Chapter 19

2 0 0
                                    

Hyacinth's Pov

Sumakit sandali ang aking dibdib na para bang may tumusok nito. Khenthony, are you okay? Sana okay ka lang. Akmang bababa na ako ng may humawak sa aking baywang at binuhat ako na parang sako ng bigas.

"Ibaba mo ako Eze Montejo!", sigaw ko sa kanya

"Sabi mo eh", saad nito

Akmang ihahagis niya ako sa hagdan ng humawak ako ng mahigpit sa kanyang leeg kaya napatawa silang dalawa ni Zykiel.

"Mga buysit kayo!", sigaw ko rito

Ibinaba lang ako ni Eze ng nasa kusina na kami. Imbes na magsasaya ako dahil sa dami ng pagkain na nakahanda ay nawala ang kasiyahan na iyon ng bumungad sa akin ang hindi maipintang mukha ni Khea at Zack. Hinila ako ni Khea kaya sumunod si Zack. Nagulat ako ng sumunod din ang lahat sa akin.

"Anong nangyari?", nagtatakang tanong ko

"Si Khenthony, nasa kamay siya ni Jovanne", nag alalang saad nito

"Fvck", mura ko na lamang

"Ang mga montemayor na magkapatid ay hindi ko mahagilap. Si Syzel, isang traydor pati si Arthur", mahinang saad ni Khea

"Bullshits!", sigaw ko bago tumakbo sa kwarto ko

Narinig ko na may tinawagan si Zack at Eze bago ko sila iniwan. Dali dali akong nag bihis ng crop top na itim na may leather jacket at isinilid ko sa secret pocket ang mga dagger at folded katana pati ang mga silencer na baril. Sinuot ko ang highways pants at inilagay sa paa ang mga baril at folded katana. May inilagay din ako na dagger sa aking boots. Kinuha ko ang mga lagayan ng baril at inilagay sa baywang ko na para bang isang belt.

Bumaba ako at ready na din si Khea at Zack pati si Eze at Zykiel.

"Sinabi ko bang sumama kayo?!", nanlilisik ang mga mata kong tiningnan ang dalawa

"Sasama ako", nagpapadyak na saad ni Zykiel

"Sasama din ako", nakataas ang kilay ni Eze

"Magdala na lamang ako ng back up niyo galing sa inyong mga palasyo!", inis na sigaw ko

"No!", sigaw ni Zykiel bago tumakbo sa rooftop

"Putangina niyong dalawa! Pag kayo pabigat! ", sigaw ko sa inis

Dumiretso na kami sa rooftop at bumungad sa akin ang dalawang helicopter. Nakasunod pala sa amin si mom at dad.

"You're caught up", nakangiting saad ni dad bago ako niyakap

"You're selfish", naiiyak na saad ni Mom bago ako niyakap

"I know I know", malamig na sagot ko sa kanila

"Mag iingat kayo doon", sabay na saad ni Mom at dad

"We will", nakangiting saad ko

Nagpaalam na kami sa isa't isa at sumakay na sa helicopter. Nakasunod sa amin ang isa pang helicopter baka kung sakaling may kalaban sa himpapawid. Panay ang likot ko sa helicopter kaya naiinis na sila sa akin pero hindi ko na iyon pinansin. Nakarating agad kami sa lugar na hindi pamilyar sa akin. Hinawakan ko ang aking batok at may benda ito. Buti nalang mataas ang buhok ko na nakatali at hindi ito klaro. Bumaba ang helicopter, pagbaba pa lamang namin ay pinaulanan na kami ng bala kaya pinalipad ko kaagad ang helicopter baka madamay pa sila.

May nag back up sa amin na nagpaputok din kaya laking gulat ko na ang daming mga tauhan namin sa amin likuran.

"Everyone move! Pasukin ang underground nila!", sigaw ni Zack

ORG SERIES 01: Untamed HeiressWhere stories live. Discover now