CHAPTER 2

71 5 0
                                        

THIRD PERSON POV

Ilang araw nang nakakulong ang diyosa ng kaligayahan. Padabog itong napatingin sa kalangitan na tila walang balak tulungan ng mga pulis na tinatawag niya para palayain siya.

"Baliw! Malaya ka na!" Pagpapagising nito sa isang kasamahang pulis. Ikinatayo naman iyon ng diyosa ng kaligayahan, hindi alam kung ano ang 'baliw'.

"Makakalaya na ba ako, ginoo?" Masayang tayo nito, ngayon ay binuksan ang pintoan ng kulungan. Napangiti nalang ito ng malawak.

"Salamat, ginoo." Pasasalamat ng dalaga. Masaya itong lumabas kaya napairap nalang ang lalaking pulis na sinundan lang iyon ng dalaga.

"Maari ba akong magtanong kung sino ang nagpala--Ako!" Tingin ng dalagita, biglang pumutol sa kanyang pagtatanong sa mamang pulis.

"Ikaw?" Gulat na tanong nito. Nakatingin ito ngayon sa diyosa ng kidlat. Bakit siya nandito?

"Yes, friend," di maintindihan na wika ng dalaga.

"Anong ibig sabihin ng 'Yes friend's?" Tanong nito sa kaibigan, ngayon ay nagkamot batok.

"Paumanhin, Louisa, pero ngayon ko rin yan narinig. Sinubukan ko lang baka alam mo?" Sagot ng kaibigan sa babaeng ngayon ay nagtitimpi.

"Umalis na nga kayong dalawa dito!! Dagdag pa kayo sa problema namin." Inis na sambit ng mamang pulis sa dalawa, ngayon ay lumabas sa lungga.

"Pinapunta ka dito ni Bathaluman para iligtas ako?" Tanong ng dalaga sa kanyang kaibigan. Ikinatango naman niya ito.

"Magbibigay na nga lang ng tulong para sa akin, ito pa, ngayon lang nakakapunta sa mundong ito." Pamparinig ng dalaga sa kaibigan nito, ngayon ay masamang nakatingin sa kanya.

"Nakakasakit ka naman ng damdamin sa akin," kunwari nasaktan, wika ng kaibigan nito.

"Saan tayo paparoon ngayon?" Tanong ng dalaga sa kanyang kaibigan, ngayon ay nagkibit balikat lang ito.
Kaya palakad-lakad nalang silang dalawa na kung saan.


ANGEL LOUISA NESS POV


Masakit ang paa ko kakalakad-lakad. Hindi ko alam kung bakit ang init ng mga paa ko? May nakikita pa akong maraming mga palasyo, kahit ako mahihilo kung saang henerasyon na kami.

"Ang init na ng paa ko," wika ko kay Stormay, ngayon ay nakatingin sa aking mga paa.

"Ikaw lang ba! Tignan mo nga yung akin, pulang-pula na," wika niya rin sa akin at totoo nga, pulang-pula rin iyon sa kanya. Kailangan namin ngayon ng tulong ng iba...

"Mawalang galang na, pwede bang magtanong?" Tanong ko sa babaeng ngayon ay nasa harapan namin.

"Hindi pwede!!!" Sagot nito bago umalis.
Napaupo nalang ako kung saan may bakanteng upuan. Tumabi naman sa akin si Stormay.

"Anong gagawin natin ngayon? Wala akong kaalam-alam sa bagong henerasyon ng mundong ito!" Pagsasalita ko na ikinabuntong-hininga naming pareho.
May narinig naman kaming sumigaw.

"Magnanakaw!!! Magnanakaw!!!" Sigaw ng babae, pupunta sa kinaroroonan namin, pero hindi na namin iyon pinansin.

Itinapon ni Stormay ang isang malaking bato malapit sa upuan kaya hindi sinasadya nahulugan ang lalaking tumatakbo ngayon.
Gulat kaming napatingin sa lalaking nasa harapan namin na may dalang kakaibang kagamitan kaya tinignan lang namin ito.

