CHAPTER 1

116 6 0
                                        

ANGEL LOUISA NESS POV

Naalimpungatan ako nang may narinig akong ilang mga busina ng mga kakaibang tunog kaya agad akong napamulat sa aking mga mata.

Kakaibang sasakyan ito?
Hindi ko alam kung saang panahon na ako.

Ang alam ko lang ay kakaiba ang mga kapaligiran. Napapaligiran ako ng maraming kakaibang nilalang.

Beep!!! Beepp!!!!

"Miss, magpapakamatay ka ba?!" Inis na sigaw nito sa akin.
Nandito ako sa harap ng lalaking nakasakay sa isang nilalang, hindi ko alam kung ano ito.

"Sir, nasaan ba ako?" tanong ko sa kanya, palinga-linga sa kapaligiran. Sa huling misyon ko, hindi ko naabutan ang mga bagay na ito.

Bakit ba ganito? Ano bang nangyayari sa mundo?

"Pwede ba miss, umalis ka sa harap baka makapatay pa ako di oras sayo!!!" Rinig kong may tunog na nagmumula sa kakaibang nilalang na sinasakyan niya.

"Saan ako makakasakay ng kabesera?" tanong ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagbaba nito ng sasakyan na may inis na tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Miss, ano bang problema mo? Ang hinahanap mo ay wala dito. Bakit ka ba paharang-harang sa daanan?" Pagpapaalis niya sa akin.
Pilit niya naman akong hinihila sa gilid kaya napabuntong-hininga nalang akong tumingin sa kanya, ngayon ay nakatingin sa akin ng masama.

"What kind of clothes are those?" Rinig kong pandidiri nito sa suot ko.
Alam kong kasuotan ko ang sinasabi niya kasi nakatingin ito sa akin, kaya napatingin ako sa kanyang kasuotan na kakaiba kaysa sa akin.

Kailangan ko nang matapos ang misyon ko dito.

"Ano sabi mo?" Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya kaya rinig ko ang mga tunog na nagmumula sa kakaibang bagay. Sobrang sakit sa tenga ang ingay na iyon, para akong mamatay sa sakit...

'Ipaalis mo nga yung kotse mo! Nagmamadali kami'

'Paalisin mo nga yung kotse mo mister!'

'Umalis nga kayong dalawa sa harap!'

Rinig ko sa mga sigawan ng mga tao
kaya agad kong tinignan ang lalaki, ngayon ay pumasok sa kakaibang nilalang at naiwan akong nasa gilid ng kakaibang bagay na hindi ko alam. Nasaan na ba ako? Ano klaseng lugar ito?

Palakad-lakad ako habang nakatingin sa mga tumatakbo na kakaibang nilalang.

Bakit ba ako nandito? Hindi ko man lang alam kung nasaan ako?
Bathaluman, bakit nandito ako? Hindi mo man lang sinabi sa akin na nagbago na pala ang mundo ng mga tao!

"Saan ako paroroon ngayon? Kailangan ko pang hanapin ang sinasabi sa akin ng Bathaluman na iyon!" Inis na wika ko sa aking sarili na ngayon ay nakatingin sa mga ulap na parang uulan. Tiyak umiiyak na naman ang diyosa ng ulan ngayon!

"Wag ka munang uulan!!" Pagsisigaw ko sa kalangitan. Ayaw kong mabasa at higit sa lahat hindi ko rin magamit ang kapangyarihan ko ngayon, para bang pinaparusahan ako sa uri ng misyon na ito.

'Baliw ba yan!?'

'Bhe, nababaliw na ang babaeng yan!'

'Anong klaseng damit yan!? Parang sinaunang panahon pa ang damit niyan!'

"Bakit kayo nakatingin sa akin? May dumi ba ang aking mukha para tignan niyo ako?" Mahinhin kong usal sa mga nakatingin sa akin.
Napailing nalang sila na umalis sa akin, kakaiba nga ang kasuotan nila kaysa sa akin. Kailangan kong magpalit para hindi magmukhang kung ano sa kanila...

