"IS she asleep?" Walang emosyon na tanong ni Lorico sa kaniyang kapatid na si Zavier.
Tumango si Zavier bilang sagot.
"What happened on your cheek??" Kunot-noong tanong ni Lorico.
Hindi siya nasaktan pero masyadong malakas ang sampal ni Varessa sa kaniyang pisngi kaya ito namula.
"She slapped me."
"Ganti niya 'yan sa pagsuntok mo sa lalaking kasama niya kanina."
"Speaking of him. Lorico, I want you to trace him." Sabi ni Zavier bago naglabas ng cellphone.
"I took it from his pocket after we punched him."
"Is that his phone?"
"Obviously. Use that."
"Fine, I'll trace that motherfucker." Lorico took the phone from his hand.
Alam niyang magaling si Lorico sa pag-hack o pag-trace dahil sa isang click lang ay malalaman na nito ang bawat impormasyon ng isang tao.
Habang tahimik na kinakalikot ng kapatid niya ang cellphone ay napagdesisyunan niyang iwan muna ito para bumalik sa loob ng kwarto.
Agad niyang nakita si Carter na tahimik na pinagmamasdan ang kanilang natutulog na kapatid.
Dumako ang tingin nito sa kaniya kaya umalis sa tabi ng dalaga para umupo sa sofa.
"Tangina, bro 'wag mo kasing stressin." Naiinis na sabi ni Carter kay Zavier.
Tinignan nila ang dalagang mahimbing na natutulog sa kama.
Ang dalagang kunwaring kinaiinisan nila pero sa totoo lang ay mahal na mahal nila ito.
Marami silang lihim sa kanilang kapatid na si Varessa kaya mas pinipili nilang palabasing may galit sila rito. Ayaw nilang malaman ng dalaga ang kanilang mga sekreto dahil baka 'yon pa ang maging dahilan para lumayo ang kapatid mula sa kanila.
May benda ang kanang binti nito dahil sa malaking sugat.
Sobra silang nag-aalala dahil nakita nila kung gaano kalakas tumilapon ang dalaga at sa hindi inasahan ay tumama pa ang binti nito sa malaking bato. Sobrang laki pa ng sugat na natamo ng babae.
Wala silang ibang sinisisi kung bakit nagkaganito ang dalaga kundi ang lalaking nagngangalang Thunder.
"Fuck that stupid guy he met earlier."
Tinungga ni Zavier ang isang bote ng beer. Si Carter naman ay nakatingin lamang kay Varessa.
Kanina ay galit na galit ito sa kanila dahil sa ginawang pagbugbog nila kay Thunder na kaniyang kaibigan kuno. Iniisip nila na ang tingin ni Varessa sa Thunder na 'yon ay kaibigan, pero alam nilang ang lalaking 'yon ay may gusto kay Varessa. Kaya ngayon hangga't maaga pa ay gagawin nila ang lahat para mailayo si Varessa mula sa lalaking 'yon.
They watched the CCTV footage, they saw that guy was following her until he approached her like a good person who has good intentions.
"Bwesit kasi ang lalaking 'yon. What did he do to Essa why is she so worried about that fucking man?" Galit namang saad ni Carter.
Umigting naman ang panga ni Zavier bago magsalita.
"He's not a man. He's a boy. With just my punch, he immediately fell down." He then chuckled before smirking.
Wala siyang pagsisising bugbugin ang lalaki, gusto niya pa nga 'yong bugbugin ulit nang paulit-ulit dahil sa ginawa nito sa kanilang kapatid.
Later on, Lorico entered the room while holding his phone.
Pinakita niya agad ang cellphone kay Zavier.
"I found his address, bro." Mahinang ani Lorico.
"Nice!" Carter happily said.
Hinampas naman ni Zavier ang kaniyang balikat at sinenyasang tumahimik dahil baka magising si Varessa.
"Pero ano namang gagawin natin diyan sa address ng lokong 'yon?" Nakataas-kilay na tanong ni Carter sa dalawa niyang kapatid.
"I have a plan. A bright plan." Pagngisi ni Zavier.
"At ano namang plano 'yan, Zavier?" Nagtatakhang tanong ni Carter.
"I hate questions you fucker. Shut up and sit down. Gonna plan this with the two of you of course. First, let's have a discussion."
"Baliw ka ba? We will talk about your plan while she's here?" Turo ni Lorico sa natutulog na si Varessa.
"I'm crazy but not stupid, of course I have a place for us to discuss you idiot."
"I'm idiot? Then you're an asshole!"
Bago sila lumabas ay ini-lock nila ang pintuan para makasiguradong sa loob lang ang dalaga habang sila ay mag-uusap.
Wala sila sa bahay kaya walang makaka-istorbo sa kanila. Dinala nila si Varessa sa nabili nilang isla. Hindi naman sana nila planong dalhin dito ang kanilang kapatid pero ayaw nilang mag-alala ang Mommy at Daddy nila kaya dito na lang nila ito dinala.
Pumasok silang tatlo sa isang kwarto. Agad na nahagip ng mga mata nila ang nagraramihang alak na siyang naging dahilan ng pagngisi ni Carter.
"Woah are we gonna-"
"We're not here to drink, Carter. Sit your ass down." Pagputol ni Zavier sa kaniya.
Bumagsak ang balikat ni Carter bago umupo sa mahabang sofa.
"So what's the plan?" Lorico asked.
"I'll make his life miserable."
"Miserable? Bro, what if we just kill him immediately? Para burado kaagad ang buhay niya." Pagsabat ni Carter.
"Tanga ka ba? Kapag pinatay natin siya malamang sisisihin tayo ni Essa." Sagot ni Lorico rito.
Tumango-tango naman si Zavier.
"Lorico is right. If we kill him, Essa won't think twice to accuse us. But if we make his life miserable then she'll think we're not doing something."
"How can you say that? In what way are we gonna make his life miserable? Eh pagmumukha pa nga lang no'n miserableng-miserable na." Carter.
"Simple. We will target him.. his family."
"Bro, siya lang ang may atraso sa atin, bakit mo naman idadamay ang pamilya niya?"
"I don't care. A lesson is a lesson that he must learn."
BINABASA MO ANG
Bound By Blood, Broken By Love: Forbidden Desires
RomanceThey were bound by blood but were broken by love.