MIKAELA'S POV
"Saan mo ba ako dadalhin, coco?" Di ko na napigilan pa ang sarili ko na mag tanong, kasi basta niya na lang akong hinila at sinuotan ng helmet nung makalabas kami ng unit niya.
"Let's go shopping." Natatawa niyang sagot.
"Bruhh, i'm not prepared for this. I didn't even bring my cards--"
"Sino ba may sabing paglalabasin kita ng pera eh ako nga ang nag aya." Inikutan niya pa ako ng mata saka sinenyasan na sumakay na sa motor niyang nmax.
Habang nasa byahe kame tahimik kong sinasalubong yung mapolusyon na hangin ng ciudad, naglalaro na naman sa isip ko lahat ng sinabi ni coco kanina sa unit.
What if totoo pala na di talaga siya nag e-exist?
It's been a month na rin since N cut our contacts, he just deleted his telegram without giving me his main socials which upsets me. Kasi before pa kami mag part ways, i gave him my main socials for him to have easy access when he's ready. Binigay rin ni Ashiali yung number ko sa kaniya, he also knew where i live, i mean the exact place because he told me na he have a friend who's living in the same area. Kaya lowkey inaabangan ko siya.
Pathetic of me, lahat ata ng lalaking makita kong naka glasses na hawig ni paulo avelino is pinagkakamalan kong siya.
Such a desperate move, mika.
"Miks, you okay?" I got back to my senses nung marinig ko ang boses ni coco.
"Yup. I'm good."
Nakarating kami sa Alta mall na puro random thoughts yung nag occupy sa isip ko while coco kept asking and checking if i'm okay.
Like what he said, nag shopping nga kami sa department store. He even brought me to watsons and bought my essentials.
"Lakas maka jowa duty nito coy ah?" Biro ko pa habang nakatingin sa bitbit niyang paper bags.
"Bruh, this fubu duty what do you mean?" Biro niya pabalik na ikinatawa ko.
"Baliw."
"So, where do you want to eat? May gusto ka bang kainin for lunch?" Malumanay niyang tanong.
Ayan na naman soft spoken side niya, naka activate na naman.
"Ikaw ba? What do you prefer to eat for lunch today?" I asked him back, as an indecisive girl hehe.
"Kahit saan lang naman," nakangiti niyang sabi.
"Then you decide for us." Sabi ko naman.
"I can decide for us but your suggestion and opinion is badly needed." Seryosong sabi niya saka ngumuso.
"Why?" Nagtataka kong tanong.
"Because, I respect you." Seryosong sagot niya.
Napalunok ako.
Mika, don't fall for his actions and words come on.
Papalitan ko na talaga love language ko, kinginang words of affirmation yan kaya nauuto eh. Marinig mo lang mga gusto mong marinig lalambot ka na.
I was having a battle with myself when N pop in my mind.
I sighed.
"I'd like to have takoyaki lang for lunch, how 'bout that?" Casual kong sabi.
"Aight, let's have takoyaki then." Mabilis niya namang sagot and we headed to a takoyaki shop na rin after discussing.
---
We were waiting for our orders when my phone vibrate.
Ashiali is calling...
Nagkatinginan pa kami ni coco.