FIVE days passed and Varessa really enjoyed her days with her family.
Wala pa naman siyang planong bumalik sa States dahil sa isip niya ay mas magandang manirahan sa Pilipinas kaysa sa ibang bansa. Bukod sa hindi masyadong malamig ang temperatura at preskong hangin sa Pilipinas, ay kasama niya dito ang kaniyang buong pamilya.
Hindi rin siya masyadong nabo-bored dahil maraming pwedeng pagka-abalahan gaya na lang ng pagtulong sa gawaing bahay.
Doon sa States kasi ay hindi siya masyadong nakakagalaw dahil may maids sila na hindi siya hinahayaang gumawa ng gawaing bahay. Sa loob ng walong taon ay nag-aral lang sila ng kaniyang mga kapatid hanggang sa makatapos sila.
Ang swerte nga ng mga kapatid niya dahil may mga trabaho at sarili na itong mga kompanya kahit kakatapos pa lang nila mag-aral.
Siya, tapos na rin sa pag-aaral pero ayaw niyang pumasok sa mga usaping business kahit sinasabi ng ama nila na subukan niya, mas gusto niya kasi ang pagmo-modelo gaya ng Mommy niya.
Habang naglalakad siya, napahinto at tumingin siya sa lalaking kanina pa niya napapansing nakatingin sa kaniya, nasa hindi ito kalayuan. May bitbit itong isang bote ng beer.
It's not new to her when someone is staring at her because she's used to it but the way this guy stares at her is kinda creepy.
Hindi niya na lang ito pinansin at dahan-dahang naglakad sa tabi ng daan. Hindi naman siya malayo sa bahay nila dahil naglalakad-lakad lang siya sa labas ng bakuran.
Habang kumukuha siya ng litrato sa ulap ay biglang may tumabi sa kaniyang maglakad.
"Hi ako nga pala si Thunder." Pakilala nito.
He is the guy who was staring at her.
"Okay?" Tinaasan niya ng kilay ang lalaki.
"Sungit mo naman."
"Ah no! I'm not masungit, it's just.. you know you suddenly appeared beside me and I remember you were staring at me lately."
Nahihiya siyang kausapin ito dahil hindi siya sanay na kumausap sa ibang tao. Mga kakilala niya lang kasi ang palagi niyang nakaka-usap, minsan lang siya makipag-usap sa iba.
"Gano'n ba." Pagtango nito. "Anong pangalan mo?" Tanong nito.
She smiled. "I'm Varessa, 'Essa' for short."
"Ang ganda mo, ang ganda rin ng pangalan mo."
Napangiti siya sa sinabi ng lalaki at medyo namula siya.
"Pasensya ka na, Essa. First time ko kasing makakita ng ganiyan kaganda kaya napatitig ako sa 'yo kanina." Pagpapaumanhin ng lalaki.
"It's okay." She smiled even more.
"Bago ka lang ba rito?"
"Yes, actually we just arrived here five days ago."
Ngumiti ang lalaki sa kaniya.
"Talaga? Saan ka ba dati nakatira?"
"U. S."
"Wow, amerikana ka pala." Umawang ang labi ni Thunder.
She laughed a little at his reaction.
"Not fully. My Mom is a Filipina-Russian and my Dad is a Filipino-American."
"Ang dami mo pa lang lahi, pwede magpalahi?"
Tumawa nang tumawa ang lalaking nagngangalang Thunder pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Hindi naman na gets ni Varessa ang lalaki pero ayaw niya namang ipahalata 'yon kaya sinabayan niya na lang itong tumawa.
BINABASA MO ANG
Bound By Blood, Broken By Love: Forbidden Desires
RomanceThey were bound by blood but were broken by love.