Micha's POV
Pagmulat ng ang aking mga mata, tumambad sa akin ang pamilyar na puting kisame.
Teka...
Hindi pa ba ako patay?
Nagpalinga-linga ako sa aking paligid at nakumpirma ko na ako ay nasa loob ng aking kwarto, tyaka nakadamit pambahay na ako.
Hindi ko maintindihan. Ang naaalala ko lang ay nasa kamay ako ng mga lasing na lalaki na balak akong pagsamantalahan.
Ano bang nangyari?
Panaginip ko lang ba ang lahat ng iyon? Para kasi akong nagising lang sa isang panaginip.Pero alam kong hindi talaga iyon panaginip. Hinding-hindi!
Dahil napakasama ng pakiramdam ko ngayon. At damang-dama ko parin ang kirot sa aking sikmura. Masakit rin ang ibang parte ng katawan ko.
Dahan-dahan akong bumangon at sumandal sa headboard ng aking kama para tingnan kung ano pa ang nangyari sa katawan ko.
Habang inuusisa ko ang aking katawan, nakita ko na may mga pasa ako sa aking mga braso. Namumula pa ang ibang parte ng mga ito hanggang ngayon.
Paano pala ako nakarating dito sa bahay? May nagligtas ba sa akin mula sa mga lalaking iyon?
Hindi kaya!?
Hindi kaya napagsamantalahan na ako bago ako nailigtas?
Napahikbi ako sa aking naisip.
Paano kaya kung ganoon? Pero wala namang masakit sa maselang bahagi ng katawan ko.
Sino?
Sino kaya ang nagligtas sa akin?Lord, salamat po dahil nakaligtas parin po ako sa tiyak na kapahamakan. Salamat po sa taong tumulong sa akin.
Sana hindi nalaman ni mama ang nangyari sa akin. Ayokong mag-alala siya. Makakasama sa kaniya 'yon.
Tuluyan na nga akong napahagulgol dahil sa mga nangyari at sa naisip na baka nalaman ni mama at nag-alala siya.
Nang biglang bumukas ang pinto, kaya't ginawa ko ang lahat para pigilan ang aking emosyon. Pinunasan ko muna ang aking mga luha bago ako tumingin sa taong nagbukas niyon.
Medyo nagulat ako dahil sa unang pagkakataon binisita ako ni Hardon dito sa aking kwarto.
Napatingin ako sa mga mata niya. Kitang-kita ko ang mga malalalim na titig niya sa akin na para bang may gusto itong sabihin. Wala siyang kahit na anong emosyon pero nakakaramdam ako ng takot sa hindi ko masabing dahilan.
"Are you fine now?" malamig na sambit niya
"Ahh m-medyo okay naman na ako Don. Paano pala ako nakauwi dito sa bahay?" tanong ko habang hindi pinapahalata sa kanya ang totoong nararamdaman ko
"You were brought here by someone. Do you know him?" kunot na noo niyang tanong
"N-no, I don't. Hindi ko kasi masiyadong
maalala ang mga nangyari kanina. T-tyaka a-ayoko na ring m-maalala pa." Utal-utal na sambit ko, parang maiiyak na naman akoMedyo nagulat siya sa sinabi ko pero nawala rin naman.
"A-ah Don kumain ka na ba?" dagdag ko para maiba ang aming usapan
Hindi siya sumagot sa halip sinuyod niya lang ako ng malamig niyang tingin at tumalikod na sa akin.
Pinilit kong tumayo para makapaghanda na sana ng hapunan namin.
Nang biglang...
"Ahhh!" malakas na daing ko
Napaupo ako bigla pabalik sa aking higaan nang maramdaman ko ang kirot sa aking sikmura.
YOU ARE READING
That Wish Makes My Life Miserable
RomanceBeing with her cherished mother for an extended period of time is Micha's only wish in life. She was merely an ordinary girl and daughter, full of kindness and love. Just for her mother, she is capable of anything. Unfortunately, she would suffer b...