"Paumanhin, hindi ko sinasadya!! Nasaktan ka ba?" Pag-aalala na wika ni Stormay, tinapunan niya ng bato.

"Ba--liw." At nawalan ito ng malay sa harapan namin, laking gulat nalang namin na yung sumisigaw na babae ay ngayon ay pinaghahampas ang lalaking binatuhan ni Stormay.

"Walang hiya kang magnanakaw ka!!!" Paghampas nito.
Tinitignan lang namin sila na ngayon sinasaktan ang lalaki. Matapang na nilalang!

"Salamat sa inyong dalawa," pasasalamat nito sa amin, ngayon ay nakatingin sa amin. At dumating naman ang mga pulis kung saan doon ako nakakulong kanina.

"Hulihin niyo ang lalaking yan!!" Sigaw nito sa mga pulis. Oo, naalala ko ang mga kasuotan ng mga pulis, tinatawag nila iyon sa mundo ng mga tao.

"Sige po, ma'am." Rinig kong sagot nito. Hindi ko naman alam kung ano ang sinasabi nila kaya napatingin kami sa babae na ngayon ay nakatingin sa aming dalawa, nakangiti, kaya ngumiti rin kami.

"Salamat sa pagtulong sa akin na mahuli ang magnanakaw na iyon! Salamat ulit, sabihin niyo sa akin kung ano maitutulong ko sa inyo para matulungan ko kayo kahit papano." Pagsasalita nito, naiintindihan ko naman ng kaunti.

"Pagkain!" Sabay naming sabi ni Stormay. Tiyak naman akong mabait siya at masiyahin din siyang tao, katulad ko. Nararamdaman ko iyon, dahil nga ako ang diyosa ng kaligayahan.

"Nagugutom kayo?" Tanong nito sa amin, naiintindihan ko naman.
Ang hindi ko lang alam kung bakit ang daming salita lumalabas sa bibig nila, hindi ko naman maintindihan.

"Maari niyo ba kaming pakainin, at talagang pagod na kami sa aming paglalakbay." Pangungumbinsi namin sa binibini. Ikinangiti niya lang naman na tumingin sa aming dalawa.

"Oh siya, sumama kayo sa aking tahanan para maipagluto ko kayo." Sagot nito na ikinasaya ng buong katawan namin. Ilang araw na akong walang kain, hindi pa naman ako nagugutom sa kalangitan.

"Talaga po ba, binibini?!" Masayang pagtayo naming dalawa, ngayon ay may ngiti sa aming labi. Nakita naman namin ang pagtango nito.

"Oo! Sasakay nalang tayo ng taxi para mapabilis ang pagpunta natin sa bahay ko." Wika nito sa amin. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Stormay na 'taxi' daw. Ano yun?

"Para!!! Para!!!" Tawag nito sa kakaibang nilalang, nakikita ko, dumadaan sa daanan na ito.

"Tara!" Wika nito sa amin. Sumakay sa kakaibang nilalang na ito. Hindi ba tayo kakainin niyan kapag papasok tayo?

"Pumasok na kayo," wika ng babae na ikinatailing namin kaya bumaba ito ulit.

"Hindi ba mangangain ang kakaibang nilalang na iyan?" Tanong ni Stormay sa babae, ikinangiti niya naman ito sa amin.

"Mukhang ngayon lang kayo nakasakay sa taxi, ah," sagot lamang nito sa amin. Tumango naman kami pareho.

"Sasakay ba kayong dalawa o hindi?!" Inis na bigkas ng driver sa amin.

"Wag naman masyadong mainitin ang ulo, manong driver, remember kasama ko sila!" Sabi ng babae, hindi namin maintindihan ang iba.

"Sakay na kayo para makakain na kayo, alam kong malayo ang nilakbay niyo." Wika ng babae, ngayon ay nakangiti, nakatingin sa amin. Pumasok nalang kami sa kakaibang nilalang kahit na kinakabahan.

Pagpasok namin sa loob ay umupo kami, ang lamig sa loob at saka ang lambot ng pagkakaupo namin.

