Chapter 1

10 2 0
                                    

Micha's POV

Maaga akong nagising dahil kailangan ko pa siyang ipagluto.Wala kasi ang katulong namin kinakailangan daw muna niyang umuwi sa kanila.

Dumeretso na ako sa kusina para magluto na nang umagahan namin.

Kapag tapos na akong magluto dito tatawagin ko nalang siya, pero baka hindi na rin kasi kusa naman iyong bumababa. Hindi kasi ako pwedeng umakyat sa taas, simula noon pa man binawalan na niya ako, hanggang dito lang talaga ako sa baba. Hindi pa nga ako nakakaakyat doon sa taas eh lalong lalo na sa kwarto niya.

Oo kwarto niya, hindi kami nagsasama sa kwarto kasi ayaw niya, simula nung ikinasal kami. Sa loob ng  tatlong taon na pagsasama namin nasanay naman na ako.

Nagugulat nga ako minsan sa sarili ko kasi narealize ko na natagalan kong makasama ang lalaking ginawang miserable ang buhay ko lalo na't sinira ang mga pangarap ko.

Anyway, ako nga pala si Micha(mayka), 20, maagang ikinasal ng hindi inaasahan at sa maling tao pa.

Nag-aaral parin ako ngayon at siya ang gumagastos. Kaya tinitiis ko nalang ang lahat ng sakit kasi siya ang nagsusustento sakin at sa mama ko. Makatapos lang ako ng pag-aaral aalis na ako sa bahay ng demonyong asawa ko. Aayusin ko ang mga papeles para magkahiwalay kami.

Sawa na ako sa buhay na kasama siya. Pero konting tiis nalang, isang taon nalang naman eh makakatapos na ako.

Ano??? Sino??

Sino ang napangasawa ko???

Ahh. Si Don?

Si Max Hardon Lopez, 23, isang business man. May-ari ng Lopez Corporation at L.V Real Estate, ilan lang yan sa mga properties nya. Hindi ko na rin kasi alam ang iba pa.

"Don" ang tawag ko sa kanya pinaikli ko lang ang "Hardon". Noong tinawag ko kasi siyang Hardon nagsungit siya, ibahin ko daw ang tawag ko sa kanya. Hindi naman siya nagreact nung tinawag ko siyang "Don", kumunot lang ang noo niya kaya sa tingin ko okay na sa kanya 'yon. May mga tao kasi talaga na ayaw sa second name nila. Bakit kaya?

Ano ang say ko sa physical features niya?

Ahmm...
Matangkad, maayos ang tindig,  matipuno ang katawan, matangos ang ilong, makapal ang kilay, may mapupungay na mga mata at mapulang labi.

Ay meron pa pala!

Meron din siyang dalawa at mahabang sungay. Kaso nga lang ako lang ang nakakakita.

Hayy... 'Yon lang!

Sabi ng karamihan gwapo daw siya.

hmmmpp!
Gwapo? saan banda?!
Nako wag kayong magpani-paniwala sa mga sabi-sabi lang mga anteh.

Mayaman naman siya, ay hindi! Sobrang yaman pala niya, ewan ko ba kung bakit nagpapayaman pa ang lokong 'yon, hindi naman niya madadala sa hukay ang mga yaman niya. Haay nako!

Bakit kasi hindi nalang niya ipamana sa akin ang mga pera at kung ano-ano pang pagmamay-ari niya, at mamatay nalang siya agad. Diba??

Grabe ba ako? Sorry naman. Eh sa gusto ko eh.

Ang ugali niya??? Nako napakademonyo niya! Halos isumpa ko siya sa tuwing nagagawa niya akong saktan. Akala mo siya nagpapakain sakin para ganunin ako sa tuwing tinotopak siya!

Ay oo nga pala siya naman pala talaga nagpapakain sa akin! Hahhahahaha

Naapektuhan na siguro itong utak ko dahil sa kanya. Paano ba naman super stress ako sa tuwing nandiyan siya. Hindi ko alam kung paano ako kikilos kasi baka mamaya mainit ulo niya at masaktan na naman ako.

That Wish Makes My Life Miserable Where stories live. Discover now