Chapter 2

10 1 0
                                    

Micha's POV

Salamat naman at uwian na, makakapagpahinga na ako sa bahay.
Makakapagpahinga nga ba? Sana...

Nagpaalam na agad ako kay Hera at nagmamadali akong lumabas sa room. Kailangan kasing makauwi na ako sa bahay before 6 pm. Kabilin-bilinan sakin 'yon ni Hardon. May curfew talaga ako mga anteh. Pero kung kinakailangan kong matagalan sa labas, dapat nakapagpaalam muna ako ng maayos sa kanya. Ganon 'yon.

Hindi ko na pala naantay si Hera kasi sabi niya pupunta pa daw siya sa library may ibabalik lang daw siyang libro kaya hindi kami sabay na uuwi ngayon. Madalas kasi sabay kami niyang umuwi at hinahatid niya ako mismo sa village namin para hindi na daw ako magcommute. Mahirap na kasi sa panahon ngayon kapag mag-isa ka lang sa daan. Minsan lang kasi ako sunduin ni Don, patago pa. Haist.

5 pm palang naman kaya 'di ako masyadong kinakabahan. Naglalakad ako dito ngayon sa hallway, wala narin masyadong estudyante dito, siguro nasa field o nasa gym sila, o baka umuwi narin ang iba.

Sana naman wala ng humarang na mga clown sakin ngayon. Haay nako hindi na talaga ako makakapagtimpi.

Kakarating ko lang ngayon sa gate at ready na ulit magcommute. Kailangan nasa bahay na ako kasi 20 minutes nalang magsisix na. Madalas pa naman umuuwi si Don nang mga 6pm rin kaya kapag lumagpas ako sa oras na sinabi niya, haayy patay na naman ako.

Naghahanap ako ngayon ng taxi para mas mabilis. Gusto ko sana jeep lang para makatipid ako nang maidagdag ko sa ipon ko. Pero kokonti nalang ang mga jeep na dumadaan dito sa labas ng campus kapag ganitong oras, ewan ko ba. May mga taxi nga pero may mga pasahero naman.

Makapaglakad lakad na nga muna papunta doon sa susunod na kanto mukhang mas maraming sasakyan ang dumadaan banda roon.

Habang naglalakad ako, may nakasalubong akong dalawang lalaki. Lasing ata ang mga ito. Wala pa namang masyadong tao na dumadaan dito sa dinaanan ko.

Haist kakainis!
Bibilisan ko nalang ang lakad ko.

Nakita kong napatingin sila sa gawi ko. Napahinto pa ang isa.

"Hi miss beautiful! Saan ka pupunta? Gusto mo ihatid ka na namin?" bati ng lalaking nakapula at gusot gusot ang buhok

Lalagpasan ko na sana sila para makalayo na agad ako nang bigla naman nila akong hinawakan sa magkabilang braso.

Takot na takot akong nagpupumiglas sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang higpit nang hawak nila sa akin.

"Ano ba! Bitawan niyo ako! Ano bang kailangan niyo sa akin!" sigaw ko sa kanila

Pangiti-ngiti lang sila sa akin at hinila ako papunta sa may eskinita.

"Sige sumigaw ka walang makakarinig sayo dito! Teritoryo namin 'to!" sabi naman ng isang lalaki na may hawak na  dalawang beer at mapula ang mata

Natatakot na talaga ako, sigaw ako ng sigaw ng tulong dito pero wala nga talagang nakakarinig sa akin.

Anong gagawin ko ngayon?! Paano ako makakatakas sa dalawang ito?
Diyos ko tulungan niyo po ako! Sana may makarinig sa sigaw ko.

"Help me please!!!" sigaw ko habang umiiyak

God please save me here! Sana walang masamang mangyari sa akin sa kamay ng mga lalaking ito.

Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko! Ayoko pang mamatay Lord! Please!

"Mga kuya please naman po pakawalan niyo na ako. Ano po ba ang kailangan niyo? Pera? Alak? Ano po? Please huwag niyo po akong saktan. Nagmamakaawa ako sa inyo!" pagmamakaawa ko sa kanila

Tumawa lang sila sa sinabi ko. Napasinghap ako nang makita kong humugot ng maliit na kutsilyo ang isang lalaki at itinapat iyon sa dibdib ko. Nanigas ako sa mga pangyayari at tahimik na umiiyak habang nakatitig ako sa kutsilyong malapit na sa leeg ko.

Ito na ba? Ito na ba ang katapusan ko? Paano na ang mama ko?

"Huwag ka na kasing magpumiglas pa miss beautiful, ikaw ang gusto namin. Mabilis lang naman 'to. Magugustuhan mo rin ang gagawin namin sayo." sabi nang nakapulang lalaki at ibinalik sa kanyang bulsa ang maliit na kutsilyo

Ang isang lalaki naman ay inilapag ang mga beer na dala-dala niya kanina.

Kung kaya't nagkatyempo ako at nagkaroon ng lakas para sipain ang nakapulang lalaki sabay takbo.

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay nahabol na agad ako ng isang lalaki. Sa pagkakataong ito, ay mas mahigpit na ang hawak niya sa akin. Ang lalaking sinipa ko naman ay galit na galit akong sinugod.

"Aba matapang ka ha! Nagawa mo pa akong sipain. Hetong sa'yo!" pagkasabi niya 'non ay binigyan niya ako ng malakas na suntok sa sikmura

Walang tunog na dinadamdam ko ang sakit. Wala ring boses na maririnig sa akin dahil sa pagkabigla. Napaluhod nalang ako at ramdam na ramdam ko ang pag-agos ng aking mga luha. Nararamdaman kong anumang oras ay mawawalan na ako ng malay at parang gusto ko nalang mamatay dahil sa naisip na magagawa na nila sa akin ang kanilang mga pakay.

Lumalabo at dumidilim na ang paningin ko. Naramdaman ko ring ako ay napahiga na sa kalsada.

Bakit tatlong mga lalaki na ang nakikinita ko?

Hindi ko na talaga kaya pa. Hindi na kaya ng katawan ko ang lumaban.

Mama, patawad po, mahal na mahal ko po kayo.

Paalam.

That Wish Makes My Life Miserable Where stories live. Discover now