"Hali ka na, manong!" Rinig kong wika ng babae. Palagay ko may kaedaran na rin ito, hindi ko alam kung ilang taon na ito.
Nagulat kami ng biglang may gumalaw na kinauupuan namin.

"Lindol ba ito?" Tanong ko sa dalawa. Tumingin naman sa akin ng babae, ngayon ay nakatawa.

"Hindi!! Nagpapatakbo lang si manong upang makarating sa pupuntahan natin." Sagot ng babaeng ikinatango ko nalang, iniwas ang kabang nararamdaman ko.

"Pero ang ganda sumakay sa nilalang na ito." Rinig kong sambit ni Stormay, ngayon ay nakangiti, hinahawakan ang kanyang kinauupuan.

"Hindi nilalang ito. Taxi ito at pwede na rin na tawagin na kotse. Ano ito, halimaw? Ano bang alam niyo? Para naman kayo taga ibang mundo kung makapagsalita, hindi alam at bakit ba kakaiba ang mga pananalita niyo, masyadong slang." Rinig kong mga salita ng driver, pero nakatoun parin ang tingin sa daan.
Marami akong nakikita na tinatawag nilang kotse.

"Manong, masyadong mainit ang ulo niyo sa dalawa kong kasama, ncalm down lang po kayo." Ngiti ng dalaga.

Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga nito bago hindi na nagsalita.
Palinga-linga nalang ako sa kapaligiran, dahil may nakikita akong matatayug na palasyo.

Ang Dami!
Marami na talagang pinagkaiba ng mundo.

_

Napahinto ang sinasabi nilang taxi sa isang malaking palasyo din, pero hindi kasing laki ayun sa nakikita ko kanina.

"Bumaba na kayong dalawa!" Rinig na sigaw nito sa amin.
Hindi man pala namin namalayan na nakalabas na pala yung babae.

Lumabas kami sa taxi at nahirapan pang buksan ang pintoan kung saan kami dumaan kanina.
Mabuti nalang mapagpasensya talaga si manong at binuksan niya lang ito.

"Salamat po." Magalang naming sambit. Hindi naman niya pinansin, may kinuha sa babae, hindi namin alam kung ano.

"Pasok tayo sa bahay ko," Pagpapatuloy nito sa amin, siyang ikinatango nalang namin, sumunod sa kanya. Hindi naman kalakihan ang palasyo niya. Nakikita ko ay simple lang ito sa mga nakita ko kanina.

"Stormay, bakit hindi ka pa bumabalik?" Tanong ko, pero mahina lang ito para hindi marinig ng babae na may kung anong ginagawa.

"Kung laya ko sana e, pero wala talaga. Hindi ko alam kung bakit? May misyon ba akong dapat gawin?" Tanong nito sa akin, ikinabit balikat ko nalang, wala akong alam kung bakit siya pa ang pinapunta ni Bathaluman para tulungan ako, e wala naman siyang natutulong sa akin.

"Pasok kayo!!" Pagpasok namin sa bahay nito. Bumungad sa amin ang kakaibang kagamitan kaya namangha nalang kami, nakatingin.

"Feel it home." Wika nito sa akin, siyang ikinatingin namin sa kanya, hindi alam kung ano ang binigkas niya.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko nito, hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi nila minsan.

"Alam niyo! Isa din akong kagaya niyo, kaso ngalang, mas pinili ko ang manirahan dito, malayo sa gulo," sa sinabi ng babae ay nagulat kami, siya? Ay kabilang sa amin, bakit? Bakit hindi namin iyon naramdaman?

"Anong ibig mong sabihin? Hindi ka namin maintindihan?" Takang tanong ni Stormay. May kinuha naman itong isang aklat at ibinigay sa amin ni Stormay.

"Ano gagawin namin dito?" Tingin ko sa kanya, nagtataka. Inabot naman namin saka tinignan ang nakasulat, pero hindi ko maintindihan ang iba.

