Eleven

14 0 1
                                    

Arn

Maayos naman kami ng nagdaan na ilang buwan not until the day came, she's always busy on her phone, Minsan nagtataka ako sa kanya Kasi kapag magkasama kami sa phone nalang palagi siya nakatingin hindi naman sya ganito dati. nabawasan na rin 'yung pagka clingy niya pag kami lang dalawa. Pag may message naman ako sakanya matagal bago niya replyan hindi tulad dati na may reply agad..

pag may date kami hindi ko siya feel.  yung feeling na ako yung kasama niya pero sa iba nakatuon yung atensyon niya.  one time hiniram ko 'yung phone niya nagalit siya sakin gusto ko lang naman malaman bakit siya busy pagkasama niya ako. sinabihan pa akong walang tiwala kaya hinayaan ko nalang kesa naman mag away pa kami kahit sa mga account niya ay hindi ko na pinakealam pa. Ayaw niya rin namang sabihin.  pag tinatanong ko siya kung may problema sagot lang niya ayos lang, wala naman.

So hinayaan ko nalang Kasi ayaw ko siyang pagdudahan, ayaw ko siyang pag iisipan ng masama dahil kampante naman ako na ako lang yung mahal niya at hindi siya magloloko. I know na she love me, ramdam ko 'yon.

I don't want to ruin our relationship because I love her so much, pero once na mahuli ko siya na niloloko ako hindi ko lang alam kung mapapatawad ko pa siya o hindi pero wag naman sana dumating sa point na ganon.

 Sunday ngayon at  balak kong magsimba kasama si Layda, Miski date nga ay pahirapan pa. She's always say that she's busy. Ngayon I asked her if pwede niya akong samahan magsimba. I texted her na kung pwede ba siya ngayon. tinawagan ko siya pero hindi niya sinasagot kaya tinext ko nalang siya dapat si Inay ang kasama ko kaso umalis sila ni kuya kaninang madaling araw pauwi ng  Probinsya birthday kasi ni Tita alice sa Monday.  kapatid siya ni Inay. kailangan si Inay kasi siya ang magluluto ng paboritong kakanin ni tita Alice. tuwing birthday kasi nito ay si Inay ang gusto niyang magluto ng kakanin bukod kasi sa masarap na hindi pa nakakaumay kaya ayon mag isa na naman ako sa bahay bawal kasing umabsent dahil panay kasi ang pa quiz ng mga professor ayoko namang bumagsak kaya ganon, babatiin ko nalang si tita sa video call sa monday.

Hindi man lang siya nag reply delivered naman yung message. Hindi ko na lang pinansin kahit nakakaramdam ako ng tampo dahil baka busy din siya. Professor  siya at maraming trabaho na paper works. halos araw araw nga pala siyang busy kaya naman ako nalang ang nagsimba mag isa.

Natapos ang Linggo at  Monday ngayon ay Tuesday pasukan na ulit pero hindi parin siya nag paparamdaman ni anino niya hindi ko man lang nakita. nagpunta ako ng condo niya ngunit wala siya doon, sabi ng staff doon ay ilang araw na din daw na hindi umuuwi si Layda doon. nag o-overthink na naman ako na may halong pag-aalala hindi naman siya ganto e, lagi siyang nag a-update kahit nga gumagamit siya ng banyo ay sinasabi niya pa pero ngayon maski hi wala man lang, miski sana.

' humihinga pa naman ako Arn ' kahit ganon lang mahirap ba 'yon?

Miss na miss ko na siya :(

Naglalakad ako papasok ng school na lantang gulay sa parking ako dumaan nagbabakasakaling makita ko ang kotse niyang magparada.
Agad akong nabuhay ng makita ko ang kotse niyang kararating lang at agad nag park. napangiti naman ako dahil sa wakas magkikita na ulit kami ni Layda.  miss ko na siya sobra. I want to hug her so tight.

Pero ang kaninang nakangiti kong labi ay agad naglaho ng lumabas sa driver seat ang isang lalaki na naka bussines attire matangkad at mukhang may lahi. Foreigner talaga siya parang nakalunok ng glutathione sa sobrang puti. may dugo pa ba yan?

Binuksan niya ang kabilang pintuan sa may passenger seat.

sa isip isip ko baka driver niya pero mukhang hindi naman, kilala ko ang driver niya dahil ilang beses din kaming hinatid sundo noon dati pag tinamatamad siyang mag driver

Professor ko ang Girlfriend ko sa RPW? ( Short Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon