Two

25 4 0
                                    

SIGN

"Hays panibagong taon na naman para mag aral.." saad ko sa aking sarili sabay langhap ng sariwang hangin. Firtsday ngayon kaya okay lang malate. nag salpak ako ng earphone at nagsimula ng maglakad. nang may bumunggo sakin. Hindi ko siya napansin dahil nakatingin ako sa phone ko dahil naghahanap ako ng magandang song.


" Are you blind? tumingin ka nga sa dinadaanan mo." Sabi ng babaeng bumangga sakin habang hawak ang balikat na nabangga. kala mo talaga malakas yung bangga namin e hindi naman. feeling amp!
nang makita ko ang mukha niya ay napatitig ako.
tao ba siya? bakit para siyang anghel na bumaba sa langit kahit naka kunoot ang noo niya.. litaw na litaw ang ganda niya. mas matangkad siya sakin dahil hanggang balikat lang niya ako. maganda siya at mukhang mataray tsk! syempre hindi ko ipagpapalit yung Lovey ko no. kahit maganda pa siya.

" Excuse me Miss, Ikaw kaya ang bumunggo sakin " sabi ko. kasi kung nakatingin siya daan hindi naman kami magkakabungguan, may kasalanan din siya.

"Damn! Your the one who's not looking on the way tsk. stupid " she coldly said at umalis na naiinis.  Studyante ba siya dito. baka nga. bahala siya. mukhang nagmamdali siya baka natatae na.

Natawa nalang ako at nagtungo na ng room dahil umpisa na ng isa kong subject.
maaga kaming dinismiss ng Prof namin kaya papunta na ako sa sunod kong subject,  excited ako dahil kaklase ko yung mga kaibigan kong baliw. sa unang subject ay hindi ko sila kaklase ang boring tuloy, meron naman kumakausap sakin pero hindi ko ganon ka close, iba parin pag yung mga kaibigan kong mga baliw ang kasama ko.

Nang makarating ako sa Room ay konti palang ang tao, napangiti ako ng makita ko yung dalawang balew ko na kaibigan kaya naman lumapit ako sakanila at doon tumabi.

" Aga mo Senyales ha" sabi ni Melay habang nag aayos ng buhok.
" Maaga kasi nag dismiss yung prof ko kaya deretso na ko dito kayo nga maaga e." paliwanag ko.

" Malamang First class namin 'to saka ang pogi ng prof natin si Sir Juan parin.." kinikilig na sabi ni melay.. Pogi nga naman si Sir Juan mala korean ang datingan kaso di ako mahilig sa Pogi pang maganda lang ako.

Kaya pala maaga sila dito dahil first class nila 'to inaddjust nga diba ang schedule ko dahil may work ako sa hapon.  sila naman ni Analyn ay hanggang 5pm pa ang uwian.

Unting unting napuno ng mga studyante ang buong classroom..  ang kaninang tahimik ay nag mistulang palengke dahil sa ingay ng mga kaklase ko ngunit  agad din nawala ng Pumasok ang matangkad at sexy na babae..

Nagulat ako ng humarap 'to at makita ang mukha nito. teka siya yung babaeng nakabunguan ko kanina yung maganda kaso mataray hmp.

Naka poker face siya. bakit siya nandito si Sir Juan ang Professor namin ngayon, baka substitute dahil absent si Sir..

Professor pala siya at mukhang napaka strikta. ang kaninang maingay na room ay napalitan ng tahimik halatang takot sa professor sa harap. tingin palang nakakatakot na magsalita pa kaya. patay na baka pag initan ako dahil nagkabangga kami. sana naman hindi

Nag sulat siya sa harap ng board.

ASH LAYDA WALTER

Inferness ang ganda ng name este ng sulat niya.

Pagkasulat niya ay humarap sya samin na seryoso ang mukha.

" Call me Miss Walter. nothing else..  understand?" sabi niya, nakakatakot  ang boses niya mahahalata mo talaga ang pagkastrikta, at pagka professional niya. Pinalitan niya si Sir juan dahil nagresign na daw ito at sa ibang bansa na maninirahan.

Professor ko ang Girlfriend ko sa RPW? ( Short Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon