CHAPTER 43

101 2 0
                                    

CHAPTER 43

Tuluyan akong napahagulgol nang marinig ko ang pag hikbi niya at yumakap sa hita ko.

"I'm sorry... I'm sorry for not
being there when you needed me the most. I'm sorry for leaving you and our child, fuck business!. Alam kong hindi mo 'ko mapapatawad pero... hayaan mo naman akong makabawi sa inyo...kahit..kahit sa anak lang natin, wife. Hayaan mo 'kong maging ama sa kanila." Nag mamakaawa niyang sabi.

Gaya ng inaasahan ko nalamam niya agad ang tungkol sa mga bata. Mas napa hikbi ako. Hinawakan ko ang braso niyang naka yakap sa hita ko. Pilit ko siyang pinapatayo pero puro iling lang ang ginagawa niya kaya lumuhod din ako para maging kapantay siya. Hinawakan ko ang mag kabilang pisnge niya.

" I-im s-sorry..."  Paghingi ko ng paumanhin. Umiling siya saakin.

"No, love. Kasalanan ko. It's not your fault..." Nang marinig ko ang kanyang itinuran ay hindi ko napigilan ang sariling mayakap siya ng mahigpit. Isinusubsob ko ang mukha ko sa leeg niya.

Pagka tapos ng mahabang iyakan sa coffee shop ay napag desisyonan rin namin umupo. Walang nag sasalita saming dalawa pero si Arkon ay nakayapos ang braso nito sa bewang ko ng mahigpit habang nakasubsub ang mukha sa leeg ko.

"A-arkon..."

"Hmm.." mas humigpit ang pagkakayapos niya sa'kin. Hindi ko alam kung pa'no Sasabihin sakan'ya na gusto ko na umuwi sa bahay. Baka hinahanap na ako ng mga bata.   Inalis niya ang pagkakasubsub sa leeg ko. Tinitigan niya ako.

"Wife, if you don't m-mind..." bumuntong-hininga siya na parang nahihirapan o nag dadalawang isip siya sa kanyang Sasabihin.

"Arkon, don't hesitate. Tell me what's on your mind" sabi ko.

"Can i meet our Kids?" Ngumiti ako sakanya.

"Of course, but not today. I Will ask the triplets first." Nanlaki ang mata niya sa narinig.

"T-triplets? I thought its a  twin?"

"Yeah! Twins but triplets"

"Fuck!" He chuckled. Hinalikan niya ang pisnge ko at hinalik-halikan ang gilid ng ulo ko bago ako Hinagkan.

"Thank you for bringing them. It must be tough to rise a three kids... I'm sorry for not being there, wife." Kung alam mo lang kung gaano kahirap alagaan ang mga bata.

Pagkatapos namin mag usap ay hinatid niya ako sa bahay. Ipinakita ko sakanya ang mga pictures ng tatlo at ikin-wento ko rin ang kanilang pagiging pasaway. Tawa lang siya tawa habang nakikinig tungkol sa mga bata. He smile genuinely.

Nang dumating kami sa bahay ay gustong gusto niya ma-meet ang mga bata but he respect my decision. He will meet them next week according to our plan.

Pinapapasok muna niya ako sa loob ng bahay bago niya pina-andar ang kotse niya paalis. Pagka bukas ko ng main door ay nabungaran ko sila Nanay na papasok sa kusena habang ang mag nobyo at nobya ay paakyat sa itaas ng bahay at Ang tatlong bata ay naka upo sofa. Naka cross arm ang tatlong bata at naka kunot ang kanilang mga kilay na naka tingin saakin. 

" Mama ko, sino iyong lalaking naka sakay sa broom broom?" Tanong ng panganay ko.

"He looks like me!" Naka kunot ang kilay ng bunso ko habang nag sasalita. And pangalawang panganay ko ay naka cross arm parin habang matiim na naka titig saakin. Nakikita ko sakanya ang ama niya, ganyan rin tumingin si Arkon kapag may ginawa akong hindi niya gusto.

I think this is the right time na sabihin sakanila ang tungkol sa ama nila. Nag lakad ako sa harapan ng sofa na kina-kaupuan nila para umupo.

"Mga anak, do you want to meet your father?" Mahumanhin Kong tanong.

OBSESSED WITH MEWhere stories live. Discover now