"Bes balita ko luluwas mamaya yung bagong nakabili jan sa bahay" Sabi ni ced
"Oo bes sana mabait"
"Eh di ba sabi ni tito jesse mabait naman yung nakabili?"
"Oo, pero kasama ata nila buong pamilya mamaya"
Ako pala si Jessica Margarett Casidsid Galanza, anak ako ng katiwala nila Sir dean, 3 kami magkakapatid si ate juvy, teacher na sya, ako at si mafe, lagi ko kasama yung bestfriend ko na naglilinis din dito sa bahay
"Sana nga mabait sila, ikaw lang naman ang maldita besh!"
"Tumigil ka besh, cge ka wala kang meryenda mamaya"
"Sabi ko nga"
"Ate kain na kayo nagluto si nanay ng banana cue" tawag ni mafe
"Tara na Beshy!" Sabi ni ced
"Kaw talaga basta pagkain, ambilis mo beshy!"
"Tomguts na eh hahaha"
"O halina kayo mga anak mag meryenda muna"
"Salamat po tita"
"O anak bakit magka salubong na naman yung kilay mo?"
"Naku ma! Anu pa ba bago jan kay ate?"
"Tumigil ka mafe!"
"Naku ate! Panu ka magkaka jowa nyan ang taray mo!"
"Di ako interesado"
"Jema, di mo pa sinasagot tanong ko? Anu ba problema mo?" Tanong ni nanay
"Hay naku tita! Kanina pa problemado yan, kung mabait ba daw nakabili jan sa bahay"
"Hoy ced" siniko ko si ced
"Sorry beshy"
Natawa naman si nanay at mafe
"Alamin natin, mamaya naman sila dadating ate"
"Ewan ko sau mafe"
"Tumigil na kayong dalawa jan, jema bawas bawasan mo yang pagiging mataray mo iha"
"Opo nay"