27

445 13 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 27
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶


“Ms. Madriaga, hindi na muna matutuloy ang pag-interview mo sa pinapagawa ko sayo.”


Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Sir. Pagkapasok ko sa work ay agad niya akong tinawag at pinapapunta sa office niya. Ito lang pala sasabihin sa akin ni Sir sana ni-text niya lang.


“Eh, kailan po daw pwede?” tanong ko para maayos ko ang schedule ko.


“Kapag magaling na siya,” sagot ni sir.


Ibig sabihin ay hindi niya alam kung kailan? Eh, 'di buburahin ko muna iyon sa task ko para naman mabawasan ang sakit sa mata ko. Sa sobrang dami kasi ng gawain ay sumasakit na ang mata ko at ulo sa kakaisip kung ano dapat ang unahin ko.


“Sige po, balik na po ako sa work Sir,” pagpapaalam ko bago ko iwan si Sir ng payagan niya ako.


Pagkabukas ko sa office namin ay agad akong napairap. Bumungad ba naman sa paningin ko si Che at si Mr. Ferro na naglalandian. Oras ng work pero heto sila at naglalandian. Mga wala silang konsiderasyon sa mga single. Simula ng malaman kong may something sila ay bihira na lang ako nitong kausap. Nagkabebe lang nakalimutan na ang kaibigan niya.


Ang aga-aga masakit sila sa mata. Sarap nilang pagbuluhing dalawa. Si Will muna ulit ang nag-aalala at nagbabantay kay Lew habang si Lai ay pumasok sa school kahit na ayaw niyang iwan ang kapatid si ospital. Buti na lang at napilit ko.


Ayaw ko kasing lumiban si Lai sa school lalo na't hindi siya pumasok ng isang araw. Magdadalawang araw na sila Lew sa ospital. Kaya pinapasok ko na si Lai dahil medyo okey naman na ang kapatid niya. Hinihintay ko na lang ang resulta ng scan ng anak ko about sa bone niya para makalabas na siya.


Si Will ang magbabayad ng hospital bill kahit ayaw ko dahil may pera naman ako. Mas lalaki ang utang ko sa kaniya dahil sa ginagawa niya. Sa sobrang bait ay lahat ng gastusin ko siya na ang nagbabayad.


“Teh, good morning!” Bati ni Che sa akin sabay ngiti pa ng pagkatamis-tamis.


“Don't talk to me! Hindi ko pa rin nakakalimutan na iniwan ko ko sa bar at mas pinili si Brett!” inis kong sigaw kaya natawa siya. Dito na rin niya ginagawa ang work niya. Halatang may something na talaga sa kanila dahil binubulgar na nila mismo. “Ang aga-aga at naglalandian kayo sa harap namin. Nasaan ang hustisya? Dapat pala hiwalay ang office ng mga single at sa hindi.”


“Ay, excuse me may boyfriend ako,” singit ni Marc.


“Ako may asawa na,” anas naman ni Michael.


“Ako po may manliligaw pro sasagutin ko na siya sa birthday ko,” sabi naman ni Charlene.


Mas lalong natawa si Che dahil sa reaksyon ko. Mga bwisit talaga! Sinasampal ako na single ako dahil sa mga sinabi nila. Hindi lang basta single kasi single mommy ako pero proud ako.


Proud akong ganon dahil biyaya ang mga anak ko para sa akin. Pakialam ko naman kung may lovelife sila? Wala man ako niyan at least may mga gwapo akong anak.


“Sis, hanap ka na rin ng kabebe mo para naman hindi ka na maging bitter,” pang-aasar sa akin ni Che na ikinatawa ng mga katrabaho namin.


Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now