Part 19

849 35 17
                                    

Ff na tayo guys, hanggang 20 lang kasi to, heheheh!

Deanna's POV

Isang taon na yung lumipas, tulad ng napag-usapan naglaro ako ng tatlo pang conference sa PVL, yung dalawa nagchampion kami at yung isa naman at silver.

Nakapagpaalam na din kami nila Ate Bea na magreretire na kami, marami ang nalungkot at umiyak pero ganon talaga... kailangan din naming magfocus sa kanya-kanya naming buhay

Nandito kami ngayon ni Jema sa Paris at nagbabakasyon, balak ko din na dito ako magpropose

"B, saan tayo mamaya?" tanong sakin ni Jema 

"Mmm.. secret!" sagot ko, napa-pout sya

"Ay, pero sige na nga, ikaw na yung bahala kung saan mo ako dadalhin" sabi nya, "Matutulog muna ako B ha" paalam nya sakin, tumango lang ako

Yung totoo kinakabahan ako ngayon, natatakot ako na baka tumanggi si Jema sakin

Kinagabihan lumabas kami ni Jema sa hotel, magdi-dinner date din kasi kami ngayon sa isang mamahaling restaurant

Maya-maya nandito na kami sa restaurant, agad kaming inasikaso ng waiter

"B, mahal dito ha!" bulong sakin ni Jema

Ngumiti ako sabay tingin sa kanya

"Mas mahal kita B" sagot ko

"Parang tanga naman to" irap nya sakin

"Hahaha! Okay lang yan B, minsan lang naman" bulong ko sa kanya

Syempre inorder namin yung paborito namin, heheh! Yung steak!

Nagsimula na kaming kumaen, habang kumakaen kami napapatingin ako sa kanya

Parang hindi ako nabubusog dahil kinakabahan ako

"Okay ka lang?" tanong nya sakin

Ayan na nga... nakahalata na yung mahal ko

Napalunok ako

"O-Oo naman" sagot ko sabay ngiti

"Para kang ninenerbyos" sabi nya

"Kasi ang ganda mo, natatakot ako na baka may lumapit sayo na lalaki dito eh" palusot ko

"Hindi ko sila papansinin kasi ikaw lang yung gusto ko" sabi nya kaya napangiti ako

Pero totoong maganda sya, habang tumatagal gumaganda sya sa paningin ko

"Ang sarap ng steak nila dito" sabi ni Jema habang nakangiti

"Kaya nga heheh!" sagot ko pero hindi ko naman malasahan kasi nga kinakahaban ako! 😑

Pagkatapos naming kumaen ni Jema naglakad-lakad kami sa may Eiffel Tower

"Grabe! Ang ganda talaga dito B! Dati sa socmed ko lang nakikita to eh!" sabi ni Jema

Talagang manghang-mangha sya

Lumayo sakin ng kaunti si Jema

"Ang ganda! Hehehehe!" sabi nya habang nakatalikod sakin at nakatingala habang tinitingnan yung Eiffel Tower

Napangiti ako

Ito yung chance! 

God, ikaw na po yung bahala... 

Pagharap nya saakin hinawakan ko yung dalawang kamay nya kaya kumunot yung noo nya, siguro nagtataka sya sa ikinikilos ko, 

Ngumiti ako

"Jema wait, may sasabihin ako sayo" sabi ko sa kanya

"A-Ano yun? Okay ka lang ba? Namumutla ka" sabi nya

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon