Part 15

1.1K 45 8
                                    

Deanna's POV

Nagulat ako nang bigla kong nakita si Jema sa tapat ng pinto, at ang ikinabigla ko pa ay nung niyakap nya ako

"J-Jema! Anong nagyare?!" tanong ko sa kanya

Tiningnan ko yung mukha nya at nakita kong naiiyak sya

"S-Sasama na ako sayo! G-Gusto kong maalala yung nakaraan ko! Gusto kong maalala yung lahat-lahat! Gusto kitang maalala kung sino ka sa buhay ko!" sabi nya sakin

Nakaramdam ako ng saya

Pinapasok ko sya sa condo ko pagkatapos pinaupo ko sya sa sofa

"Wait mo lang ako dyan! Kukuha lang ako ng kaunting gamit at aalis na tayo!" sabi ko

Mabuti nalang at nakapagpa-book ako kanina papunta ng Cebu, malakas kasi yung pakiramdam ko na babalik si Jema dito para sumama sakin

Nagsuot ako ng cap, jacket at salamin para walang masyadong makakilala sakin, kumuha din ako ng extra jacket at cap para kay Jema

Nang makakuha na ako ng damit lumabas na ako ng kwarto ko

"Tara na" aya ko sa kanya

Tumayo naman sya

"Pero wait.. suotin mo muna to" sabi ko, binigay ko sa kanya yung jacket at cap, kinuha nya naman iyon at sinuot

Ilang oras lang at nandito na kami sa sa eroplano, may mangilan-ngilan na nakakilala sakin

Wala na akong pake kung may mga kumalat sa socmed

Oras pa yung lumipas at nakarating na kami dito sa Cebu, nagpahatid kami kay Kuya Ariel, yung dati naming driver

"Deanna, buti at nakauwi ka dito sa Cebu, ang tagal mo ding hindi nakauwi" sabi nya, napangiti ako

"Oo nga po eh, namiss ko din po dito"

Tumingin sya kay Jema

"Sandali lang, diba si Jema yang kasama mo?" tanong nya sakin

Nagkatinginan kami ni Jema at syempre dahil wala syang maalala naguguluhan nanaman sya

Tumingin sya kay Kuya Ariel

"Kilala nyo po ako?" tanong ni Jema

"Oo naman! Ako yung naghahatid at sundo sa inyo dati eh" sagot ni Kuya Ariel

Tumingin ulit sya sakin

Ngumiti ako at hinawakan ko yung kamay nya

"Sabi ko naman sayo diba? Pupunta tayo kung saan tayo nagsimula" sabi ko

"Bakit hindi na nya ako maalala?" tanong sakin ni Kuya Ariel

"Ahh may amnesia po kasi sya" sagot ko

"Ha?! Ganon ba? Naku! Kailan pa?" tanong ni Kuya Ariel sakin

Tumingin ako kay Jema

"M-Matagal na po" sagot ni Jema

"Talaga?! Kawawa ka naman" sabi ni Kuya Ariel, "Sana makaalala kana" dagdag nya pa

Sana nga po...

Hating gabi na nang makarating kami sa bahay

Pagpasok namin inilibot ni Jema yung paningin nya

"Kuya Ariel, magpapahinga na po kami ni Jema, thank you sa paghatid" paalam ko kay Kuya Ariel

"Sige"

Hinawakan ko yung kamay ni Jema

"Tara" aya ko sa kanya pero nakatingin lang sya sakin

"S-Saan ako matutulog?" tanong nya

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon