Chapter 5

2.1K 29 0
                                    


"DO YOU have the forty-fives?" tanong ni Roy nang pumasok siya sa studio. "Wonderful!" nakangiting bulalas nito nang iabot niya rito ang mga lumang plaka mula sa collection ni Adrian. Ang panggabing program slot nito ay may pamagat na Journey to Yesteryears.

"Have it copied, Roy. Ibabalik ko rin sa files ni Adrian ang mga 45s. Ayon sa kanya'y sa tiyahin pa niya ang mga plakang iyan." Sumandal siya sa glass panel, nagbuntong- hininga.

Roy rolled his eyes. "I could guess. Ano ba naman kasi ang ginawa n'yo kahapon? Nag- public announcement kayong dalawa bago umuwi? Aba'y kalat na kalat sa buong istasyon ang tungkol sa marriage ninyo ni Gene, ah. Si Ansel nga kagabi sa programa ko'y hindi tumigil sa kauusisa sa akin."

It was so near the truth that she couldn't help feeling guilty. "Wala naman talaga akong sinabi. Si Gene ang hindi ko maawat sa mga sinasabi."

"He announced to everyone that you two are married?" tukso nito.

"Not exactly. Basta may mga taong nakarinig nang tanungin niya ako tungkol sa anak namin."

Nahinto sa paglilinis ng mga lumang plaka si Roy at namilog ang mga nito. "May..... anak kayo? How? You said you were barely eleven?"

Malakas siyang napaungol. Sa pahapyaw na salita'y ipinaliwanag niya rito ang tungkol sa rag doll niya. "Excited ako na magpunta sa bahay-bahayan sa tabing-ilog. At dahil kasal na nga kami kunwari, at upang makompleto ang pantasya..." She paused and sighed miserably, "kunwa'y anak namin 'yong rag doll ko."

Isang halakhak ang pinakawalan ni Roy.

"For Pete's sake, Roy. I was just a kid!" she said defensively.

"Kung magkakapangasawahan kayo ni Gene, Helen, magandang ikuwento iyan sa mga apo ninyo..." he said, funny but there was a certain wistfulness in his eyes.

"Kung," mariing sagot niya. "That's the key word, Roy. Kung. Look, ayoko nang pag- usapan ang tungkol doon. Mas nag-aalala ako sa magiging reaction ni Adrian. Dahil nga nagde-date kami, baka masamain niya ang bagay na iyan. Sa halip na nag-iisip na iyon kung paano ako pormal na liligawan ay mauunsiyami pa. Pero intelihenteng tao si Adrian," biglang kambiyo niya. "Hindi iyon magiging big deal."

"Ganoon naman pala. Bakit ka nag-aalala?"

Nagkibit siya ng mga balikat. "Ewan ko ba. Matagal na naman sanang nangyari iyon at wala namang kinalaman sa ngayon. Ito kasing si Eugenio, walang malamang gawin kundi asarin ako."

"Baka naman may gusto sa iyo si Gene, Helen. Ganyan ang mga lalaki kapag natitipuhan ang isang babae. Iniinis, ginagalit..."

Umangat ang mga kilay niya rito. "Knowing you, hindi ka authority sa bagay na iyan dahil hindi ka naman lalaki."

"I can be," he dared. She made a face. "Anyway, bakit hindi mo sabihin ang kuwento ninyong iyan ni Gene sa isa sa mga writer natin sa AM station, pagkakakitaan ng istasyon sa drama portion iyang kuwento mo."

"At ano ang ending?"

"Problema na ng writer 'yon. Puwedeng maging daan iyong nakaraan ninyo ni Gene para magselos si Adrian, 'di ba?"

Napatitig siya nang matiim kay Roy. Of course. Magagawa niyang pakinabangan ang mga kalokohang naikalat ni Gene sa kompanya-correction, kasama siyang nagkalat.

Anyway, tama si Roy. Baka nga mauwi pa sa bentahe niya ang nangyari. Guwapo si Gene, macho, puwedeng maging mahigpit na karibal ninuman. Come to think of it, Adrian might become a little jealous.

"Magandang ideya ang sinabi mo. Bakit hindi ikaw ang magsulat ng istoryang iyan? Sayang din ang fee mo, aba!"

Isang halakhak lang ang isinagot ni Roy. "DJ ako, hindi writer."

Ang Lalaking Ni Hindi Ko PinangarapWhere stories live. Discover now