***
Nanginginig akong humarap sa salamin dahil sa kakatapos ko lang ding maligo. Hininaan ko na rin ang Aircon pero ganon pa din dahil malamig na tubig ang pinanligo ko. Napayakap lang ako sa sarili ng bigla pang humangin.
'Lintek, nakalimutan ko pa palang isarado ang bintana.' pagkakausap ko sa sarili bago naupo sa harap ng salamin.
Kailangan ko ng mag ayos ng sarili dahil wala ng kalahating oras ang natitira bago ako sunduin nung dalawa. May date kaming tatlo ngayon since binigyan kaming lahat ng long weekend before midterm exam.
Kinuha ko lang ang blower ko at nagpatuyo na ng mahaba at manipis kong buhok. Pagkatapos ay dumiretso ako sa harap ng cabinet at don pumili ng susuotin. I decided to wear my black sando top, black open jacket at black kargo pants with my new white rubber shoes.
Pagkatapos magbihis ay muli lang akong bumalik sa harap ng salamin para ayusin ang sarili dahil ano mang oras ay bubusina na ang kotse ni Elion sa labas.
Naglagay lang ako ng kaonting cream sa mukha tsaka nagapply ng manipis na make up. Ginamit ko na rin iyong bigay ni Zhea sa akin na lip balm dahil feeling ko ay magbabalat 'tong lips ko since nagd-dry na rin siya.
After 15 minutes na pag aayos ng sarili sa harap ng salamin, saglit ko pang sinuklay ang buhok bago iyon ipunin at gawing low bun na may nakaladlad pang manipis na hibla ng buhok ko sa harapan since hindi na iyon kaya dahil sa ikli ng buhok ko na iyon.
Huminga ako ng malalim bago kunin ang mumu japanese bag ko. Bago tuluyang lumabas ng kwarto, saglit ko pang binalingan ang lamesa ko sa gilid ng kama at don nakita ang cellphone. Bumalik ako para kunin yon tsaka nilagay sa bulsa ng kargo.
'Muntik ka pang makalimutan.' mariing sambit ko sa aking isipan.
Habang pababa ng hagdan, inaasahan ko na ang biglang pagbusina ng kotse ni Elion sa labas dahil narinig ko na rin ang pagtunog ng cellphone ko. Hudyat iyon na nanjan na silang dalawa sa labas.
Dali dali lang akong naglakad palabas ng gate at sa harap non ay nakita ko ang kotse ni Elion na bukas ang dalawang bintana habang ang mga ulo nila ay nakadungaw habang hinihintay ako.
Agad akong pumasok sa passenger seat at tsaka sumandal sa upuan. Malawak ang ngiti kong tinignan sila sa salamin. Si Elion ay seryoso lang ang mukha habang binubuksan na ang engine ng sasakyan, habang si Zhea naman ay nakakunot ang noo sa akin.
"Ano na naman yan Zhea? Walang araw na hindi nakakunot yang noo mo dahil sa akin!" Irap ko sa kaniya tsaka naglapit ng mukha.
Mabilis niyang tinulak ang mukha ko gamit ang kaniyang kamay tsaka sa akin nagsalita.
"Ano ba kasi yang outfit mo Sienlie! Para kang gangster na jan! Full black tapos naka low bun pa?! Mukha kang sira–"
"Apushhh! Huwag ka nalang magsalita, alam niyo parehong ganito ang pormahan ko. Ano pa nga bang magagawa mo di'ba?" Lokong sambit ko tsaka kumindat pa sa kaniya na kaniya ding ikinairap lang sa ere.
Natatawa lang ako na sumandal ulit ng bigla ng patakbuhin ni Elion ang kotse na sobrang bilis. Muntikan pa akong mauntog kaya napakapit pa ako sa bukas na bintana.
Narinig ko ang mahina nilang pagtawa na dalawa kaya masama ko silang tinignan habang inaayos ang sarili sa upuan.
"Damn you Elion! Papatayin mo na ba ako sa bilis mong magpatakbo ha?! Kaya ayokong ikaw ang nagd-drive e!" Inis na pagre-reklamo ko na kaniya lang ikinaiking habang tumatawa. Masama ko lang siyang inirapan tsaka kumapit nalang ng mahigpit sa upuan.
YOU ARE READING
STILL WAITING FOR NOTHING (Under Editing)
RandomWhen all our memories disappear forever and we become strangers again. "I have finally learned the lessons of our past because now, I already know my worth." DATE PUBLISHED: 03/05/24 PUBLISHED END: