dinuro duro pako ng matandang to at may kung ano pang sinisigaw sa harapan ko. As if narinig ko naman eh no. Yumuko nalang ako at tumango tango. Ang ambisyosa rin ng reyna reynahan nato. May mga pagkakataong kakarmahin karin Nanny Rulla!

Babalik na sana ako sa kuwarto ko para matahimik na yung kaluluwa kaso lang hinablot nanaman ako ng bruhilda at dinala sa storage room. At kinulong. Dati na niya tong gawain sakin. Mula palang ng bata ako.

Ayaw niya kong matututo magsign language para kapag sinaktan niya ako at dumating na si Papa ay sasabihin niya lang na kaya ako naiyak ay dahil namimiss ko si Papa. Alam ko yun ganun si papa kapag sinenyas sakin ni Mama non na “Anak, namiss mo ba si Papa?” iiyak ako saka yayakapin si Papa pagka galing sa business trip. Si Papa naman ay natawa lang at bibitaw na agad sa pagkakayakap tas ayun. So yun siguro yung sinasabi ng matandang to kay Papa kaya napapangiti lang samantalang ako ay gustong gusto nang magsumbong.

Natuto lang ako magsign language sa tulong ng mga libro at internet. Oo sariling sikap koyon ano ba.

Eto ako ngayon nakakulong sa mala horror na kuwarto. Katabi ko ay mga ipis at daga. Dis oras na ng gabi kaya naman natulog nako para nang sa ganon kahit sa panaginip nalang ako masaya diba? Mas masaya don. Simoy ng hangin, mga sarili kong yapak. Mga magagandang ibon at samu't saring tunog pa ang maririnig ko na di ko alam kung ganon din ba ang tunog ng mga yon sa totoong buhay. Pero atleast mas masaya ako rito kase nakakarinig ako, at sabihin na nating nakakapagsalita rin ako dito.

Alam kong nakatulog nako dahil ang ganda na ng paligid ko. Super ganda ng kinalulugaran ko ngayon. Isa tong lugar na puno ng mga bulaklak at di ko na alam kung san ang pinakadulo sa sobrang lawak. Katamtaman lang ang sikat ng araw, di masakit sa balat kahit medyo tanghali na. Feel na feel ko talaga ang view!

SHINING VOICE | *⁠.⁠✧。⁠*゚⁠+. : ·.Where stories live. Discover now