ALAS-DOS na nang hapon nang dumating sila sa bahay nila sa Nueva Ecija. "Happy anniversary," bati niya sa mga magulang. Niyakap niya ang ama at pagkatapos ay ang madrasta. Si Choy ay nakipag-high-five sa ama. "Binili ko ang paborito ninyong white wine, Papang..." Nakangiting itinaas niya ang bote ng mamahaling alak dito."But that's very expensive, hija!" ani Commodore Salanggo pero hindi itinago ang kasiyahan sa mukha.
"Hindi ko naman kayo araw-araw reregaluhan nito, kaya tipirin ninyo iyan..." She smiled, kinindatan ang madrasta na natawa. Si Choy ay nagmamadaling dumeretso sa kusina, sinundan ito ni Manang Linda.
"Ipaghahanda ko kayo ng makakain, Helen," wika ng madrasta niya. "Nagluto akong talaga para sa pagdating ninyo. Relyenong pusit, lechong manok, at kalderetang baka. Nagpansit din ako nang kaunti. Tayo-tayo lang naman ang magse-celebrate ng anniversary namin ng papang mo."
"'Yong dalawa na lang, Tiyang. Mamaya na ako," aniya, dinampot ang shoulder bag. "Mas gusto kong magpahinga na muna kaysa kumain. Puyat ako sa party kagabi ng boss ko at tatlong oras din akong nag-drive patungo rito. Magagamit ko ba ang silid ko?"
"Oo, hija," sagot ng papang niya. "Kagabi pa nakahanda iyan sa pagdating ninyo."
"Iidlip lang ako sandali, 'Pang... Tiyang."
Pagkapasok sa dating silid ay inihagis niya sa kama ang bag at pagkatapos ay nahiga sa kung papaano na lang. Inikot niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Iyon pa rin ang ayos ng silid niya, walang ipinagbago. Sa silid na iyon ay ikinasal sila ni Gene ng papang niya.
Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Kagabi'y ipinagpasalamat niyang naparami ang inom niya, naging dahilan iyon upang mamanhid ang damdamin niya at agad siyang makatulog pagkatapos siyang ihatid ni Adrian... pagkatapos niyang sabihin ditong wala siyang balak tanggapin ang proposal nito.
Subalit nang magising siya kaninang umaga'y rumagasa ang sakit ng damdamin na tila buhos ng ulan. She felt so empty she didn't know what to do. Kung hindi siya hinihintay ng mga magulang ay mas nanaisin niyang huwag umalis at magkulong na lang sa silid niya.
Kunsabagay ay hindi naman siya talagang niligawan ni Gene. Iyon ang malaking konsolasyon niya sa sarili at ang katotohanang hindi alam ni Gene ang totoong damdamin niya. Damdaming huli na niyang natiyak. She hadn't expected herself to love him. Ni hindi niya pinangarap. Kahit na nang nakukuha na nito ang atensiyon niyang sa nakalipas na buwan ay nakaukol kay Adrian lamang.
Hindi si Gene ang kabuuan ng lalaking pangarap niya. It was so ironic.
Last night at the party, Gene acted as if he cared. But then maybe he really did. As a friend. Magkababata sila. The kiss they shared meant nothing. Siya mismo ang nagsabi niyon. Halik lang iyon bilang kaibigan. At natural lang kay Gene iyon na gawin sa kanya dahil sa kapilyuhan nito.
Inabot niya ang unan at niyakap. If she cried now, magtataka ang mga magulang niya. Kaninang umaga sa banyo'y marami na siyang iniyak at nagawa niyang itago kay Manang Linda at Choy iyon sa pagsasabing masakit ang ulo niya dahil sa hangover.
Depressed, tired, and heartbroken, she fell asleep. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatulog pero nagising siya sa mahinang awiting pumuno sa silid niya.
...there are those I am sure who have told you
They would give you the world for a toy
All I have are these arms to enfold you
And the love time can never destroy...Her favorite song. A sob came out of her lips. Tuwing maririnig niya ngayon ang awiting iyon, hindi maaaring hindi guguhit sa isipan niya si Gene. And the pain would go on and on and on....
YOU ARE READING
Ang Lalaking Ni Hindi Ko Pinangarap
RomanceNaghihintay na lang si Helen na gawing pormal ni Adrian ang relasyon nilang dalawa. Na sa malaon at madali'y ihahayag nito na magnobyo sila. Subalit mula sa kung saan ay biglang sumulpot pagkatapos ng labintatlong taon ang nakatutuwang kahapon sa ka...