Melodies of the rain.
"Nakaka inis, saan ko kaya nailagay iyon?" Sinilip ko sa ilalim ng mga unan at kumot sa kama, pero walang wallet ang nag pakita.Kahit sa bag ay ichineck ko na rin, nang tumunog ang cellphone ko at pangalan ni miguel ang naka paskil sa lockscreen ko, kaya't binuksan ko ito nang makitang may Message pala mula rito.
[Good morning, are you free today? Let's meet, I'll give you something.]
[Ha? Bakit? Ano?] Sunod sunod na reply ko rito.
[Basta, Let's meet at Coffitherapy the cafe na malapit sa school natin, 2:00 PM. See you ;)]
Baka naman importante, sa bagay Wala rin naman akong gagawin dito sa bahay, pero kasi nawa-wala yung wallet at id ko. Siguro ay uutang nalang muna ako kay mama kahit isang daang piso pamasahe pa punta sa nasabing lugar.
"Isang daan lang? Bakit?" saad ni mama nang mang hingi ako rito, "Mama ba bayaran ko rin, na wawala kasi wallet ko. May pupuntahan lang po ako" bumunot ito ng buong papel na limang daan, at ini-abot ito sa akin. "Mama, isang daan lang— "Huwag mo nang bayaran, ayos lang. Umalis ka na, baka mamaya ay ma late ka sa pu-puntahan mo." Hindi na ako naka imik pa ng samahan ako nito palabas ng bahay.
"Mag ingat ka" paalam nito, at tanging tango lang ang naisukli ko rito.
Kaya ko hinahanap kasi sayang naman kasi talaga e nandun yung pang isang linggo kong allowance patay ako nito... Yung id ko kailangan na kailangan talaga dahil hindi ako papapasukin ng guard dito sa school namin nakaka-irita talaga ang tanga-tanga ko
Kasabay ng pag andar ng jeep ang pag lipad ng isip ko, ka ka-isip kung saan ko ba na ilagay ang Wallet at School id ko.
Sakto naman ako nitong ibinaba sa harap ng Sikat na café rito, ang Coffitherapy, nang makababa ay kita ko na ka agad ang repleksyon ng salamin sa pigura ng lalaking nakaupo sa lamesang may pang dalawang tao at nag a-antay.
Hindi ako nito na pansin dahil busy ito kaka dut-dot sa cellphone, nang pumasok ako. At hindi sinasadyang may makabangaan na naka-kuha ng atensyon ng lahat. "Hala! Sorry po!" Pinulot ko ang nag kalat na papel at ibinalik ito sakaniya, "Ayos lang, ano ka ba." He smiles.
Nang tumingin ako sa table kung na saan si miguel ay nakita kong naka ngiti ito, at iwina-wasiwas ang Pulang wallet ko at id ko sa kamay nito.
"Saan mo nakita yang wallet at id ko?" Tanong ko rito nang makaupo ako, "Naiwan mo kaya." He pouted, "Hoy tanga, huwag mo akong ngusuan. ninakaw mo to no!" Hinablot ko ang wallet ko at tinignan ang laman, ngunit wala namang nawala.
"As if namang na-nakawin ko 'yan, eh may pera naman ako, anong gagaiwn ko riyan. isa pa pasalamat ka at binalik ko" he rolled his eye, Nag taray pa talaga.
Itinaas ko ang kamay ko para makita ng waiter na ready na kamu um-order, "Cafe Americano please hot." Iksi kong saad, "One Caramel machiatto, Venti, cold." Singit ni miguel, ngayon lang ako naka kita ng lalaking mahilig sa sweets ah.
"Hindi ka nila i-sinama?" Pag basag ni miguel sa katahimikan, "Nila?" Kunot-noo kong usisa rito, "Your friends, mag kasama silang dalawa. Kanina they look so happy together, bakit hindi ka sumama?" Paliwanag nito.
Hindi ko alam ang itinutukoy nito, pero kapag ga-gala kami ng mga kaibigan ko ay palaging kumpleto, how come na hindi nila ako isa-sama, baka mamaya ay sini-siraan lang ni miguel sina sora at andrea.
I gently laughed with disbelief "hindi kami guma-gala kapag hindi kami kumpletong tatlo." He glanced at me, "nevermind, hayaan mo na. Baka naman nakalimutan lang nila ako ayain or what." dumating na ang order at una ko itong kinuha.

BINABASA MO ANG
Melodies Of The Rain
Teen FictionElaisha Chandria Barcelona pangalan ng babaeng tatangkilikin ng lahat. Kapalaran ang kaniyang kalaban, tao ang may dahilan, sa gitna ng ulan na kaniyang kinakausap at sinasayawan, patuloy pa rin siyang lalaban. Babangon at patuloy na tatakbo, para...