Deanna's POV
Nandito ako ngayon sa room namin at gumagawa ng project ng may biglang umakbay sakin, pag tingin ko si Kamuy pala
Classmate ko, naiinis ako sa kanya minsan kasi palagi nya akong binabadtrip
"What?" tanong ko
"Wala, hahah! Ang cute mo talaga kapag nagsusungit" sabi nya sabay iling
Ngumiwi ako
"Nababaliw ka nanaman! Alis! gumagawa ako ng project eh.."
Tumawa sya
"Hahaha! Inis agad yan?" tanong nya, tumabi sya sakin at kinalabit nya ako, "Deans, kilala mo si Aby?" tanong nya
Tumingin ako sa kanya
Yung section 1 ata yung tinutukoy nito, yung classmate din ni Jema, yung maganda din
"Yung section 1? Classmate ni Jema?" tanong ko
Tumango sya habang nakangiti
"Oo! Hahah! Ang ganda nya! Alam mo yun?? I think na fall na ako sa kanya eh!" sabi nya habang nakangiti at nakatingin sa malayo at para bang nangangarap
Napakamot ako sa ulo ko
"Tskk! Edi ligawan mo!"
Ipinagpatuloy ko na yung ginagawa ko, mag susulat na sana ako kaso hinablot nya yung ballpen ko
Badtrip naman oh!
"Wait! Ilakad mo ako sa kanya Deanns.." pagpapacute nya sakin
Tiningnan ko sya ng masama pagkatapos kinuha ko yung ballpen ko sa kanya
"Hindi kami close non!" sabi ko
Magsusulat sana ulit ako kaso hinablot nya uli yung ballpen ko
Napapikit ako dahil sa inis..
Anak naman ng sampung baka oh!
"Edi tulungan mo nalang ako! Heheh! Samahan mo ako mamaya!" sabi nya
Sobrang lapit na ng mukha nya sakin, seryoso naman akong nakatingin sa kanya
"Alam mo, hindi ko ako marunong sa mga ganyan kaya sa iba ka nalang magpatulong, saka tigilan mo nga ako, baka sa kakakulit mo sakin baka hindi ko matapos tong project ko at ikaw yung mapagbalingan ko ng inis kaya tigilan mo ako, pasahan na nito ngayon eh!" inis na sabi ko
"Ba yan! Parang hindi kaibigan oh! Kahit samahan mo nalang ako, kahit tumayo ka lang sa gilid! Tutal don din naman yung room ni Jema eh" sabi nya
Huminga ako ng malalin
"Oo na! Pero tatayo lang ako ah!"
"Yun! Hahah! Alam mo, hindi ko alam kung bakit nagtitiis sayo si Jema, ang bait nya kaya, hahah! Samantalang ikaw ang sungit mo, laging salubong yang kilay mo!" sabi nya
Hindi ako umimik
"Pero kahit ako din naman gusto din kitang kasama, mas kumportable kasi ako sayo" dagdag nya pa
Ibinalik nya yung ballpen ko pagkatapos umupo sya sa tabi ko
Napangiti ako
"Cute na cute ka kasi sakin... and what?? si Jema? Mabait? Ang sungit-sungit nga nun sakin haha!" sabi ko sabay tawa
Natawa din sya
"Sayo lang masungit yon!" sabi nya
Nagulat kami dahil sa pagsulpot ni Jaycel
"Deanns, Kamuy, may assignment kayo?? pa kopya naman!" sabi nya
Nagmamadali syang kunin yung mga gamit sa bag nya