"Isa yang diksyunaryo, lahat ng gusto niyong matutunan ay nandyan lahat." Sagot nito sa aking tinatanong, kahit nagtataka ay tumango nalang kami, tinignan ito.

"Ako si Yumi, dati rin akong diyosa, pero kalaunan ay umalis sa mundo ng diyos at diyosa," sa sinabi niya ay naintindihan ko ang ibig niyang sabihin sa amin.

"Hindi na ito ang henerasyon tulad ng dati. Marami nang pinagbago. Mga ilang dekada na nga ako nabubuhay dito kaya nasanay na ako sa mga ugali ng mga tao at isa pa, sanay na ako sa kanilang pananalita. Sa panahon ngayon, hindi uso ang lalim na pananalita kaya nga dapat natutunan niyo ito bago kayo pumunta dito para hindi kayo magmukhang katawa-tawa sa mapag-insultong mga tao." Mahabang salaysay nito sa amin, ikinaganga nalang namin.

"Wait! Did you understand? Ohh, I forgot, hindi niyo pa pala naiintindihan." Tampal nito sa kanyang noo na ngayon ay nakatingin sa libro na hawak naming dalawa ni Stormay.

"Madali lang naman yan maintindihan kapag gamitan niyo nalang ng kapangyarihan. Kung hindi naman... parang matatalino naman kayo kaya madali niyo lang ma-memories ang lahat ng yan." Ang iba ay naiintindihan ko. Ang iba naman ay hindi.

Ganito ba siya kadaldal sa mga diyosa na nakakasalamuha niya?

"Maupo muna kayo at ipaghahanda ko kayo ng pagkain." Sambit nito sa amin. Tumango nalang kami at tumingin sa isang aklat, sobrang kapal.

"Anong ginawa mo?" Takang tanong ko kay Stormay ng ipatong niya ang libro sa ulo nito.
Napatingin nalang ako sa kanyang ginagawa.

"Marami na talagang pinagbago ng mundo, Ness, kasi ang daming salitang pumapasok sa utak ko na ngayon ay binibigyan ng kahulugan." Pikit na sagot ni Stormay sa ginagawa niya ngayon.

"Gumamit ka nang kapangyarihan?" Tanong ko nitong ikinatango niya lang naman kaya napailing nalang ako at binasa ang aklat na nakasulat. Hindi sa aking pagmamayabang, ay matalino talaga ako, madali kong maintindihan ang aking binabasa.

"Yes, bestie, you know what? I know to speak English now? Kaya pala kakaiba pala minsan ang binibigkas ni Yumi dahil English iyon." Hambog na wika nito sa akin, ngayon ay kinuha ang aklat, pinatong sa ulo nito.

"I'm done, and you?" Anong bang sinasabi niya? Hindi ko maintindihan?

"Gawin mo nalang ang ginawa ko! Para naman madali lang! Kaysa babasahin mo lang yan, aabutin ka pa ng ilang oras diyan!" Diin na wika nito sa akin.

"Ito nga dapat ang sasabihin ko, hindi ko magamit ang kapangyarihan ko kaya nagbabasa ako," mahinhin na saad ko, ikinagulat niya naman.

"What?!! Seriously, kinuha talaga ni Bathaluman ang powers mo?" Oo, alam kong alam niya ang salita dito sa mga tao ngayon, pero maawa naman siya sa akin, hindi makaintindi.

"Ano ka ba, Stormay! Ayusin mo nga yung pananalita mo, hindi ko maintindihan ang ilan." Lalim na sabi ko sa kanya na siyang ikinatango naman niya.

"Babasahin mo lang yang aklat na iyan?" Tanong nito sa akin na ikinatango ko, wala akong mapagpipilian pa, hindi gumagana ang mahika ko kahit kanino.

"Wala akong magagawa." Sa sagot ko nalang, itinuon ang pagbabasa, pero hindi ko alam basahin ang iba, nagpapaturo ako kay Stormay, ang hirap nilang bigkasin, pero makakaya ko rin ito.

Series1# MY LAST MISSION Stories to obsess over. Discover now