SIGN CHEVY GONZA
Ms. Sign Arn Gonza, You won a total price of mega lotto
99,000,000 Million. you are the lucky winner. congratulations 🎉Ang sarap sa tenga, napaka lapad ng ngiti kong inabot ang malaking cheke sa babaeng nagsasalit kanina... shit mabibili ko ang mga gusto ko, hindi na ako magtatrabaho. makakapag aral na ako na hindi pinuproblema ang tuition kahit pa scholar ako. mabibigay ko na ang magandang buhay kay inay. salamat lord.. Makakain na ako ng letchon
teka nga.. bakit parang nag bu-blurred yung paligid..
"Sign anak, gising na baka malate ka na sa school mo." boses ni Inay habang tinatapik ang pisngi ko. dahan-dahan kong minulat ang mata ko.. Mukha ni Inay ang Nakita ko.
" Inay mayaman na tayo.. " nakangiti kong sabi.
nagtataka naman akong tiningnan ni inay. yung paramg sinasabi na nagdadrugs kaba?Umupo ako at hinawakan ang dalawa niyang kamay.
" Inay nanalo ako sa megga lotto ng 999,000,000 million.. makakabili na tayo ng bahay, at kahit anong gusto nating pagkain mabinili na natin. lahat ng gusto nat--aray Inay naman." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng sinampal ako ni Inay hindi naman ganon kalakas, sakto lang para magising yung kaluluwa ko. parang hindi nanay e.
" Alam mo Sign gutom lang yan. hindi ka kasi kumain kagabi.. kaya ka nagkakaganyan bumangon kana dyan at malelate ka na..." akmang tatayo na si inay nang pigilan ko.
" Nanalo nga po ako." pagpupumilit ko habang naka hawak sa braso niya, na agad niya ring tinanggal.
" Tigil tigilan mo ko Sign. pano ka mananalo e hindi ka naman na taya ng lotto.. babangon ka dyan o ipapalo ko sayo 'yang unan.." turo niya sa unan. napa tayo naman agad ako.. ay oo nga pala hindi pala ako nataya ng lotto, ang shungaers ko naman. Minsan na nga lang manalo sa panaginip pa hays! makataya nga minsan sa lotto. ano nga ba yung tinayaan ko don hmm.
buti pa sa panaginip mayaman na ako.. haysss! soon yayaman din ako not now but soonest. sipag lang ng sipag.
" Si Inay hindi mabiro oh.." nag gayak na ako dahil sinamaan na akong tingin ng nanay ko hawak ang unan. mabait naman 'yan si Inay kaso nga lang wag lang gagalitin dahil lahat ng mahawakan niya once na mainis yan magtago kana dahil 1% ang tsyansa na makailag ka. kaya pag nakukulitan na yan sakin nilalambing ko na lang agad, binobola bola, mahirap na magkabukol ulit, naalala ko kumakain kami nun nung binato niya ako ng mangko dahil nakulitan sya sakin. tinatanong ko lang naman bakit walang paa yung isda :( sapul talaga ako non., kaya simula non pag alam kong maiinis na siya shatttap na agad ako. love na love ko 'yan si Inay, pati si kuya Josh sila nalang ang tinuturing kong importanteng tao sa buhay ko. sila yung inspiration ko para magsipag sa buhay ..
Simula kasi ng iwan kami nung tatay kong kano ay natuto kami ni kuya Josh na magbanat ng buto para makapag aral kami, maka-kain ng tatlong beses sa isang araw., tinutulungan namin si Inay sa mga gastusin, mabuti at parehas kaming scholar ni kuya Josh. si Inay ay nagbebenta lang kakanin para may pandagdag sa mga gastusin sa bahay. si kuya naman ay isang Service crew sa umaga, mag aaral sa gabi.. bilib ako kay kuya dahil napagsasabay niya ang pag aaral at pagtatrabaho. 4th year na si kuya. soon meron na kaming Seaman.. syempre hindi naman ako magpapatalo no.. dahil idol ko si kuya Josh. pinagsasabay ko rin ang pag aaral at pagtatrabaho. nag aaral sa umaga, nagtatrabaho sa gabi.. nag-tatrabaho ako sa bar..
oyyyyyy! hindi laman ang pumuhanan ko ah, baka madumi yung pag-iisip nyo.. kamay ko, kasi nag mimixed ako ng mga drinks. bartender ba ang tawag sa ganon, dati isa lang akong waiter hanggang sa natuto ako dahil sa minsan pinapanood ko si kuya martin mag mix ng drinks. hindi naman ako nahihirapan dahil nakakatulog parin naman ako ng 8 hours. at maganda parin.. ang umpisa kasi ng klase ko ay 9 am to 3 pm lang, monday to Saturday lang nag request kasi ako sa school namin kahit na scholar ako. makapal mukha ko e. mabuti na lang dahil mabait ang dean at hinanapan ako ng ganong schedule. kaya pagka-uwi ko ng 3pm dumederetso na akong bar kas 4pm naman ang pasok ko hanggang 10pm.. kahit napapagod kailangan kumayagod para sa pamilyaaaaaa. 2 yrs from now isa na akong Architect. i will build our own house.
BINABASA MO ANG
Professor ko ang Girlfriend ko sa RPW? ( Short Story)
Romance[ Professor x student ] (gxg) RPW Ang internet love daw ay hindi mag wo-works bukod sa walang sahod hindi mo alam kung tunay ba o peke, dahil hindi mo alam kung totoo ba ang sinasabi ng ka-RS (relationship) mo, malay mo trip ka lang dahil bored si...