"HOW are you, Essa?" Tanong sa kaniya ng kapatid na si Carter.
Hindi niya pinansin ang kapatid bagkos tinignan niya lang ito.
Hindi porket hindi ito tumulong sa ginawang pagbugbog kay Thunder ay hindi na siya magagalit dito. May kasalanan pa rin ito, iniisip niyang napigilan sana niya ang ginawang pagbugbog ng dalawa kay Thunder kung hindi siya hinawakan ni Carter.
Napansin niya namang magmula kahapon ay hindi na siya tinatawag na 'bratty' ng tatlo.
"Why are you now calling me 'Essa'? Isn't it 'bratty'?" Nakataas na kilay niyang tanong.
Nginisihan naman siya ni Carter.
"Bakit, gusto mo bang tawagin kitang 'bratty'?"
Inirapan niya na lang ito.
Nilagay naman ni Carter ang tray na naglalaman ng pagkain sa harap niya.
There's a rice, two thighs of chicken, hot soup, grapes, and peeled apples.
"Eat now. I bet you're hungry, you've been sleeping since yesterday."
Sandaling gumala ang kaniyang tingin sa paligid bago muling tinignan si Carter sa kaniyang tabi.
"Where is Zavier and Lorico?"
"They're not here."
She raised a brow.
"Obviously that's why I'm asking where are they?"
"Bakit ba sila ang hinahanap mo e ako ang nandito." Nakasimangot na bulong ni Carter na narinig niya naman.
"Why would I find you e nandito ka na nga?"
"Nasa bahay sila."
She frowned hearing his answer. "What?"
Anong ibig nitong sabihin na nasa bahay ang dalawa?
"And we're not in the house. Nandito tayo sa isang isla. Don't worry, we'll come back there once you're okay."
"I want to go home, I'm already okay-"
"No, you're not."
"Yes I am!"
"Essa, fuck! Bakit ba napakakulit mo palagi?" Naiinis na tanong ng lalaki sa kaniya.
"Are you fucking okay with that situation? Iyang binti mo sa tingin mo okay na 'yan? Magkaka-benda ba 'yan kung okay lang 'yan? You know what, Essa. Maybe you're thinking that we're hiding you here? Hell no." Tumawa ito. "We brought you here because ayaw naming makita ka ni Mommy sa ganiyang kalagayan kasi kilala mo naman 'yon, she's overreacting in everything."
Akala niya titigil sa kaka-dada ang kaniyang kapatid pero tumayo ito.
"Once she sees you with that situation, she'll be like 'Oh no my daughter!! What happened to you?!!~'" Pag-aakto nito at ginaya pa ang boses ng kanilang Mommy.
Hindi niya napigilang matawa sa ginawa ni Carter.
"Fine." She sighed.
She started to eat while Carter is looking at her.
"Kung hindi ka lang kasi sumama sa lalaking 'yon edi hindi sana 'yan nangyari sa 'yo." Carter broke the silence.
"I had no intention of going with him, we just became friends right away so we decided to go for a walk. We saw a swing and I decided to ride on it. Then unexpected happened. But I swear, he's innocent so they shouldn't have beaten him."
Tumango-tango si Carter sa paliwanag niya.
"Alright. Mabuti na lang talaga sinun- n-nakita ka namin." Medyo nautal na sabi ni Carter.
"Ha?"
"Continue eating, Essa."
"AYOS ka na ba, apo? Hindi na ba masakit 'yang binti mo?"Umiling siya sa Lola niya bilang sagot.
Kakauwi lang nila galing sa isla.
Sobrang nag-alala pa ang kaniyang Lola dahil halos mag-iisang linggo siyang hindi naka-uwi ng bahay.
Ang dinahilan ng tatlo ay nadapa si Essa no'ng tumatakbo sa labas ng bahay at sa hindi raw inaasahan ay malakas na tumama ang binti niya sa malaking bato. Sinabi pa ng tatlo na dinala nila ang dalaga sa ospital para magamot siya agad at pansamantalang nag-stay sa ospital kaya hindi ito naka-uwi.
Paniwalang-paniwala naman ang Lola nila na ikina-guilty niya naman. Magaling talagang magsinungaling ang tatlo na akala mo'y nagsasabi ng totoo.
"It doesn't hurt anymore, La."
"Oh siya sige magpahinga ka na sa kwarto mo."
"Sila Mommy po?"
"Nasa Dubai sila kahapon pa may inaasikaso lang." Sagot naman ng Lola niya. "Sige apo, magpahinga ka na at may gagawin lang din ako."
Nang tuluyan na siyang iwan ng matanda ay akmang aakyat na siya sa hagdanan nang biglang pumasok sa isip niya si Thunder.
Kamusta na kaya ang lalaki?
Gusto niyang malaman kung ano na ang kalagayan nito matapos ang nangyari.
Nagmadali at palihim siyang lumabas ng bahay para balikan ang lugar kung saan siya na-aksidente.
Pero hindi pa siya nakarating do'n ay napalingon siya sa kaliwang kanto dahil sa ingay nang ambulansya at mga tao. Nanlaki ang mga mata niya dahil nasusunog ang maraming bahay habang ang mga bombero ay nagtutulung-tulungang patayin ang dambuhalang apoy na kumakalat.
Then there he is. She saw Thunder who's shouting 'Ma!' while crying loudly.
Agad siyang tumakbo papalapit sa lalaki.
"T-Thunder.."
Dahan-dahang lumingon sa kaniya ang lalaki. Nang tuluyang humarap ang lalaki sa kaniya ay napansin niya agad ang mga pasa at sugat sa mukha nito.
"Essa, n-nandito ka.."
He hugged her tightly while sobbing.
"T-Thunder, let's get out of here-"
"S-si Mama, Essa.. n-nasa loob siya. Ang Mama ko nasa loob.." Hagulhol ng lalaki, halata sa boses nito ang takot na baka kung ano ang mangyari sa ina.
"Ma'am, Sir, tama na ang yakapan baka kung ano pa ang mangyari sa inyo rito, magsi-alis na kayo!" Pasigaw na sabi ng isang bombero.
Mabilis na kumalas si Thunder sa pagkakayakap at sinuntok ang bombero. "Bakit ka ba nangingialam?! Kung 'yang pagsabat mo riyan ay itrinabaho mo na lang!"
"Piste ka pala-"
She rushed to pull Thunder away from the fireman.
"Instead of punching someone, why don't you just do your job?!"
Nagtitimpi namang umalis ang bombero sa harapan nila.
"Thunder, let's go."
"Hindi, Essa! Kailangan kong iligtas si Ma-"
"Thunder! Listen to me, okay? Makakalabas ang Mama mo, look at them, they are doing their job." Turo niya sa rescuers. "Trust them, they will save your Mom."
BINABASA MO ANG
Bound By Blood, Broken By Love: Forbidden Desires
RomanceThey were bound by blood but were broken by love.