"Miss, saan ka ba nanggaling?" tanong ng babaeng hindi ko kilala kaya napangiti nalang akong tumingin sa kanya. Kita ko naman ang takot sa mukha nito.

"Sa langit. L" sagot ko sa tanong nito na siyang ikinahalakhak niya ng tawa sa akin. Kaya labis akong naguguluhan kung bakit siya natawa sa binigkas ko.

"Hahahahahahaha, baliw ka nga!" Tawa nito bago umalis, hindi pa ako tapos sa pakikipag-usap sa kanya.
Lapastangan ang lakas ng loob niya para umalis, hindi pa ako natatapos sa aking sasabihin.

Palakad-lakad nalang ako hanggang sa mapunta ako sa isang malalaking palasyo.
Ang daming palasyo? Nasaan ang mga Hari dito? Ang Reyna? Ang mga kawal? Saan sila nagbabantay? Ang daming mga alipin na nagkalat?

Oo, sa huling misyon ko noon ay hindi ganito ang nadatnan ko.
Kakaiba ang mga bagay? Ang laki ng mga palasyo? Ang Dami? Sobrang laki talaga! Hindi ko alam kung totoo ba ang aking nakikita na may ganito sa mundo?

Beeppp!!! Beep!!! Beep!!!!

"Wag ka ngang paharang-harang!!!! Tumingin ka sa mga kotse, baliw!!!" Rinig kong sigaw nito sa akin. Ikinaalis ko naman agad sa gitna, parang daan, kung ganon, ibig sabihin ng kakaibang nilalang na iyan ay isang 'kalesa'.

Beep!!! Beep!!! Beep!!! Beep!!!

"Hoy, ano ba!! Problema mo? Baliw ka!!" Sigaw na naririnig ko.
Hindi ko alam kung ano ang kanilang sinasabihang 'baliw'.
Ano ba ang ibig sabihin ng baliw?

"Mawalang galang---beep!! Beep!!" Gulat na napatalon ako na may tunog na naman akong narinig. Nagulat ako, may humawak sa akin na labis kong ikinagulat.

Kakaibang pananamit?

"Miss, nakakadisturbo ka na ng mga tao! Police ako! Sumama ka muna sa akin sa police station." Hawak nito sa kamay kong hinila.
Napakalapastangan niyang hawakan ako na wala ang aking sinasabi?

"Sino ka ba? Bitawan mo ako! Lapastangan kang hawakan ako! Alam mong ako ang diyosa ng kaligayahan," pilit na pagpapaalis ko sa kanyang kamay na nakahawak sa akin.

"Miss, police ako! Kaya inaaresto kita sa pagiging esturbo mo sa mga tao dito sa traffic light." Hila nito sa akin kaya wala sa oras akong napahila sa kanya.

'Police? Kakaibang pangalan?
Ano ba ang police?

_

"Sino ang pamilya mo?" tanong ng humila sa akin kanina.
Nandito ako sa kakaibang lugar, hindi ko alam, marami akong nakikitang mga taong nagpupumiglas o naglalaban, nakikipagdigmaan ang iba naman.

"Anong klaseng kagamitan iyan?" Tanong ko. May nakita kasi akong kakaibang kagamitan, hindi ko alam, para bang may pinapindot siya, hindi ko alam kung ano.

"Computer." Sagot nito sa akin, may pagtataka sa kanyang mukha kaya tumingin ako kung paano niya ginagawa.

"Kawili-wiling bagay," Pindot ko sa isa nang may pumigil sa akin at pinaupo ulit ako sa isang malambot na upuan pero umiikot ito, ehh kamangha-mangha talaga ito!!

"Tatanungin kita miss, sino ang magulang mo? Saan ka nakatira?" Tanong nito sa akin, kahit papaano ay may alam ako ng kaunti sa mga lingguwahe nila, ang iba ay hindi ko alam.

"Wala na akong magulang! Nanggaling ako sa langit, may misyon akong dapat gawin dito sa mundo ninyo!" Seryusong saad ko sa kanya.
Nakita ko naman ang pagtawa nito sa aking sinabi. Pinagtatawanan niya ang aking sinabi?

