Deanna's POV
Ako nga pala si Maria Deanna Izabella Alvizo Wong, Deanna or Sachi ang tawag nila sakin, 1st year high school palang ako at nag-aaral sa University of San Jose–Recoletos.
Nandito ako ngayon sa music room at hinihintay yung bestfriend ko, member kasi sya dito.
Napatingin ako sa kanya kasi kinawayan nya ako, napangiti ako at kinawayan ko din sya, sumenyas sya sakin kung ok lang daw ba ako kaya nagthumbs up ako para sign na 'ok lang ako'.
Maswerte ako dahil naging kaibigan ko sya, naalala ko nanaman tuloy nung 8 years old ako, yung unang araw na nakita ko sya
Flashback...
"D-Daddy! Please balik kana po! Huhuhu!!" sigaw ko habang umiiyak
Nandito ako ngayon sa labas ng gate namin at nakaupo, ilang araw na din simula nung iniwan ako ng daddy ko, iniwan nya kami, hindi ko alam kung bakit, halos araw araw akong nag hihintay sa kanya kaso wala eh, hindi na talaga bumalik, pero umaasa parin ako.
Umalis si mommy para sunduin yung mag aalaga sa akin, busy kasi si mommy sa business nya
Sobrang close kami ni daddy, ngayon galit ako sa kanya dahil iniwan nya kami
Maya-maya may batang babae na himinto sa harap ko
"Bata... bakit ka umiiyak?" tanong nya sakin
Tumingin ako sa kanya
"I-iniwan kasi kami ni Dad huhuhu" sabi ko habang umiiyak
Umupo sya sa harap ko para mag pantay kami, tiningnan nya ako at halatang naaawa sya sakin
Huminto ako sa pag iyak at hikbi nalang yung lumalabas sa bibig ko, nag punas din ako ng luha
"Don't cry na... halika sama ka sa bahay, laro tayo.." aya nya sakin habang nakangiti
Pinunasan ko ulit yung luha ko
Sasama ba ako sa kanya?
Parang nice naman sya eh...
"*Hik! B-Baka hanapin ako ni mommy pag uwi nya" sabi ko habang humihikbi
Ngumiti sya
"Hindi yan, hayaan mo ihahatid din kita mamaya, kapit bahay nyo lang kami, malalaman mo din kung nandyan na sya kasi dun lang yung kwarto ko oh, kita dito sa labas" sabi nya habang nakangiti at tinuturo yung bintana ng kwarto nya
Katapat lang pala ng kwarto ko
"O-Ok.. *hik!" sabi ko habang humihikbi
"Oh wag ka ng umiyak, papangit ka, sige ka... cute ka pa naman!" sabi nya at pinunasan nya yung luha ko
Nakaramdam ako ng hiya
Naglakad kami papasok ng bahay nila at sinalubong naman kami ng matandang babae, siguro ka edad ng mommy ko to
"Oh anak... Sino nanaman yang bata na yan? baka hanapin yan ng magulang nya?!"
Pinunasan ko yung sipon ko dahil tumutulo na iyon sa ilong ko
"Mama bago ko po syang kalaro, nakita ko po syang umiiyak sa labas, naawa po ako kaya inaya ko dito, mag lalaro lang po kami pagkatapos hahatid ko sya pauwi" mahabang sabi nitong babae
"Ok sige, pero kumaen na ba sya? Baka hindi pa sya kumakaen, halina kayo sa loob at ipaghahanda ko kayo ng meryenda nyo" sabi ng Mama nya
Tumingin sakin yung babae habang nakangiti
