Chapter 3

2 2 0
                                    

***

"Ano bang gusto mong suotin? Trousers and shirt or dress?" Tanong ni Zhea sa akin pero nanatili lang akong walang imik dahil nililipad ng hangin ang utak ko.

Iniisip ko pa rin kasi kung anong ibibigay ko kay tita Moreen kapag nagkita na kami mamaya. Hindi ako makapili ng maayos dahil andaming options ang binigay sa akin. Kung yung favorite Italian bread ba, new high heels o isang Gucci bag.

"Sienlie! Ano nakikinig ka ba o hindi?" Sigaw na ni Zhea sa akin kaya mabilis akong napatingin sa kaniya at tsaka tumango.

"Siguro ay decent dress nalang." Confused ako sa sarili ng iyon ang isagot. Sa totoo kasi ay hindi ako nagsusuot ng ganon kahit na may mga events, tanging mga trousers,kargo's and shirt lang talaga ako since dun ako comfortable.

"Sure ka?" Tanong niya na dahan dahan kong ikinatango.

"Yes, ano pa nga ba e dress ang nanjan sa harap natin pareho." Sagot ko tsaka mabilis na kinuha ang dalawang magkaibang dress.

Agad akong humarap sa malaking salamin na nasa baba ng kama ko tsaka nilagay sa harap isa isa ang mga damit.

"What do you think? Ito kayang red korean dress na medjo fit sa waist ko o itong long sleeve dress? Hindi ako makapili, tsk hindi naman kasi ako nagsusuot nito bakit ito pa ang hinanda. " Napa irap nalang ako sa ere bago ilapag muli sa kama ang dalawang dress tsaka sumalampak sa tabi ni Zhea.

Napabuntong hininga ako tsaka sa kaniya tumingin.

"Trousers nalang kaya tsaka shirt?" Napanguso ako. Tumango lang siya sa akin bago tumayo at dumiretso sa cabinet ko.

Tumingin tingin siya don at pagkatapos ay ipinakita sa akin ang ilang damit ko.

"Alin dito?" Tanong niya tsaka ipinakita sa akin ang tatlong damit.

Napatingin ako sa blue shirt ko na agad ko ring inayawan, sa tingin ko kasi ay hindi iyon magf-fit sa'kin since sobrang haba ng langgas non. Agad kong nilipat ang mga mata ko sa lilac shirt ko na siyang ikinailing ko rin.

In the end, I chose my plain nude shirt at ibinagay iyon sa black trousers ko.

"Perfect! Dito feeling comfortable ako, kapag kasi don sa dress na bigay nila ay hindi. Hindi naman ako binibining gumalaw. " Pigil tawa kong sambit sa harap niya na kaniyang ikinatawa ng mahina habang tumatango sa akin.

Saglit siyang tumigil sa pagtawa at ako ay tuloy lang sa ginagawang pag aayos ng sarili sa harapan ng salamin. Napa-pamaywang siya bigla sa gilid tsaka ako tinignan ng mula ulo hanggang taas

"Maglugay ka ng buhok mo ha? Pangit kapag nagtali ka." Aniya na ikinaconfused ko ngunit kalaunan ay tumango rin.

Ilang sandali pa ang lumipas hanggang sa matapos ko na ang sariling pag aayos. Napangiti ako sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang sarili. Feeling ko ay mas better talagang itong shirt at trousers ko ang pinilit ko dahil ampogi ko, haha. Just kidding, talagang ito kasi talaga ang mga suotan ko.

"Come with me ha? Samahan mo'kong pumili ng ibibigay ko kay tita Moreen, nakakahiya naman kung wala akong maibibigay sa kaniya dahil lang hindi ako makapili sa tatlo." Tumango siya habang kinukuha ang kaniyang bag sa likod ng pinto.

Natigil naman ako saglit sa ginagawang pagsasapatos ng makita ang isang maliit na kahon sa isang sulok ng kwarto ko. Napakunot ako ng aking noo, bago mapagpasiyahang tumayo at kunin iyon. Pagkakuha agad ko iyong binuksan at doon nakita ang mga small jewelry ko na galing pang ibang bansa, nandito rin yung picture namin ni tita Moreen na kinuha pa nung nagbakasyon kami sa Baguio.

STILL WAITING FOR NOTHING (Under Editing)Where stories live. Discover now