Micha's POV
Narito na kami ngayon sa classroom ni Hera at nandito narin si Mrs. Perez, ang Prof. namin sa advertising.
Nagdiscuss lang rin siya about sa mga techniques or strategy sa pag aadvertise ng mga products or services.
Kakastart lang ng classes nitong June at ngayon nga'y August na. First semester palang namin ngayon at feeling ko parang nasa kalagitnaan na kami ng school year.
May dalawang klase pa kami this afternoon. Sana wala munang masiyadong mga activities or assignments. Medyo wala ako sa mood ngayon eh.
Maya-maya lang ay natapos na ang klase namin kay Mrs. Perez. Medyo hindi ako nakikinig sa kanya ngayon at nakatuon lang ang paningin ko sa blankong notebook ko sa buong klase niya. Ewan ko ba natutulala nalang ako sa 'di ko malamang dahilan.
Siguro kasi marami akong naiisip at inaalala.
Binigyan lang kami ni Ma'am Perez ng ilang written works. Haay mamaya na 'to sa bahay.
Nakalabas na si ma'am sa classroom. Susunod na ang subject namin na may kinalaman sa math. Haist.
Teka ba't wala akong katabi? Asan si Hera?
Nakaupo kasi ako malapit sa bintana ng room tapos si Hera nasa bandang kanan ko. Kaya nga lang nawala siya bigla.
Nasaan kaya ang babaitang iyon?
Hinanap ng paningin ko si Hera at nakita ko ang mga classmates ko na nakatayo at nagkukumpulan na parang may pinagchichismisan.
Ano ba yan mga nakaharang!
Tumayo nalang ako para sana hanapin si Hera pero nung napatingin ako sa pinto ay nakita ko siyang nagmamadaling naglakad papunta sa direksyon ko. Nakita ko rin na kasunod niya si Jake na pumasok ng classroom.
Ano kaya ang nangyari? Feeling ko may nangyari sa pagitan nilang dalawa.
Hindi ko namalayan na nakaupo na pala si Hera sa tabi ko. Nakatungo ang kanyang ulo.
"Hera Lei? Saan ka ba galing? Anong nangyari sayo?" tanong ko agad
Napansin kong may nakataling jacket sa bewang niya.
Umupo ako at iniharap siya sa akin. Pulang-pula ang kaniyang pisngi at nakita kong nangingilid ang kanyang luha.
"Huy dzai? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya
"Nakakahiya!!!" malakas na sigaw ni Hera
Nagulat ako dahil sa pagsigaw niya, napatingin rin ang mga kaklase namin sa aming direksyon. Nakita ko rin si Jake na nakatingin kay Hera at iiling-iling na napapangiti.
Wait! Ano 'yon? Bakit siya ganon?
"Sorry guys, don't mind her. Sige na bumalik na kayo sa ginagawa niyo." agad na sabi ko at ngumiti sa mga kaklase kong nakatingin sa amin
Agad naman silang bumalik sa mga ginagawa nila.
"Huyyy dzai! Ano ba? Anong eksena 'yon ha?" simula ko ulit kay Hera
"E-eh kasi Jade ano..ahmm n-nakita kasi ako ni J-jake na naano kaya i-inano niya ako" utal-utal na sabi niya
WHAT!? Inano daw siya ni Jake!?
Ano ba yung ano na yun?? Parang ewan naman tong si Hera.
"A-ano inano ka ni Jake???" takang tanong ko
"Ano bang ano ang pinagsasabi mo dyan anong "inano" ka ni Jake? Ipaliwanag mong mabuti." dagdag ko
"K-kanina kasi lumabas ako para mag cr sana kasi masa-" hindi natuloy ang sasabihin niya dahil sa pagtayo ng classmates namin
YOU ARE READING
That Wish Makes My Life Miserable
RomansaBeing with her cherished mother for an extended period of time is Micha's only wish in life. She was merely an ordinary girl and daughter, full of kindness and love. Just for her mother, she is capable of anything. Unfortunately, she would suffer b...