ANGEL LOUISA NESS POV
Yakap na yakap ko siya hindi mapigilang hindi mapahagulgul ng iyak.
"Yan ang sinasabi kong plano." usal nito saamin kaya nag aalab ako. Galit ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Walang kang kasing sama! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa iniibig ko!" Sigaw ko sa kanya naglaho at napunta sa kanyang harapan.
Mabilis pa sa alas kwatro ay sinakal ko na ito at pinasandal sa pader habang sakal siya ng aking mga kamay.
"Buhay na pinatay mo kaya buhay rin ang kabayaran!"sigaw ko pa.. Napagtanto ko nalang may pumatak na butil na luha saaking pisnge.
"Ness! Tama na yan!" Pagsisigaw ni Yumi pumunta sa gawi ko, pero huli na ang lahat.
Sinunug ko na siya ng buhay at isa pa...isa na itong makasalanang abo.
Lumabas ang kaluluwa ng lalaki na ngayon ay masama akong tinitigan ngunit kinuha na iyon ng greenreeper at nawala sa harap ko.
"Pinatay mo siya?"usal ni Stormay hindi ko nalang pinansin at pumunta sa gawi ni boss wala ng buhay.
Agad naman tumulo ang luha kong makita ko siyang hindi na humihinga.
Bakit ganito? Ito naba ang katapusan ng aming pag iibigan?
Nakita kong lumabas si Veronica sa tarangkahan kung saan lumabas si boss kanina upang yakapin ako.. Napahagulgul ako ng iyak hawak ang walang buhay niyang katawan.
"Louisa tapos na ang mission mo," usal saakin ni Yumi na tinapik tapik ang aking likuran.
"Hindi Yumi! Hindi pa tapos! Sasabihin ko pa sa kanya mahal ko siya!" Iyak ko.
Ilang dekada akong nabuhay ngayon kolang naramdaman ang sakit ng mawalan ng mahal sa buhay lalong sa mahal ko pa.
"Hindi ko hahayaang ganito lamang ang kakahantungan niya," bigkas ko ikinahinto naman ni Yumi sa pagtapik saaking likuran.
"Maari pa siyang mabuhay, dahil ang kaluluwa niya ay hindi pa lumalabas," Rinig kong usal ni Stormay niyakap ako habang nakayakap naman ako sa katawan ni boss.
"Wag monang pilitin Louisa. Tadhana na ang nagsabi na haggang jan na talaga siya!" Habang ako walang pigil parin ang pagtulo ng aking luha.
Akalain niyo ang dyosa ng kaligayahan ay umiiyak sa isang ordinaryong tao sa kanya kolang naramdaman ang sumaya ng husto, maging malungkot,naiinis,nagagalit at higit sa lahat tinuruan niya akong magmahal, dahil sa boung buhay ko ay sinumpa ko ang magmahal.
"Kiel mahal din kita kaya hindi ako papayag ganito lang matatapos ang buhay mo." haplos ko sa kanyang mukha na walang humpay ang aking iyak.
"Ibibigay ko sayo ang iniingatan naming mga dyosa. Ayaw kong dito lang magwawakas ang buhay mo. nawala ka nang dahil saakin kaya susuklian kita."usal ko hinalikan ang kanyang noo.
"Nababaliw kana ba Louisa maaring hindi kana makakabalik ulit kong isusuko mo ang iyong walang buhay na kamatayan!" wika saakin ni Yumi.
"Mabubuhay ka bilang ordinaryong tao at mamamatay at higit sa lahat matinding kasalanan ito paparusahan ka habang buhay," usal pa ni Stormay hindi ko nalang pinansin.
"Ayaw kong mawala siya, walang silbi ang pagiging dyosa ko ako lamang ang dahilan ng kanyang kamatayan kaya handa kong ibigay sa kanya ang iniingatan kong pag aari." hikbi ko.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nilang dalawa tumingin saakin.
"Na saiyo ang pagpapasya kong bubuhayin mo siya, pero sa takdang araw ay tanggapin mo ang kaparusahan na igagawad sayo." narinig ko nalang kay Yumi niyakap ako ng mahigpit.
YOU ARE READING
Series1# MY LAST MISSION
De TodoThis is about a woman who has a unique mission in the world - to change the attitude and perspective of a man known as Ezekiel James Monteverde. The woman believes that if she can influence and instill change in Ezekiel's heart and mind, it may have...
