Chiya's Pov
Fvck this girl, hindi ko kilala ang buong pagkatao ni Hyacinth. Oo kilala ko ang pamilya niya pero hindi ko alam ang mga ginagawa niya habang nasa kamay siya ni Tanya at Leon. Anong ginagawa nila kay Hyacinth at ganun na lang ito lumaban and for fvcking sake nag alala ako sa wala.
My phone rang at nakita ko sa side mirror ng kotse ko na nakatulog na si Hyacinth. Si Zack na naman
"What?!", pasigaw kung bungad rito
"Ano?", natatawang sagot nito
"Anong ano ikaw yung tumawag tapos ako tatanungin mo? May saltik ka ba sa utak mo?",naiinis na saad ko rito
"Kalma, gusto ko lang sabihin sayo na natunton nila ang hideout mo at...", I cut him
"What?! Fvck you Zack paano nangyari yun?!", sigaw ko rito
"Ang sakit mo sa tainga", natatawang saad nito
"I'm not joking around", malamig na saad ko bago iniliko ang kotse
"Chantey was there", malumanay na sagot nito
Na full break ko ang kotse at tiningnan ko ang side mirror. Umungol si Hyacinth buti nalang hindi pa nagising.
"How?", takang tanong ko sa kanya
"There are 30 mens with Chantey, siguro may iniutos ang org nila sa kanya. Leave that place at dalhin mo si Hyacinth. Maghahanap kayo ng lugar na pwedeng pagtaguan", saad nito bago pinatay ang tawag
"Buysit ka Zack wala sa isip ko ang magtago at akala niyo madali lang maniwala si Hyacinth! Ang gulo!", sigaw ko
Hyacinth was still sleeping soundly kaya nagmaneho na lamang ako pabalik at dumiretso sa malapit na hotel. Fvck I park my car and sigh.
"What now?!", inis na sigaw ko
"Ang sakit ng ulo ko kakasigaw mo kanina kapa", umuungol na saad ni Hyacinth
Hindi na ako nagulat na nagising pa ang babaeng to. Siguro dahil sa sigaw ko na abot na hanggang kabilang bundok.
"Tsk", saad ko na lamang bago bumaba
Bumaba si Hyacinth at nangunot ang noo niya na nasa hotel kami. Siguro maraming tanong ito kaya napabuntong hininga na lamang ako nang tumingin ito sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil sa mapanuring mata nito.
"I have my home", malamig na saad nito
"This place is safe", sagot ko na lamang bago lumakad
"This is not", saad niya
Lumakad na ako papasok sa hotel at napansin ko na hindi sumunod si Hyacinth. Tsk bahala ka sa buhay mo, pagod ako ngayong araw. Dumiretso na lamang ako sa loob ng hotel at nag book ng 1 room for 1 person.
Using the elevator, nakarating agad ako sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama at napapikit. I never expected that I will feel exhausted right now kahit hindi naman ako nakipagbuno. Kapagod kaya tsk.
Hyacinth's Pov
Nagpatuloy sa paglalakad si Chiya kaya umalis nalang din ako. I have my home and I don't want to waste my money at hotel. I can handle myself alone. Alam kung may koneksyon si Lola at Lolo sa org. Hindi ako bobo para magpaloko pa. Gising ako kanina, rinig ko ang kanilang pinag usapan ng lalaking yun. I can handle myself alone. Tsk