Melodies of the rain
Hindi ko na malayan ang oras, alas nueve na ng gabi, Nito ko lang na pansin na naka uniform pa din ako galing school, "Kakain na elaisha, halina't bumaba ka na" kumatok si lola para tawagin ako pababa. Nang marinig ay dali-dali nang nag palit ng damit at dumiretso paibaba.
Hindi pa nakaka baba ay narinig ako ang pag uusap nina lola at nanay, "Buti na man at hindi ka napano roon, Ang laki ng sugat mo oh" boses ni lola habang kinakausap si mama "Hindi naman, Pero masama talaga ugali ng mga tao at estudyante sa school na pinag lilinisan ko, ti-tiisin ko nalang lalo na't mahirap makahanap ng kapalit na trabaho. Isa pa huling taon na ni Elai sa pagiging Highschool, kolehiyo na siya sa susunod." Paliwanag ni mama.
"Hali na at kakain na, juskong bata ka hindi ka na nakapag palit bago matulog, sa sobrang pagod sa paaralan" Nito lang nila akong na pansin noong nasa pinto na ako ng kusina.
"Kumusta school?" tanong ni mama habang nag sa-sandok ng kanin sa plato "Okay lang naman po ma, pahirapan kasi sunod sunod ang activities at quiz na pinapagawa sabayan pa ng practice para sa last Activity namin na film making" nakangiting nakikinig sina Mama at lola habang nag ki-kwento sakanila.
"May napili ka nang paaralan para sa papasukan mo sa kolehiyo?" Tanong nito, "wala pa po eh, kayo nalang po bahala mag pasok sakin. Kahit saan basta makakapag tapos po ako" sumubo ako ng pagkain at nag sandok ng pangalawang round ng kanin.
"Psychology ang kukuhanin mo apo, hindi ba?" Sambit ni lola "O-opo sana eh, pero kayo po kung anong gusto niyong kurso ang kuhanin ko ay ayos lang sa akin." Ani ko
I'm confident sa kahit ano pang kurso ang ibigay sa akin, dahil kaya ko naman pag aralan ang mga bagay, Growing up, sanay na ako sa papuring binibigay sa akin ng mga tao sa paligid ko, i know im a gifted person, na biniyayaan ako ni god na magkaroon ng talento sa lahat ng bagay.
Nag presinta ako bilang mag huhugas nang pinggan na pinag kainan, "Ako na" Inagaw ni lola sa kamay ko ang plato, "Ako na, At mag pahinga kana aba, sobra na ang ginagawa mo sa araw araw. Kailangan mo rin ng matinong pahinga, lalo na't sabado na kinabukasan." She insisted, tango nalang ang naigawad ko rito, at Umakyat na sa kuwarto ko.
Agad kong pinulot ang mga papel na naka kalat rito sa sahig ng kwarto ko at sinimulan isalansan at linisin ang buong kwarto, napatingala nalang ako sa wall clock at nakitang 12 midnights na, kaya't nag simula na akong umupo sa upuan ko at nag basa ng libro.
"Apo, Gumising ka na riyan, aba mag tataanghali na" dahan-dahang pag yugyog sa akin ni lola, Nang magising ay tumingin ako sa bintana, Tanghali na nga.
Nag balik tingin ako kay lola na pinapalitan ang mga bedsheet at pillow cases ko, kaya pinuntahan ko ito at tinulungan "Lola araw araw niyo po ba pinapalitan bedsheet at punda ko?" Tanong ko rito sabay pasok ng Unan sa punda.
"oo, para kumportable ka." Ikling saad nito, "Mahihirapan po kayo niyan, Araw araw niyo po ata nilalabhan at pinapalitan bedsheet at mga punda ko." Tumingin naman ako rito at ngiti lang ang iginawad nito,
"Hindi bali nang mahirapan ako apo, basta para sa iyo ay gagawin ko, ganun din ang ginagawa ng mama mo. Para kapag wala na kami sa mundo ay may ala-ala kaming maiiwan sa iyo." Tinapik nito ang kamay ko "bumaba na at kumain kana, susunod nalang ako." Saad nito kaya tinapos ko muna ang pag lalagay ng punda at Bumaba na.

BINABASA MO ANG
Melodies Of The Rain
Novela JuvenilElaisha Chandria Barcelona pangalan ng babaeng tatangkilikin ng lahat. Kapalaran ang kaniyang kalaban, tao ang may dahilan, sa gitna ng ulan na kaniyang kinakausap at sinasayawan, patuloy pa rin siyang lalaban. Babangon at patuloy na tatakbo, para...