Chapter 2

2 2 0
                                    

***


"Tss, ayoko nga Zhea nakakainis ka naman eh!" Napapakamot sa ulong sambit ko tsaka siya tignan ng masama.

Napa irap lang siya sa akin bago ilapag ang cellphone sa lamesa.

"Susubukan lang naman Sienna e, bakit ayaw mo ba ha? Ano may someone ka na ba?-" I immediately cut her words.

" Wala! Anong someone? Tss, ayoko kasi I'm not good at communicating. Aamagin lang din naman sakin yang fake world na yan, tsaka ano bang gagawin ko sa role play account na ginawa mong yan para sa akin ha? I-delete mo nalang yan Zhea, okay na ako dito sa nagiisang account ko." Mariing sambit ko bago tumayo. " Stop Zhea, okay? " Taas kilay kong dagdag pa bago siya talikuran.

Napahinga na lamang ako ng malalim ng marinig din ang pagbuntong hininga niya at pagbulong sa hangin.

"Susubukan lang naman, ayaw pa tsk!"

"I heard you Zhea, I said stop. Kung gusto mo ikaw nalang gumamit nyan-"

"Dalawa na 'tong role play account ko and besides, I just want you to try para naman hindi boring yang buhay mo like duh! Kain, basa, tulog, nood blah blah blah Paulit ulit nalang yang mga nangyayari sa buhay mo girl!" Aniya kaya muli akong napa harap sa kaniya at nakita ang pag irap niya sa ere.

"Hindi ko rin naman yan magagamit palagi, isa pa alam mo namang inactive ako sa mga social medias account ko di'ba? Kaya anong gagawin ko sa account na yan? Papaamagin hanggang sa mahack ng iba?" Kunot ang noong sambit ko sa kaniya na kaniyang ikinailing.

"Safe 'tong account na'to! Kaya dali na, susubukan mo lang naman e, tsaka Sien maraming naghahanap din dito ng friens dahil sa real world lonely sila. Tsaka alam mo ba-" Dali dali akong humakbang ng isang beses palapit sa kaniya tsaka tinakpan ng daliri ang bibig niya.

Huminga ako ng malalim bago mariing tumango sa kaniya.

"Fine. I'll try but I won't promise you na magiging active ako sa account na yan." Napangiti siya ng parang aso tsaka sunod sunod na tumango sa akin.

Napairap nalang ako sa ere dahil sa ginawa kong pagpayag sa kaniya. Wala naman na kasi akong ibang magagawa dahil kahit na anong gawin kong pagtanggi sa kaniya, kukulitin niya lang ako ng paulit ulit at hindi matatahimik ang buhay ko dahil kapag gusto niya, gusto niya.

"That's good! Here's your email and password." Aniya tsaka kumindat pa.

Mabilis kong kinuha sa kaniya ang phone at tsaka pinicturan ang nasa cellphone niyang password at email ng account.

"I'll open it later-"

"Ngayon na! Gusto kong makita ngayon na bubuksan mo yan!" Pagpuputol niya sa sinasabi ko sa galit na ekspresyon sa kaniyang mukha.

Napatango nalang ako habang nagpipigil ng tawa sa kaniya. Hindi ko kasi talaga maipaliwanag ang nangyayari sa kaniya. Minsan galit, minsan sweet, minsan creepy at minsan naman ay ganto, hindi maintindihan ang mga ekspresyon na ipinapakita niya.

"Fine! Fine, kung ito ang magpapatahimik jan sa kalooban mo ito na, okay? " Mabilis kong binuksan ang Facebook lite at ipinakita sa kaniya ang pag enter ko ng binigay na password at email.

A couple of seconds, I finally open my account that she gave me. Bumungad sa akin ang isang account na punong puno ng notifications sa message at friend request and also sa mismong notification kapag may mga post, reacts or what. Napakunot ako ng noo dahil sa nakita, I thought bago lang 'tong account na 'to? Eh bakit parang sikat naman yata o may ganap? Tss Zhea!

"Ang sabi mo kakagawa lang nito kanina?! Eh bakit ganito? Ang daming messages tsaka notifications huh?" Inis akong napatingin sa kaniya na kampante lang ang mukhang ipinapakita sa akin.

STILL WAITING FOR NOTHING (Under Editing)Where stories live. Discover now