Deanna's POV
Nagising ako dahil may naaamoy akong masarap na pagkaen.
Napansin ko na wala na si Jema sa tabi ko kaya napaupo ako
"Good Morning!" bati nya sakin kaya napatingin ako sa kanya
Nakangiti sya habang nakatingin sa akin, may hawak din syang sandok
Nakatitig lang ako sa kanya
Ewan ko ba, parang nakikita ko yung magiging future naming dalawa
"Huy! Deanna! Sabi ko Good Morning!"
Natauhan ako
"H-Ha?? A-Ahh g-good morning din!" bati ko din sa kanya
"Parang nananaginip ka pa dyan!" sabi nya
Ngumiti ako
"*Ehem! Anong niluluto mo?" tanong ko sa kanya
"Ahh, hotcake, tapos hotdog" sagot nya
Tumango ako
"Pupunta pala dito si Kyla, kaibigan ko, ipapakilala kita" sabi nya, tumango lang ulit ako
Pumunta ako sa CR para maghilamos
"Deanna, anong oras ka uuwi? Pwedeng dito ka nalang maghapon?" rinig kong tanong ni Jema sakin
"Mmmm.. sige, hanggang hapon ako dito" sagot ko
"Yey! Heheh!"
Natawa ako
Ang saya mo ha!
Paglabas ko ng CR nakaready na yung breakfast, kakaen na sana kami ni Jema kaso may kumatok
"Ay! baka nandyan na si Kyla!" sabi nya
Tumayo sya at naglakad papunta sa pinto pagkatapos binuksan nya iyon
"Hi Bes!!!" bati sa kanya ni Kyla
"Ang lakas ng pang-amoy mo bes, saktong-sakto na mag-aalmusal kami eh!" sabi ni Jema, natawa yung babae
Kung hindi ako nagkakamali sya na yung Kyla na tinutukoy ni Jema
Tumingin sakin si Kyla
"Sino sya? Parang pamilyar sya sakin" tanong ni Kyla habang nakaturo sakin
"Ay! Si Deanna, bestfriend ko, yung palagi kong kinukwento sayo" sagot ni Jema
"Oooww!!! Hahaha! Yung bestfriend mo na--"
"Oo! Sya yon Kyla! Umupo ka nalang at mag-almusal!" putol ni Jema sa sasabihin ni Kyla
Natawa ulit si Kyla sabay tingin sakin
"Hi Deanna! Ako si Kyla, taga FEU" pakilala nya sakin
"Deanna" pakilala ko din sa kanya
Umupo sya sa harap ko
"Buti naman at nagkita na kayo nito ni Jema, alam mo bang palagi kang laman ng bibig nyan?" tanong nya sakin
Ngumiti ako
"T-Talaga? Baka mamaya puro hindi maganda yung kinukwento nya ha!"
"Ay! Wag kang mag-alala, puro magaganda naman yung nasasabi nya tungkol sayo, hahahah!" sagot nya
"Kumaen nalang nga tayo, mamaya na yang kwentuhan" sabi ni Jema
Sabay-sabay kaming kumaen
Ilang saglit lang at nagsalita ulit si Kyla
"Deanna, parang pamilyar ka talaga sakin"
"Aahh... baka nakita mo ako sa Ateneo? Volleyball player kasi ako sa Ateneo" sagot ko
![](https://img.wattpad.com/cover/361153672-288-k346388.jpg)