CHAPTER 5

3 0 0
                                    

MIKAELA'S POV

"We're here!" Bulalas ni zephyr.

Nakaalalay naman siya sakin pababa, grabe! Ramdam ko yung panginginig ng lower extremities ko.

"Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong niya habang hawak yung magkabilang braso ko.

"Mhm, para lang akong hinardfvck ng motor mo." Sagot ko naman habang napapangiwi.

"Hoay!" Pabirong aniya na di makapaniwala sa sinabi ko.

Natawa ako sa reaksyon niya.

Lumapit ako sa side mirror ng motor niya saka inayos yung mukha kong puro mascara.

"Mukha tuloy akong di binigyan ng after care matapos hardfvcki---"

"Huy miks!" Pigil niya sakin habang tinatapik bibig ko. Lalo ako natawa dahil nakita ko yung mukha niyang maiiyak na sa mga pinagsasasabi ko. "Grabe, may ganitong side ka pala 'no?" Dagdag niya pa.

"What side?" I asked while watching him open his u-box to get the pizza boxes.

"This." Nilingon niya pa ako bago i-lock yung u-box niya.

"Side view?" Seryosong sabi ko.

Natawa siya.

"Side ways?" Dagdag biro ko pa na lalo niyang ikinatawa.

"Baliw, tara na nga." Pigil niya pa sakin habang napapailing, hawak ang dalawang box ng pizza. "Alam mo ba sabi ng lola ko dati, bawal daw tumawa kapag masama yung panahon." Dagdag niya pa habang tinatahak namin yung daan papasok ng resort.

"Baka iisa lang yung lola natin," biro ko pa.

Lalo siyang natawa.

"Bawal tumawa zeph, baka lumipad ulo mo or tamaan ka ng kidlat." Seryoso ko pang hirit.

Natigilan ako para tignan yung reaksyon niya, naka yuko na siya hawak hawak yung tyan at mamatay na kakatawa.

"Gagi para kang lola ko, ganyan na ganyan sinasabi nun eh." Maluha luha niya pang sabi.

Pinalobo ko yung pisngi ko para pigilan yung tawa.

"Ewan ko sayo, tara na." Napapailing ko na lang na sabi saka naunang mag lakad.

Naramdaman ko naman ang pagsunod niya.

Nag punta siya sa may reception area, hindi na ako sumama dahil namangha na ako sa nasaksihan ng mga mata ko.

"Woaw..." naibulalas ko na lang sa sobrang pagkamangha.

"Ang ganda 'no?" Narinig kong sabi niya pero di maalis sa tanawin yung mga mata ko.

"Dagat ba yan?" Turo ko sa nakikita kong kulay asul.

"Malamang." Natatawang aniya.

Nakanguso ko siyang nilingon.

"Eh, malay ko ba kalangitan yan." Inikutan ko siya ng mata.

"Kalangitan eh kita mong may mga barko." Natatawa na namang hirit niya.

Masyado ka ng nagiging komportable zeph ha...

Lalong humaba yung nguso ko.

"Di ko dala salamin ko eh," sabi ko naman.

"Ohh, my bad. Sorry..." bigla siyang sumeryoso at nilapag ang pizza sa table.

"Ayos lang," i said and gave him a smile.

"Gusto mo ba magbabad sa pool?" Anyaya niya.

Napatingin ako sa pool na sinasabi niya.

"But i don't know how to swim..." mahinang sambit ko bago ibalik sa kaniya ang tingin.

Battle of the HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon