MIKAELA'S POV
Katatapos ko lang mag ayos nung mag ring yung phone ko.
"Hey," bungad ko, in-on ang speaker habang bineblend ang lipstick at nakatingin sa salamin.
"I'm outside your place." Kalmadong sabi niya naman.
"Omg, totoo? Bilis mo naman," natataranta kong sabi at muli pang inayos buhok ko.
Narinig ko siyang matawa sa kabilang linya.
"Nakakahiya naman ma-late ako nag aya eh, ako rin lalaki." Mahinang tawa niya ang narinig ko sa huli.
"Pababa na ako." Sabi ko na lang bago patayin ang linya at mag spray ng pabango, saka ako tuluyang bumaba.
Sinigurado kong naka-lock yung main door bago ako lumabas ng gate at nilock rin yun nang hindi siya nililingon.
Nung umikot ako at humarap sa direksyon niya ay medyo natigilan ako.
"Hi." He broke the silence between us.
I cleared my throat before smiling.
"Hey, kanina ka pa ba?" Nag aalalang tanong ko.
"Hindi naman," nakangiting sagot niya.
Dead air....
"Ahm, zephyr." Nilahad niya sakin ang kamay niya bilang pagpapakilala.
"Mikaela," nakangiti ko namang inabot yon. Natawa ako nung mapansin kong namumula yung tainga niya. "Ba't namumula ears mo?" Tanong ko pa.
Ngumuso naman siya.
"Hindi ko lang in-expect na ganito ka kaganda." Mahinang sambit niya.
Ako tuloy yung nakaramdam ng hiya, saka ko naalala na magkahawak pa rin yung mga kamay namin. Marahan ko yon binawi.
"Did shi sent you my pics?" Nahihiya kong tanong.
"Mhm, cute mo nga dun eh." Napapakamot pa sa ulo na sabi niya. Natawa na lang ako to lighten the mood, "Okay lang ba sayo yung motor?" Nahihiyang sabi niya.
Napatingin naman ako sa motor na nasa likuran niya. Nmax yun na red.
"Yeah sure," sabi ko naman.
Natigilan pa ako nung isuot niya yung helmet sakin, nasundan ko na lang siya ng tingin nung sumampa siya sa motor niya at mas nagulat ako nung bahagya niyang itumba patagilid yung motor niya.
"What are you doing?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Ahm, baka di mo abot?" Mahinang sabi niya, patanong.
Hindi ko alam kung mao-offend ako pero natawa na lang ako sa ginawa niya.
"Gagi, abot ko naman yan." Sabi ko saka umangkas. Tinanong niya pa if comfy na ako sa pag-upo, saka niya ako inaya umalis.
"What's your height?" Tanong niya habang nagd-drive, dinig ko naman kahit papaano.
"5 flat..." nahihiya kong sambit.
"Cute height, 5'11" ako." He said as he chuckled.
"Nabanggit mo nga." Can't help myself to pout, di naman niya nakikita reaction ko eh.
---
Nakarating kami sa cristina's pizza haus in just a few minutes, malapit lang din kasi yung unit ko sa veterans avenue.
"Buti hindi ka naligaw kanina papunta sa place ko 'no?" Sabi ko habang tinatanggal yung lock ng helmet.
"Hmm, hindi naman." Nakangiti niyang sabi habang tinatanggal din yung helmet na suot, inayos niya pa yung buhok niya bago yon sinabit sa motor. He look at me "my sense of direction is pretty good, just so you know." pabirong yabang niya.