MIKAELA'S POV
"Teh, tagal pa ba 'to? Gusto ko na umuwi." Reklamo ko sa katabi ko.
Duty na naman ako, inang yan.
"Tiisin mo na teh, half day lang naman 'to eh." Sabi naman ng kaduty ko.
Napasimangot na lang ako saka nagpalumbaba sa table, nasa conference room kami ngayon dito sa OR ng hospital kung saan kami nakaassign. OR ng eye center kami assigned, at puro cancel pa ng appointment yung mga patients. Jusko.
Case na, naging bato pa. Awit.
Bigla kong naalala si zephyr, galit kaya siya? Simula nung mangyari yun samin hindi na namin napag-usapan. Or let's just say, ako mismo ang umiiwas. Syempre sino ba iiwas? Eh di yung may kasalanan.
Tangina, bakit ba kasi si N yung naiisip ko habang ginagawa yon? Eh, wala namang nangyari samin ni N. Bwiset.
It's been a week na rin, spam ako ni zephyr ng chats sa Tg pero di ko binubuksan.
Hinintay ko na lang matapos yung oras ko sa area.
---
"Hoay, mikaela!" Bungad sakin ni ashiali sa call, i'm currently driving on my way home.
Naka speaker siya.
"Bakit mo naman ghinost yung tao?" Dagdag niya pa, nakagat ko na lang yung labi ko dahil nakaramdam ako ng konsensya.
"Hindi kaya ng konsensya ko teh." Di ko na kinaya at kinwento ko na kay shi.
"Tangina kang babaita ka, hindi ka na naawa sa tao. Pinagnanasaan mo yung katawan porket 5'11" pagkakamalan mo na siyang si N. Wtf." Sermon niya pa na lalo kong ikinakonsensya.
"Spam nga niya ako sa tg eh, di ko binubuksan." Saad ko pa.
"Gaga ka, hinahanap ka sakin. Lason ka talaga mhieee, lason!" Sumbat niya pa sakin.
"Oo na, i don't know how to interact with him anymore eh." Nakanguso kong sabi.
"Pogi ba?"
"Random mo naman tangina."
"So pogi nga?" Pangungulit niya pa.
"He's cute and..." nag dadalawang isip ako ituloy.
"Masarap? Malaki? Di ka naman mate-temp kung hindi eh." Pangunguna niya pa.
"Hoay, grabe ka sakin ah."
"Eh, ba't mo kasi sinunggaban. Teh feel ko deds sayo yari ka. Pansinin mo na, kawawa naman. Alam mo ba tumawag sakin yun kagabi kinukumusta ka. Sabi ko na lang busy ka sa duty." pangongonsensya niya pa.
"Bwiset ka shi! Kasalanan mo 'to eh!"
Narinig ko ang malakas na tawa niya.
"Kalimutan mo na kasi yan si N, obviously he's not existing duh. Try to give yourself a chance na kumilala ng ibang tao, example si zephyr. Teh may potential yung taong alagaan ka. Why don't you let him?" Daldal niya pa.
Natigilan ako.
"Hindi kaya ng konsensya ko shi, feeling ko magiging rebound ko siya. He's too precious to be one. I can't." Nanghihina kong sabi.
"Eh, anong balak mong gawin sa tao? Gawin mong backburner? Teh maawa ka naman huy." Pangongonsensya niya pa ulit.
"Tama ka na shi," naiiyak ko ng sabi.
"Kausapin mo na kasi, sige na. Be fair naman sa tao." Seryosong sabi niya.
Napaisip pa ako bago magpakawala ng malalim na hininga.