Chapter 17

1 0 0
                                    

Hyacinth's Pov

Habang nagbyahe kami papunta sa airport ay panay ang salita ni Khea na para bang alam na niya kung ano ang gagawin.

"Kahapon ako nag book ng ticket natin, ayaw mo kasi lumapit kay empress edi_", panay ang daldal niya

"Shut up", I cut her

"Ano na ang plano mo ngayon Hyacinth?",she seriously asked me

"I don't know , just go with the flow", maikling sagot ko

"Wala ka namang kalaban eh", saad niya

Wala nga ba? Sa simula pa lamang ako na ang pakay nila. They want me dead just to get those chip. Bakit nagawa sa akin yun ng mga magulang ko? I need an answer.

"Sa simula pa lamang Khea, ako na ang pakay nilang lahat", saad ko

Nakarating kami sa airport kaya umupo na kami sa waiting area for our boarding. Natahimik siya sa sinabi kaya hindi nalang din ako umimik.

"Kheran and Rendell was captured", saad nito pagkatapos sagutin ang tawag sa cellphone niya

"How about Khenthony?", I asked

"He's safe and breathing, they are now going to save those scumbugs! Hindi man lang gumawa ng paraan para mailigtas ang sarili nila fvck those guys!", sigaw niya

"Ba't ka sumigaw?pinagtinginan na tayo ngayon eh", saad ko sa kanya at umirap

"Nakakainis huh mukhang ipapahamak nila ang asawa mo", inis na saad nito

"Bakit parang ikaw pa yung galit? Ako Yung asawa tej", natatawang saad ko

"Hya , you look calm, why?", tanong nito sa akin

"I need to", I coldly said

Tumayo na kami ng tinawag na ang flight namin. Akmang papasok na kami sa airplane ng may mapansin akong kakaiba. Gaya ni ko ay napahinto rin si Khea. Inilibot ko ang aking tingin at nakita ko ang nakangising lalaki na nakatutok ang baril sa amin sa di kalayuan.

"Yuko!", sigaw ko

Kasabay ng pagputok ay ang pagyuko namin ni Khea. Nagkagulo ang mga tao lalo na ang piloto at flight attendant. Nanatili sila sa loob habang nakatago sa kanilang upuan kaya tumakbo kami ni Khea palayo sa airplane. Bumaba kami sa airport para mailayo ang mga kalaban. Maraming inosente ang madadamay.

"Cynthia kainin mo muna pride mo! Kailangan natin ang mga magulang mo!"

Sumigaw si Khea para marinig ko dahil nagkagulo na ang lahat sa airport. Bago pa kami nakalayo ay may ina announce ang crew para maging kalmado ang lahat.

"Excuse me everyone please stay still and calm down, go back to your sit and calm your nerves. Sorry for our inconvenience and I hope you'll understand ", announce nito

Lumisan kami sa airport at bumungad sa akin ang pamilayar na Lamborghini. Fvck that's my baby!

"Get in!", sigaw ni Zack

Pumasok na ako sa front seat at si Khea ay sa back seat.

"Fvck you Zack bakit mo ginamit to!", sigaw ko rito

"Mamaya mo na ako papagalitan, magpasalamat ka nalang na niligtas kita", natatawang saad nito

"Move! Nakasunod sila sa atin!", sigaw ko rito

"No I rather jump in the window!", sigaw nito sa akin

"Edi tumalon ka!", nakangising sigaw ko

Bago ko pa siya masakal ay umalis siya sa driver seat at ako na ang pumwesto. Kinabig ko ang manubela na ikinasigaw nila. Iniliko ko ito at pinasok sa maliit na eskinita na kasya lamang ang sasakyan ko.

ORG SERIES 01: Untamed HeiressWhere stories live. Discover now