"Pinagtatawanan mo ang aking sinabi? Hindi mo ba alam kung sino ako?! Ako ang diyosa ng kaligayahan kaya itikom mo ang bibig mo!" Inis na bigkas ko sa kanya, kita ko naman ang pagsenyas niya sa kanyang kasama, ngayon ay palapit sa akin.

"Ikulong mo na yan!! Baka hahanapin yan ng mga kamag-anak niyang mga baliw!!" wika niya na nagdala sa akin dito. Pahila niya akong nilagay sa isang kakaibang kulungan, sobrang tigas, hindi ko man lang masira sa sobrang lakas ng bagay na ito.

"Palabasin niyo ako dito!! Mga lapastangan kayo?!" Pagsisigaw ko sa loob ng kulungan na ito. Pero hindi man lang nila ako pinansin, mga lapastangan talaga sila!

"Quiet!!" sigaw kong narinig kaya napatahimik ako, hindi ko alam kung anong salita ang lumabas sa kakaibang lalaking ito!

Napaupo nalang ako sa isang malamig na sahig habang nakatingin sa mga tao nagkulong sa akin ngayon. Parang wala silang pakialam sa akin.

Bakit ba nandito ako? Bakit pa kasi hindi gumagana ang mahika ko dito?

Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaninang tinitignan ko lang kanina sa labas, umiiyak na naman ang diyosa ng ulan dahil sa pag-ibig! Kawawang nilalang.

Sa aking paghihintay, may magbubukas sa akin ay napatigil na lamang ako. Sa aking palinga-linga ay nakita ko ang pamilyar na mukha. Nandun sa kakaibang bagay ang lalaking hinahanap ko ngayon.

"Mawalang galang na ginang, anong klaseng kagamitan ang iyan?" Turo ko na may nagsasalita, isa ring tao, pero ang liit niya.
Bakit nagkasya siya sa kakaibang kagamitan na iyan?

"Diyos ko ija, hindi mo alam yan?!" gulat na kita ko sa mukha nito, siyang ikinailing ko, dahil nga hindi ko alam ang kagamitan na iyan.

Ngayon lang ako nakarating sa kakaibang panahon?

"Isa yang telebisyon ija. Kung saan nakikita natin ang mga balita." Sagot nito sa aking katanungan. Balita? Anong balita?

"Anong balita ba ginang?" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin at pailing tumingin sa akin para bang nadismaya sa tanong ko sa kanya.

"Jhon Monteverde ay pumanaw na. Isang sikat na negosyante sa buong mundo, kaya sabi ng lahat ang papalit sa kanya ay kundi ang kanyang anak na si Ezikiel James Monteverde, tagapagmana ng kompanya." Rinig ko sa telebisyon, sinasabi nila. Oo, siya yung lalaking kailangan kong baguhin?

"Siya yung lalaki, para matapos ang misyon ko!" Pagtuturo ko.

Ikaw yun? Saan kita makikita? Kailangan ko nang tapusin ang misyon ko dito sa lupa?!

"Kailangan ko nang makaalis dito!!" Wika ko sa aking isip, ngayon ay nakatingin sa aking sarili kung paano? Walang tutulong sa akin dito?

Kailangan kitang makita ngayon!!!

"Hoy, police na sinasabi mo!! Palabasin mo na ako!! Uuwi mo na ako sa amin!!" Pagsisigaw ko sa kanya. Nakita ko naman ang pag-iling nito sa akin saka pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

"Bathaluman, palabasin mo naman ako dito kahit ngayon lang." Isip ko. Sana naman ay marinig niya ang aking hiling, wala talagang tutulong sa akin.
Pagkatapos ng misyon na ito ay makakahinga na rin ako ng maluwag.

"Bathaluman, tulungan mo ako dito!!" Pagmamakaawa, hiling ko sa kanya.

Sana naman, Bathaluman, tulungan mo akong makaalis dito. Nahanap ko na ang hinahanap ko!!

Maawa ka!!

Series1# MY LAST MISSION Stories to obsess over. Discover now