Chapter 3

2.1K 36 1
                                    


"SAMA n'yo naman ako!" Tumatakbong humabol si Helen sa magkapatid na Gene at Angelo. At fifteen, Gene was four years older than his brother who was really Helen's playmate.

Two years ago, nalipat sa bayan nina Helen ang pamilya Resurrecion. Agad na nagkahulihan ng loob ang mga ama nila dahil parehong sa karagatan ang trabaho ng dalawang lalaki. Isang radio operator sa isang international shipping company nagtatrabaho ang papa nina Gene at Angelo samantalang opisyal naman sa navy ang papang niya.

"Hindi ka maaaring sumama sa ilog, Helen!" Naiiritang huminto sa paglakad si Angelo at hinarap siya.

"Eh, hindi naman ako sa ilog mismo sasama kundi do'n sa bahay-bahayang ginawa ninyo sa punong-akasya. Doon kayo pupunta, 'di ba?" Ang isang malaking sanga ng matandang punong sinasabi niya ay nakatunghay sa ilog.

"Pareho rin iyon. 'Kulit mo naman, eh. Umuwi ka na," taboy nito.

Hindi siya tumitinag sa kinatatayuan. Sinulyapan niya si Gene na ilang hakbang ang layo sa kanila. There was an odd look in his eyes as he stared at her.

"Hindi ko bahay-bahayan 'yon," patuloy ni Angelo. "Kay Kuya at kay Steve 'yon." Steve was Gene's best friend and classmate. "At mga asa-asawa lang nila ang maaaring isama nila roon."

"A-asawa?" Napasinghap si Helen at nanlalaki ang mga matang muling sinulyapan si Gene. Sa pagkakataong iyon ay nakangisi ito sa kanya na tila tuwang-tuwa sa shock na nasa mukha niya.

At fifteen, Gene was tall and lanky. Pero tulad ni Angelo, magandang lalaki ito bagaman kayumanggi ito habang maputi naman si Angelo na namana sa ina na isang American.

"W-wala naman silang asawa, ah..." Nalilitong pinaglipat-lipat niya ang paningin sa magkapatid. "Saka 'di pa puwedeng mag-asawa ang kuya mo. Hindi pa siya matanda."

Lalong nairita si Angelo at napakamot ng ulo. "'Kulit nitong si Bonsai, eh."

Bonsai. Iyon ang tukso ni Angelo sa kanya dahil tingin nito'y bansot siya para sa labing- isang taong gulang na bata.

"Paano ba 'to, Kuya?" Nilingon ni Angelo ang nakatatandang kapatid, hinihingi ang opinyon. "Susunod 'to sa atin. Naghihintay na tiyak sa kubo si Steve."

NGINGITI-NGITING tinititigan ni Gene si Helen. Maliit ito sa karaniwang labing-isang taong gulang. At lagi pang kipkip ang Barbie doll nito. Ang ibang mga batang babae sa edad nito'y nagsisimula nang kumilos at magkunwaring dalaga. Ang ilan pa nga'y nakikipag-MU na sa edad na once años.

But not Helen. Hindi pa nito pinagsasawaan ang larong-kalye. Gene wouldn't mind her Barbie doll collections, dahil kahit mga dalagita'y nag-iingat ng mga manyikang iyon. He had an eighteen-year-old cousin who never stopped collecting Barbie dolls.

Pero sa kabuuan ay hindi pa gustong magdalaga ni Helen. And boys of Gene's age- sixteen years old-had older women for crushes. Tulad ni Steve na ang crush ay ang kapatid na dalaga ng isa nilang classmate.

Kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit si Helen ang crush niya. Isa sa mga dahilan kung bakit isinasama niya ang bunsong kapatid sa lakad nila ng barkadang si Steve ay dahil kay Helen. Alam niyang lagi itong nakabuntot kay Angelo.

Humakbang siya palapit sa dalawa, a lazy smile on his lips. Hinawakan niya sa balikat ang kapatid. "Mauna ka na sa ilog. Ihanda mo na ang pamingwit."

Helen's eyes widened in excitement. "Mamimingwit kayo mula sa bahay-bahayan!"

Pero hindi na siya pinansin ni Angelo na tinakbo na ang landas patungo sa ilog. Ilang sandali pa'y nawala na ito sa nagtataasang mga damo at puno. Helplessly, tumingala ito kay Gene.

"'Sama n'yo naman ako," pakiusap nito. "Kapag hindi n'yo 'ko sinama ay isusumbong kita sa mommy mo."

Umangat ang mga kilay ni Gene. "At ano naman ang isusumbong mo sa mommy ko, aber?"

Ang Lalaking Ni Hindi Ko PinangarapWhere stories live. Discover now