CHAPTER 5

192 2 0
                                    

CHAPTER 5

MAY NAKITA akong maliit na pintoan na sigurado akong papalabas 'yon pero feeling ko sa gubat ito papunta pero wala akong pake hasta makalabas ako dito at makaalis.

Dali dali ko itong binuksan at Tumakbo sa gitna ng gubat kahit lubak lubak ang lupa, Ang daming matutulis na dahon kaya ramdam ramdam ko sa may bandang legs ko ang mga sugat.

Naiwan ko 'yong isang kong tsenilas kaya iniwan ko rin ang pares nito. Aanhin ko yung isa?. Mag iisang oras na akong tumatakbo pero wala akong nakikitang kalsada.

"Putangina naman oh! ang malas ko!" May naapakan kasi akong matulis. Tinignan ko ang aking talampakan napangiwi ako kasi nag dudugo ito at Ang laki ng hiwa, mga two to three inches ang laki ng hiwa.

Humahapdi ang talampakan ko
sa tuwing inilalakad ko ito. Napag desisyonan kong umupo muna sa isang malaking puno para mag paghinga. Siguro naman napalayo na ako.

Pagka upo ko, Doon ko lang na realize na nakakatakot ang gubat, gagi Ang bobo ko. Takot ako sa multo.

Biglang kumolog at nag bigay kilabot sa buo kong katawan. Naiiyak na ako dahil sa takot. Hindi ako takot sa kulog pero takot ako sa multo, ganitong ganito kasi yung napapanood ko sa tv. Madilim tapos kumukolog. Napayakap ako sa sariling Kong katawan at umiyak ng Umiyak. Sana Hindi nalang ako tumakas o kaya ipinag bukas ko nalang ang pag takas.

Hindi ko namalayan na mag iisang oras na pala ako dito sa gubat at lumalalim narin ang Gabi. until now humahapdi ang talampakan ko.

"AZIENTHIA WHERE ARE YOU!" Napakurap ako dahil sa isang boses. Boses 'yon ni Arkon. Gusto ko siya puntahan kaso natatakot ako at masakit parin paa ko dahil sa sugat ko sa talampakan ko. Kumukulog parin until now.

"AZIENTHIA PLEASE!..." sigaw muli ni Arkon pero walang lumalabas na boses saakin,  Kahit gustong gusto ko mag salita.

"FVCK LOVE... WHERE ARE YOU! I'M SCARED!"

May naramdaman akong kaluskus sa may bandang gilid ko kaya mas lalong nag sumiksik ako sa puno dahil sa takot na baka multo ito.

"ma'am nandito kalang pala. Kanina kapa namin hinahanap" imbis na matakot kasi nahanap ako at Hindi na ako makakatakas mas Umiyak ako. dahil sa saya kasi may nakakita sa'kin.

"SIR NANDITO PO SI MA'AM" Sigaw ng isang maid.

Yumoko ulit ako at humagulgul sa saya. Iwan ko pero ako naman 'yong may kasalanan kung bakit ako nandito sa ganitong sitwasyon eh. Kung Hindi lang ako umalis baka nandon ako sa kwarto natutulog. Nakarinig ako ng mga yapak papunta sa gawi namin.

"Fuck! Azienthia... Ano ang pumasok sa isip mo at tumakas ka?" Galit na turan ni Arkon.

Nakita ko si Arkon naka tayo sa harap ko. May hawak siyang Isang flashlight. Natagpuan ko nalang ang aking sarili na nakayakap sakan'ya. Hindi ko iniinda ang sakit sa paa ko.

"Fuck Azienthia. Why did you do that? Please don't do it again.. I'm scared." Hindi ko siya sinagot bagkus mas Umiyak lang ako sa kan'yang bisig. Niyakap niya ako pabalik.

"Shh.. it's okay, it's okay. Bumalik na tayo sa bahay" marahan niyang sabi. Inalis niya pagkakayakap ko sakaniya at hinawakan kamay ko at Mag lalakad sana siya kaso yumakap ako sakan'yang braso at umiling iling.

"Ayaw!" sabi ko. Kumonot kilay niya habang naka tingin saakin.

"Bakit? Hmmm" Tanong niya pero hindi ko siya sinagot pero ipinakita ko talampakan ko sakan'ya, rason kung bakit ayaw ko mag lakad.

Nag mura siya ng malutong dahil sa nakita. "Putangina!"

Inalis ko pag ka kapit ko sa braso niya. Kusang pumalibot mga braso ko sa kan'yang leeg.

