NASA harap na ng mikropono'y hindi pa rin mapigilan ni Roy ang pagtawa sa ikinuwento niya-which Helen was so sure that endeared Roy more to his listening fans. Nag-create ito ng kuwento sa mga radio listener kung bakit hindi nito mapigilan ang pagtawa. Nang isalang ng crew ang commercial ay muli nitong binalingan si Helen."Ano ang nangyari pagkatapos ng kasal ninyo? Paanong hindi mo siya nakilala ngayon?"
"Isang buwang mahigit makaraan ang pangyayaring iyon ay umalis ang mag-anak na Resurrecion sa lugar namin. Kaya lang naman kasi sila naroroon ay dahil taga-Nueva Ecija ang kahuli-hulihang kamag-anak ng mommy nila. Ipinamana kay Mrs. Resurrecion ang bahay na tinitirhan nila. At makalipas din lang ang anim na buwan ay muli namang na-assign ang Papang sa Hawaii. Natural na kasama kami. So, we've lost contact."
"I see," wika nito, kumikislap pa rin ang mga mata. "So, paanong humalik ang tulad ni Gene?" tanong nito kaagad.
"He was just fifteen... sixteen, Roy. Besides, maaalala ko pa ba iyon? Kung siya nga hindi ko naalala kaagad..."
"May isip na ang kinse anyos, Helen. Katunayan, ang mga kabataan ngayon ay may girlfriend na sa mas batang edad. Iyon marahil ang dahilan kung bakit sa tuwina'y nakikita mo siyang nakangiti sa iyo. Malinaw na malinaw tiyak sa alaala niya ang pangyayari."
"I bet," she murmured, making a face. With that she went out of the radio booth.
Naging maabala ang buong hapong iyon. Hindi niya namamalayang nag-uuwian na ang mga empleyado at nagliligpit na ang mga trabahador.
She stretched her back. Pagkatapos ay pinatay na ang computer at inayos ang mga gamit. Inilabas niya ang hairbrush mula sa bag at nag-brush ng buhok na hindi naman talaga nawala sa ayos dahil maiksi ang style ng gupit niya. Pagkatapos ay nag-retouch ng makeup. Hindi nagtagal ay nasa corridor na siya patungo sa hagdanan.
Sa pagkadismaya niya ay natanaw niya sa dulo ng corridor si Gene at pababa na rin. Nginitian siya nito at sumabay ito sa kanya.
"So," bungad nito, "sino na ngayon ang kissing partner mo?"
Helen groaned.
"Hindi mo ba naiisip na..... maaari akong magselos?" patuloy ni Gene, nakangisi.
"Back off, Gene," singhal niya rito. Dumiin ang mga daliri niya sa strap ng shoulder bag niya.
"Ah. So, now you remembered."
Hindi siya kumibo. Binilisan ang mga hakbang.
"Kumusta ka na? Si Commodore at ang mamang mo?"
"I'm fine. Si Mamang ay-" Hindi niya naituloy ang sinasabi dahil bigla niyang iniwas ang sarili sa nakabiting cable wire mula sa kisame. Sa biglang kilos niya'y napagitgit siya kay Gene na agad naman siyang nahawakan sa braso upang alalayan.
Napadikit ang likod niya sa matipunong dibdib nito. Hindi niya agad nakuhang ilayo ang sarili dahil mula sa kisame ay patalong bumaba ang isang tauhan ni Gene na nagliligpit.
"Sorry po, ma'am," paumanhin nito.
Bahagya na siyang tumango. Pero aware siya sa kakaibang damdaming umahon sa dibdib niya sa pagkakasandal sa dibdib ni Gene. Mabilis niyang inilayo ang sarili rito at nagpatuloy sa paglakad. Kasunod pa rin niya ito.
"Hindi na bagay ang bansag ni Angelo sa iyong Bonsai, Helen..." bulong ni Gene sa tainga niya. Ang init ng hininga nito ay tila apoy na kumalat sa katawan niya pababa.
Mabilis niyang pinakawalan ang sarili sa banyagang damdaming iyon. Not that she didn't know what it was. Sensation. Ang nakapagtataka, bakit naramdaman niya iyon kay Gene at hindi tuwing nagkakalapit sila ni Adrian? O marahil dahil wala siyang natatandaang pagkakataong napasandal siya sa katawan ni Adrian o di kaya'y nahipan man ni Adrian ang tainga niya.
YOU ARE READING
Ang Lalaking Ni Hindi Ko Pinangarap
RomanceNaghihintay na lang si Helen na gawing pormal ni Adrian ang relasyon nilang dalawa. Na sa malaon at madali'y ihahayag nito na magnobyo sila. Subalit mula sa kung saan ay biglang sumulpot pagkatapos ng labintatlong taon ang nakatutuwang kahapon sa ka...