Chapter 6

1 1 1
                                    

***

"Tsk! I hate this guy na talaga." Mabilis akong napalingon kay Zhea na biglang nagsalita sa harapan namin ni Elion. " He's giving me mixed signals tapos malalaman ko nalang na he's persuing someone pala." Umirap pa siya tsaka binagsak ang cellphone sa lamesa.

Agad kaming nagkatinginan ni Elion tsaka sabay na tumawa ng malakas sa kaniya. Napatingin agad siya sa akin kasabay ng pagkunot ng noo at masama ang tingin sa amin.

"Walang nakakatawa! Tsk, pa fall naman kasi 'tong bakulaw na'to. Bakit kasi nahulog pa ako dito." Padabog siyang nagtype ng kung ano sa keyboard niya kaya muli lang akong natawa.

"That is fake world Zhea. Don't expect too much because remember? Everything is fake." Paalala sa kaniya ni Elion. Tumango lang si Zhea sa kaniya ng hindi lumilingon.

"Tsk, tango ka pa konting lambing lang niyang bakulaw na Yan bibigay ka na! Bilis pa ma attach. Uto uto pa." Bulong ko sa gilid at tsaka umirap pa sa ere.

Agad naman akong napayuko ng aking ulo ng malakas akong batukan ng babaita. Masama ko siyang tinignan bago magtaas ng middle finger.

"I heard you bitch!" Aniya tsaka umirap pa.

Umirap lang din ako pabalik bago magsalita.

"Ewss, totoo naman." Umirap lang muli ako bago mag cross arms kasabay ng pagtaas ng paa sa lamesa.

We're here at the campus. Resting dahil wala naman kaming class sa two subjects since may upcoming events na inaasikaso sila Mrs. Carson at Mr. Jeremy. Mabuti na nga lang talaga dahil I can rest for a while, while reviewing those lessons na nahihirapan akong makuha.

Napasinghap ako ng hangin ng may bigla akong maalala. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang pumasok sa isip ko yung nangyari sa amin ni Thaddeus nung gabing yon sa talampas. We became more close and guess, nakuha niyang magbukas sakin ng ilang mga problems niya at ganon din ako. I don't know why pero I feel something strange when he is beside me. I can't explain that feeling but all I can say is, I'm so lucky that I met him that day.

Napatingala lang ako sa maaliwalas na kalangitan. Ang tahimik. Walang maingay sa paligid, tanging ang hampas lang ng hangin sa dahon ng mga puno at ang pag awit lang ng mga ibon ang tanging naririnig ko. Tumahimik na rin kasi si Zhea habang kaharap ang kaniyang cellphone, while Elion is sleeping. I know he's tired, he's been busy for this last few days. Lalo na after ng midterm exam naming lahat. Talagang nakaka drained iyong naging exam namin. Magkakaiba man kami pero talagang pinahirapan kami, there's a lot of questions na sinama na hindi naman tinuro. Meron ding puzzle sa isang set ng questions na walang binigay na description. And guess, tatlo lang yung nasagutan ko out of 10. Nakakainis dahil naglagay sila ng ganon sa mga test papers namin!

Muli lang akong napasinghap ng hangin kasabay ng pagtayo. I look at Zhea but she's still busy with her phone kaya naglakad nalang ako paalis ng hindi nagpapaalam sa kaniya after ayusin lahat ng gamit sa bag.

I decided to go to library and borrow some books there. Wala akong maisip na pwedeng ibang gawin kundi ang magbasa ngayong may free time kami.

I want to make advance study para naman tumaas ng kahit apat na puntos lahat ng grades ko tsaka para naman hindi ako nas-stress sa tuwing natatawag ako. Yes, may naisasagot naman ako pero it takes too long bago ako makapagsalita dahil I'm still not sure to my answer.

Tss, meron pa naman kaming Isang professor na talagang namamahiya ng studyante. Tsk, akala mo naman siya ay hindi nagkakamali. Nasasabi ko 'to ngayon dahil magaling ako sa subject na tinuturo niya, kaya nga kung minsan ay hindi na rin ako nakikinig sa kaniya at tumutunganga nalang sa labas ng bintana. In the end, ako ang matatawag para sagutin yung mga tanong niya. May isang beses nga na nagsungit siya dahil hindi nasagot ng Isa kong classmate yung tanong niya sa white board dahil may mali sa given na sinulat niya. Tss, talagang nakakainis siya! Kung pwede lang patanggal ko ang professor na yan ginawa ko na. Manyak din kaya ang isang yon! Ilang beses na namin nakikita ang isang yon sa banyo ng mga lalaki at pasilip silip. Tss, tanda tanda na ganon pa!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

STILL WAITING FOR NOTHING (Under Editing)Where stories live. Discover now