Maagang nagising yung tatlo, nasa room sila ni jema
"Beshy ang swerte talaga natin kela sir dean anu?" Sabi ni Celine
"Oo nga beshy, nakakahiya kelngan nating bumawi kelangan pagbutihan natin yung pag aaral at tumulong na din tayo dito" Sabi ni jema
"Pansin ko beshy mas malaki yung kwarto mo samin ni Celine" Sabi ni jho
"Sabi ni dean kwarto daw nya to dati eh"
"Ay wow naman" Sabi Celine
"Kaso lumipat sya sa kabila mas malaki ata room nya"
"Nakapasok kana ba dun beshy?" Tanong ni Celine
"Anu naman gagawin ko dun beshy?"
"Hindi ka nya sinama kagabi?" Tanong ni jho
"Kayo talaga ang dudumi ng utak nyong dalawa, syempre hinatid lang ako dito, tapos bumalik na sya sa kwarto nya"
"Sorry naman beshy" Sabi ni Celine
"Oo nga akala kasi namin, sinuko mo na ang bandera ng Bataan hahaha" Sabi ni jho
Binatukan ko si jho
"Tumigil ka nga jho" Sabi ni jema
"Aray naman beshy"
"Mapanakit ka beshy ha?" Sabi ni ced
"Baba na tayo, buti pa tulungan natin si manag Beth, nakakahiya"
"Tara na" Aya ni Celine
Ok cge" Sabi ni jho
Sa kusina....
"Magaling ka pala magluto mam jema?"
"Jema na lang po nay, opo tinuruan po ako ni nanay pati sa gawaing bahay po"
"Ang sarap naman ng champorado mo iha, tiyak matutuwa si sir dean, paborito nya to"
"Susunod ko na nay yung bacon"
"Ok cge at aayusin ko na sa mesa" Sabi ni manang Beth
"Ako na lang jan jema" Sabi ni Celine
"Timpla ka na lang ng juice, at ikaw jho, tulungan mo na si nanay sa paghanda sa mesa"
"Ok cge Tara nay tulungan na kita"
"Asan po pala si tito at tita?" Tanong ni jema
"Maaga umalis, may inasikaso, kaya binilin na kau sakin nila mam and sir"
"Ok po nay"