HAJI SALVACION POV
Papunta na kami don sa sinasabi nilang studio kung san kami gagawa ng kanta. Don narin namin pagmi meetingan lahat ng patungkol sa banda namin like yung kung ano bang final name ng grupo namin.
Kaso natagalan kami sa pagpunta dahil hinarang kami ng mga trainees na magiging pop group soon after us.
Ang iingay nilang lahat lalo na yung mga babae. Bakit sila nagkakaganto? Simple lang.
Kami nalang kasi ang natitira na magiging banda sa buong industry. Yup, Industry talaga halos nagdisband na kasi lahat nang dating sikat na mga banda kaya ganon nalang ang expectation samin.
[AN: Let's imagine na nagdisband na lahat ng current bands (peace sign lolllll)]
Nakafucos lang kasi sila sa mga movies at teleserye at kung ano ano pang kaek ekan na entertainment nayan. Patok din ang mga pop groups ngayon kaya naman napagiwanan na talaga ang rock style music.
Kami daw ang inaasahan na bubuhay don kaya sige, ano bang malay natin.
Back to the scene, ang gugulo nila tili dito tili don ang mga babae anlakas naman ng karisma ng mga kasama kong to lalo natong katabi kong ugok nato. Pansin ko yun dahil sinisigaw nila ang pangalan niya tss. Mukhang matunog yata talaga ang pangalan ng gago.
Yung iba ay dinadaan lang ako at sa kanya ang punta! Abat mangaagaw rin ang isang to.
"Ang popogi nila lalo na yung naka black!" Nakablack? Teka ako yata yun ah!
Nagpalinga linga ako sa mga kasama ko nang may lumapit sa kin. Ako nga kasi yung naka black.
"Hello Mr. Kawaii! Pwede pakiss? O kahit pa autograph manlang heheheh" Tameme ako dun sa sinabi niya.
Maganda siya at aaminin ko na. Ako kasi yung tipo ng tao na madaling mahulog o magkagusto sa isang babae base sa itsura. Judge me now. Anganda kasi talaga niya.
Iniabot niya sakin yung wallet niya tas marker. May nakasulat don, MARIAN VILLANUEVA pinapa pirmahan niya yun sa taas. Pagbibigyan ko na sana kaso nga lang may umepal.
Zhao? Hinablot niya sakin yung wallet tas siya na ang pumirma. Ngayon kolang siya nakitang umepal ng ganyan tas ansama pa kung makatingin sakin ang ugok.
"Wag kang masyadong magisip brod. Wala lang kasi lumalapit sakin kaya ko nagawa yon. Diba Ms. Marian Rivera?" Tinapik pa yung kaliwang balikat ko tas kumindat kay Marian.
"Villanueva apelyido ko Mr. Nerdaholic! Hmpp jan ka na nga!" Naku minus points na agad ang loko.
Nakamot nalang siya ng ulo habang sinundan ng tingin ang babaeng papalayo. Talagang interesado siya ron ah maiwan ko na nga to.
Nakakatawa ang itsura niya ngayon kasi naman natambakan na siya ng mga nagpapa autograph buti nga. Wala palang lumalapit sayo ah.
Nakapasok na kaming lahat maliban sa isa. Kahit kasi na nerd at medyo mataba ay di mo maikakaila na malakas parin ang karisma ng isang to. Baka punit punit na damit non pagdating dito dahil talagang pinagkakaguluhan kasi siya ng mga trainees nayon.
Speaking of trainees, well trained talaga sila no? Di panga kami magdedebut ganon na agad. Well, good sign naman yon diba.
Anlaki ng recording studio nato kaya naman magkakalayo layo kami ng pwesto in short, may mga sariling mundo kami. Sinubukan kong lapitan si Carlo tutal siya naman ang pinakamadaldal saming lahat.
"Huy Haji, Haji tama ba?" Harang sakin ni Z o Zachary.
"Yup, may naisip ka na bang name ng band natin?" Siya nalang ang kakausapin ko tutal siya naman ang unang nag approach sakin.
YOU ARE READING
SHINING VOICE | *.✧。*゚+. : ·.
RandomNabuhay sa isang tahimik na mundo, Wyn Lopez. she's deaf. and Loner. Pero meron siyang ibang abilidad na di kayang gawin ng iba. SHE'S A LUCID DREAMER! At ang masaya roon ay nakakarinig siya sa tuwing siya'y nasa panaginip. Sa panaginip ay nakilala...