CHAPTER 14

54 2 0
                                        

ANGEL LOUISA NESS POV

Apat na araw ang lumipas...

Apat na araw ang lumipas ay nagsimula ang paglilitis.
Nandito kami ngayun ni boss sa korte nakaupo sa bakanteng upuan.
Kitang kita ko si Mr Velasquez at papa niya  nakatingin sa gawi namin kaya medyo kinalibutan ako sa mga malamig nilang titig.

"Boss nakakatakot naman ng tingin nila,"mahinang bulong ko sa kanyang tenga  ikinailing nalang nito nakipagtitiga sa mag ama nakatingin sa gawi namin.

"Don't worry secretary, hindi sila makakalapit dito." Malamig na usal nito saakin kaya napabuntong hininga nalang ako.

Nakasout sila ngayon ng damit pangbilangguan at nakaposas ang kanilang mga kamay.

"Let's begin!" Rinig kong sabi ng judge ng dumating ito ngayun ngayun lang.

Umayos naako ng upo habang katabi ang boss ko seryuso lang  nakatingin kung saan maglilitis.

"Taong 2002 ng Agusto ay namatay si Mrs Leonora Monteverde. Pagkatapos ng hindi pagkaunawaan sa pamilya ng mga Velasquez. Ako ngayun si a
Attorney Xalvenge Vouganville ay hinihiling na buksan muli ang kaso ni Mrs Leonora Monteverde at pati narin si Kimberly Frey  namatay 6 years ago sa kompanya ng mga Monteverde." rinig kung anunsyo ng Attorney.

"Pahihintulutan kita order!!!" Usal ng mga judges kaya nagsimula na ang paglilitis.

Nakatingin lang ako kung paano kausapin ng Attorney ang mga witness. Nakikitaita ko sa kanilang mga mata kinakabahan ito o natatakot kung ano man ang kanilang sasabihin ngayun sa korte.

"Nasaan ka nung nangyari ang krimen bago pinatay si Mrs Leonora Monteverde?" Tanong ng Attorney sa ilang mga kasambahay sa mansyon ng boss ko.

"Nung gabing namatay si Senorita Leonora ay inutusan niya akong bantayan mona si Senorito Ezikiel sa kanyang kwarto. Noong gabing din yun ay dumating si Mr Velasquez at kinausap si Senorita Leonora sa isang kwarto." usal ng matandang nmay takot sa kanyang mga mata. Nakita ko kong paano tignan ng mag ama ang matandang babae.

"Sa nakita mo si Mr Velasquez  kinakausap si Mrs Monteverde?" Tanong ng Attorney.

"Opo nakita ko kung paano nagalit si Mr Velasquez  kinausap niya si Senorita Leonora." sagot naman nito. Napatingin nalang ako sa mag ama  ngayun ay walang bahid ng takot o pagsisisi sa kanilang ginawa.

"Your honor ito po ang mga ibidensya nagpapatunay  hindi succide ang ikinamatay ni Mrs Leonora Monteverde kung hindi ay pinatay ito." sambit ng attorney  pinakita  naman ito ng  judge  na  tinignan.

"Ang liham nayan ay galing kay Mrs Leonora Monteverde bago ito namatay. Alam niyang mamatay siya ng gabing yan kaya sinulat niya ang liham upang balaan ang kanyang asawa at anak sa maaaring gawin ni Mr Velasquez." sambit ng Attorney inilahad ang tamang detalye kung paano.

"Sa pagkamatay ni Mrs Leonora Monteverde ay pinunit ang gawa niyang liham. Kinuha naman iyon ni Mr Velasquez ang kalahati at ang isang kalahati naman ay nasa kamay ni Mrs Leonora Monteverde bago ito binawian ng buhay. At ang lalaking pumatay sa nasasakdal ay si Mr Velasquez." rinig ko sa loob ng korte.

"Objection you honor!!" Pagtayo ng prosecutor

"You may continue Attorney Xalvenge," usal ng judge  ikinatango naman ito ni attorney nagsimula sa  kanyang paglalahad.

"Sa kalahati na natagpuan sa kamay ng biktima ay tinago iyon ng kanyang anak. Ang isa naman ay nakuha ang kalahati, dahil kay Kimberly Frey  pinatay ng anak ni Mr Velasquez na naging nobyo ng dalawang taon." Tingin ni Attorney sa mag ama na ngayun ay pinagpawisan.

Series1# MY LAST MISSION Stories to obsess over. Discover now