- Kath's POV -
Ngayon, ang unang araw namin ni Dj bilang isang official couple. Nakaka-kaba pala. Haha. Kasi baka amakagawa ako ng mali at ikasira yun ni Dj. Heartthrob kaya ang boyfriend ko sa school! Hahaha. Nakaka-pressure din nman. Kasi syempre, heartthrob nga eh. Edi syempre may mga kontra sa relationship namin. Pero, ok lang. Masaya naman kami sa isa't isa eh. Lunch break na nga pala namin.
Papunta na ako sa canteen. Biglang may humatak sakin sa likod ng lockers.
"Hoy! Sino ka ba!?!" -Ako. Pagtingin ko naman.. Bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko.
"Hey baby! Missed me?" -Albie.
Oo. Si Albie. Ang date kong ka-MU. Nanligaw sya sa akin pero nung araw na sasagutin ko na sana sya.. Nakita ko naman sya na may kahalikan na ibang babae. Siya yung unanang lalake na akala kong mamahalin ako ng totoo. Nang dahil sa kanya, muntik ko na isumpa ang LOVE. Mabuti nalang at dumating si DJ sa buhay ko.
"Ay shet! Galing ha?! Miss kita?! Joke ba yon? Matapos mo akong lokohin may lakas ka pa ng loob magpakita sakin?! Para sabihin ko sayo, may boyfiend na ako. Masaya ako sakanya. Mahal ko sya. Mahal nya ako. At wala ng lugar para sayo kaya tigilan mo na ko." -Ako.
"Sigurado ka bang gusto mo kong tigilan ang pangungulit sayo? Parang ayaw ko ata. Mahalin mo ko ulit, Kath. Gusto kong maging tayo. Ang kapalit ang kaligtasan ng pinakamamahal mong Dj." -Albie.
"Anong ibig mong sabihin?" -Ako. Kupal to ah!
"Simple lang. Hiwalayan mo sya. Iwan mo na sya. Maging tayo na ulit at hindi ko sya gagalawin o pakiki-alaman. So? Yes or no?" -Albie.
"Wag mong idamay si Dj dito." -Ako.
"Hindi ko naman talaga sya idadamay kung papayag kang maging tayo. Ano na?!" -Albie.
I'm sorry Dj... Para sayo to..
"Oo na! Basta lubayan mo si Dj!" -Ako.
"Good. Ngayon halika na babe. Sabay tayong maglalunch. At makikipagbreak ka sakanya sa harapan ko. TODAY." -Albie. At hinatak nya na ako papunta sa canteen.
Sukdulan talaga ang kasamaan neto ni Albie. Sobrang sakit. Pero kelangan ko tong gawin para kay Dj. Sana pagdating ng panahon ay maintindihan nya ako.
----------------------------------------------------
Narating namin ni Albie ang canteen ng hawak nya ang kamay ko. Sya lang ang may hawak. Ilan beses ko na kasing sinubukan tanggalin ang kamay ko pero ang higpit talaga ng kapit nya ehh. At eto na. kaharap na namin si Dj. Halatang nagulat sya lalo na't hawak pdn ni Albie kamay ko.
"Kath? Anong ibig sabihin.." -DJ. Hindi ko kayang makita sya ng nasasaktan. Pero kailangan talaga eh. Naluluha yung mata nya. Pinutol ko na agad yung sasabihin nya.
"Dj.. Break na tayo. Kami na ni Albie. Sorry. Ginawa lng kitang panakip butas. Sige. Yun lang. bye." -Ako.
"Kath.. Sabihin mong nagbibiro ka lang. Please?" -Dj. Lumuhod sya sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko habang umiiyak. Hindi ko kaya to.
"Dj.. Tama na. Sorry. Tumayo ka na jan." -Ako. Itinayo ko sya at hinalikan ko sya. Wala akong pake kung madameng makakita or kaharap man si Albie.
Gusto ko kasi na ang maging first kiss ko ay yung FIRST LOVE KO. Oo, minahal ko si Albie pero niloko nya lang ako kaya si Dj ang kino-consider kong first love ko. At sa tingin ko ay, infatuation lang ang naramdaman ko kay Albie. Hndi LOVE. Dahil kung love talaga yun, matatagalan bago ako maka-move on sakanya. Pero mabilis akong naka-move on kaya marahil ay infatuation lang yun.

BINABASA MO ANG
Only Exception ♥ (KathNiel)
FanfictionIsinumpa ko ang LOVE. But I found the ONLY EXCEPTION for my curse. Siya na kaya talaga? SANA. Dahil, isang beses ko lang balak magmahal at pag nasaktan ako, sisiguraduhin kong, hindi na ulit ako magmamahal.