Melodies of the rain
Dedicated to fleurav1
"Give me your bag" i glanced at him, "It looks like it's heavy, you know?" Dagdag nito, " mabigat nga, at Bakit ngayon mo lang kinu-kuha?" reklamo ko rito."I thought kaya mo na, i just realized na bigat na bigat kana nung pabagal ka nang pabagal mag lakad." anito.
I handed him my bag, "oh yan" saad ko at nag lakad na, "Doon pa rin ba kayo naka tira?" He mentioned kung sa dating bahay pa rin ba namin kami nakatira, "hindi na, lumipat na kami." Sagot ko rito.
"Why?"
"Iniwan na kami ng tatay ko, sumama na sa bago niyang pamilya. Sabi ng tatay ko, kami na raw ang bahala sa bahay na naiwan nito. Kaya binenta namin 'yon at tumira sa bahay ni lola, mag isa nalang kasi siya. At tatlo nalang kaming nati-tira" paliwanag ko rito.
He stopped walking, "I want to visit your place" Hinarap ko naman ito, "Bakit?" Sagot ko, "Nothing, I just missed you, please let me visit to your house na." Pilit nito. Huh? Anong connect ng pag ka-miss don?
"Sige sa susuno—"Okay let's go" anito hindi na ako nito pinatapos sa pag sasalita nang hatakin ako at ipinasok sa kotse nito.
"hoy! Sabi ko sa su-sunod na, Hindi ka talaga marunong makinig." Hindi ako nito pinansin, "Tell me the direction." Seryosong saad nito at pina-andar na ang kotse, "Hey, seatbelt." He reminded me.
Hindi naman traffic kaya't maaga kami nakarating sa bahay, "Jan sa kanto. Sa tapat ng Malaking bahay na kulay grey" tinuro ko kung saan, "Pwede mag park dito, dito mo nalang i park tong kotse mo." Pinatay nito ang makina matapos ay lumabas, at pinag buksan ako ng pinto.
As usual, Na abutan ko na naman si lola na busy sa pag hahalungkay ng lupa, "Lola!" Tinawag ko ito, "Oh aba eh nariyan kana, saan kaba naro-roon at bakit kay tagal mong umuwi bata ka, Ganyan ba uwi ng matinong estudyante?" Sermon nito.
She looked at Ashton, "H-hello po." He greeted my lola, "Boypren mo?" Saad nito at inilipat sa akin ang tingin, "Ha? Hindi ho, Kalaro ko lang yan noong bata ako." Paliwanag ko.
"Meryenda na!" Lumabas si mama sa pinto at tumigil ito nang makitang naka uwi na ako, "Bisita mo ba yan, Chandria? Ano pa't hindi mo pa-pasukin!" Hinila kami ni mama pa-pasok sa bahay
"Maupo kayo." ani mama at pumunta sa kusina para kuhanin ang meryendang sina-sabi nito, "Upo ka" Inalis ko na man ang mga na ka harang na stuffed toys sa couch at umupo naman ito.
Napansin naman nito 'yung dagang stuffed toys na regalo nito, noong mga bata pa kami."you still have these? Ang tagal na nito ah, mukha pang bago" he giggles.
"Ma-alaga kasi ako" saad ko, "So, pwedeng ako naman ang alagaan mo?" Bulong nito, at siniko ko naman ito sa tagiliran, "ouch" daing nito.
"Gumawa ako ng turon at Banana que" Lumabas si mama sa kusina at inilapag ang turon at Banamaque sa coffee table na nasa gitna ng couch.
"aba, Eh ipakilala mo naman itong gwapong nilalang na ito." Ngiting saad ni mama sa lalaki, "Natan Ashton Avila po, Bestfriend ni Chandria" Nakangiti rin nitong sambit.
"Ikaw ba yung kalaro ni Chandria na umi-iyak kapag inaaway niyan" turo sakin ni mama, "Aba ang laki mo na ah, Ang tangkad mo pa. Nga pala saan ka galing at bakit parang hindi ka na bumalik pag alis mo rito?" Tanomg ni mama.

BINABASA MO ANG
Melodies Of The Rain
JugendliteraturElaisha Chandria Barcelona pangalan ng babaeng tatangkilikin ng lahat. Kapalaran ang kaniyang kalaban, tao ang may dahilan, sa gitna ng ulan na kaniyang kinakausap at sinasayawan, patuloy pa rin siyang lalaban. Babangon at patuloy na tatakbo, para...