"Good afternoon po sa inyo! " Bati ni kuya bhert
"Ay magandang hapon po, wait lang po kuya, tawagin ko sila ate" Sabi ni mafe
"O ayan na pala driver nila mam judin, anak labas na kayo" Sabi ni tatay
"Hello po boss!"
"Naku Jesse na lang, ingatan mo anak ko at mga kaibigan nya ha?"
"Opo boss"
"Hi kuya!" Bati ni ced
"Bhert na lang"
"Kuya bhert ako po si mafe, si ate jema, ced at jho, at yun po si nanay Fe at tatay Jesse naman"
"Kuya bhert Tara na po" Sabi ni jema
"Cge po mam"
"Ate ingat kau"
"Nay, tay alis na po kami"
"Cge ingat kau mga anak!"
"Bye po tita, tito! " Sabi ni ced at jho
"Mafe mag papakabait ha? Alagaan mo sila Tito at tita" Sabi ni ced
"Wag puro cp ha?" Sabi ni jema
"Opo mga ate" Sabi ni mafe
"Mam jema, seatbelt po"
"Ok po"
"Kuya bhert saan po tayo pupunta?" Tanong ni ced
"Sa bahay po nila sir deans"
"Saan po yun?" Tanong ni jema
"Forbes park Makati"
"Diba kuya mayayaman nakatira dun?" Tanong ni jho
"Oo, mayayaman talaga magpipinsan na yun, pero simply lang sila"
"Dun dun nakatira si bei at tots?" Tanong ni jho"
"Oo, magkakatabi lang bahay nilang tatlo"
"Ah kaya pala close sila noh?" Sabi ni jema
"Oo hirap maghiwalay yung 3 yun hahaha"