"Karga mo ako." parang bata Kong Sabi. He chuckled. Wala akong maramdamang hiya sa inaakto ko basta ang nasa isip ko ay maka alis dito.

Hinahawakan niya bewang ko at kinarga, kusa naman pumalibot mga hita ko sa bewang niya. Isinusubsob ko ang mukha ko sa leeg niya. I find it so comportable. Kumulog ulit ng napaka lakas kaya Mas humigpit kapit ko sa leeg niya at mas Isinusubsob mukha ko dahil narin sa ginaw at kulog na nag bibigay kilabot saakin. Hinalikan niya gilid Ng ulo ko. Tumigil narin ako Umiyak dahil sa kan'yang mainit na yakap.

Naunang mag lakad 'yong mga maid kasama 'yong mga bodyguard ni Arkon. Pagka dating namin sa bahay dumiritso siya sa kwarto ko at ibinaba sa gilid ng kama.

"Luningning kunin mo ang first aid kit" utos niya.

"Opo, sir"magalang na ani ni luningning

Pinagmasdan ko ang kan'yang mukha. Grabe napaka gwapo niya para maging kidnaper ko. Umuulan narin sa labas. Nakatitig siya sa sugat ko na parang pinapatay ito. Umigting ang kan'yang panga dahil ata sa inis or galit.

Dumating si luningning na dala dala ang first aid kit at ibinigay ito Kay Arkon. Agad lumabas si Luningning kaya kaming dalawa na lamang ni Arkon ang nasa kwarto. Sinimulan niya gamutin ang sugat ko. Wala ni isa saamin sng nag sasalita. Nabihingi ako sa katahimikan. Napapanis na ata laway ko. Pagkatapos niya gamutin sugat ko, tumayo siya at pumunta sa isang closet at kumuha ng damit pang pababae.

"Bakit may mga damit pangbabae dito? May Iba kapa Bang dinokot maliban saakin? Tarantado ka ah" Basag ko sa katahimikan

"Tsk. It's yours at wala ako ibang dinukot na babae maliban sayo."

"Ayy loyal si gago" pang aasar ko

"Paanong saakin? Wala naman akong natatandaan na may gan'yan akong damit" nagtatakang kong tanong hindi niya pinansin tanong ko. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang laylayan ng damit ko para humabaran ako.

"Hoy Anong ginagawa mo? Hindi karin pala kidnaper, manyakis Karin!" I feel so comfortable with him. I'm so marupok Naman, parang kailan Lang takot na takot ako sakan'ya dahil sa nalaman Ko tapos Ngayon nagagawa Ko pang asarin siya.

"Tsk! Papalitan kita ng damit"

"Punyeta!, kaya ko mag palit gago!"

Naiinis kong sabi. Gago ba siya? Hindi naman ako baldado

"Watch your mouth, Woman!"
Inagaw ko sakanya Ang damit

"Tumalikod ka. Mag bibihis ako" sinunod niya ang sinabi ko.

"Tapos na"

Humarap siya saakin. Lumapit siya saakin at marahan niyang hinawakan ang braso ko at marahan niya akong tinignan sa mata. Napaka lungkot ng paraan ng pagtingin niya sa mga mata ko To the point na pati ako nalulungkot.

"Please Love wag mong gagawin ulit 'yo, wag mo akong Iwan.. I can't afford to lose you, please..." nag susumamong Sabi niya sabay yakap saakin Kaya napayakap Rin ako sa bewang niya. Rinig na rinig ko Ang lakas ng tibok ng puso niya.

Masyado siya matangkad kaya 'yong tenga ko naka tapat sa dibdib niya. Wala sa sariling napa oo ako kaya mas Lalo niya hinigpitan ang yakap niya saakin at hinalikan ang gilid ng ulo ko. Hinigpitan ko rin ang yakap ko sakanya. I'm so comfortable With him, ang paraan ng pag-yakap niya sa'kin napaka comfortable at parang walang makakapanakit saakin. Mainit Ang kan'yang katawan na nagbibigay ng kapayapayan sa buo kong katawan na hindi ko naramdaman sa buong Buhay Ko.

_____

WARNING:
-Red flag and toxic characters
-cliché, predictable, Cringe and ordinary stories  (nothing special)
-problematic and disturbing plot
-have no life lessons
-Messy narration and writing style
-Typos, errors, and plot holes
everywhere
-No Character Development ( Dependi)
-Not worth reading
-Grammatical Error

OBSESSED WITH MEWhere stories live. Discover now